Chapter 42

7 0 0
                                    


🌹Be my Girl🌹
Chapter 42

#Mike_Pov

Kinaumagahan ay nag aral na kami sa araw na iyon hindi na natulog sa klase si Jiro. nag-focus talaga kami sa pag aaral para sundin si Lolo.

Matapos ang klase ay lumapit si Andrea sa akin.

" Can we Talk.. " Sabi nya sa akin.

Wala akong balak na kausapin sya. Tuloy tuloy lang ako sa paglabas ko ng classroom. . Sinundan nya ako at hinarangan.

"Please mag usap naman tayo." Pangungulit nyang sabi.

"Wala akong oras na makipag usap sayo. Kasi may date pa kami ni Sharline" pagsisinungaling ko.

" Sinungaling alam ko na hindi mo sya girlfriend. "

" Wla akong paki alam kung ayaw mong maniwala. Basta Girlfriend ko si Sharline at wala akong balak na makipag balikan sayo."

Saktong palabas naman si Jiro at si Bans*t.

Kaya lumapit ako sa kanila at hinawakan ang kamay ni Bans*t. Kita ko sa mukha nya ang pagkagulat ng hawakan ko ang kamay nya para e holding hands sya.

Gulat din si Jiro sa ginawa ko at ang mukha ni Andrea galit na galit.

Gusto kong ipamukha kay Andrea na wala na kaming pag asang magkabalikan.

"Alam kong gusto mo lang akong pagsilosin. " Iritang sabi ni Andrea.

"Bakit ko naman gagawin yun. Matagal na tayong wala Andrea. Move on "

" Paano ako makaka move on kung hanggang ngaun mahal pa rin kita." Sabe naman niya sa akin.

"Pasinsya na pero hindi na kita mahal, si Sharline na ang mahal ko. Halika na babe. " Yaya ko kay Bans*t na hindi parin sya makapaniwala.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

#Sharline_Shara_POV

Lumabas na kami sa classroom. Kita naming nag uusap si Andrea at Mike. . Biglang kumirot ang puso ko. Para akong nakaramdam ng silos.sino ba nman ako para magsilos.

Pero nagulat nalang ako ng lumapit saakin si Mike at hinawakan ang kamay ko. Totoo ba ito nakaholding hands kami ni Mike.

At ang ikinagulat kong marinig mula sa kanya ay ang sabihin nya na ako na daw ang mahal nya.

Totoo ba iyon?

"Hindi parin ako nacoconvince na girlfriend mo nga sya?"

"Do you wanna prove? " Seryusong sabi ni Mike kay Andrea

" Yah... prove it.. " taas kilay na sabi ni Andrea

Pang hahamon nya kay Mike.

Nagulat nanaman akong bigla nyang hawakan ang magkabilang pisngi ko at hinalik*n ako sa labi?😱

Hindi lang ako ang nagulat dahil pati si Jiro at Andrea ay nagulat rin .

"Ano naniniwala ka na? " Sabi ni Mike kay Andrea ng matapos nya akong halik*n.

Sa inis ni Andrea ay sinampal nya si Mike at umalis na sya.

Shock pa rin ako sa ginawa ni Mike.

Nailang na din si Jiro sa nasaksihan nya

"akward! . .. sigi iwan ko mona kayo. . Mag usap kayong dalawa."

Umalis na agad si Jiro iniwan ako. Akala ko na ililibre nya ako ngayon bakit iniwan lang nya ako dito. .

Para akong statuwa na hindi makagalaw. Nanlamig ang bou kung katawan.

Napansin naman ni Mike na parang statua lang ako na nakatayo lang na nakatulala.

"Hoy...." Sabi nya saakin. "Ano ba nangyayari sayo?"

Bigla ko nalang syang sinampal At tumakbo na papalayo sa kanya.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

#Michael_Mike_POV

Iwan ko kung naniwala nga ba si Andrea sa pagsisinungaling ko. Buti na iyon kesa umasa sya. Wala na talaga akong pagtingin sa kanya.

At naguguluhan ako sa nararamdaman ko para kay Bans*t.

Napatingin ako sa kanya. Nakatulala sya. Alam kong shock sya sa ginawa kung pag hal*k sa kanya.

Nang pansinin ko sya bigla nalang ako nakatanggap nang sampal at patakbo syang umalis

Dampi lang naman ang ginawa ko bakit sya nanampal.

Napahawak ako sa pisngi ko kung saan nya ako sinampal.

"Kakainis. . Ang sakit nyang manampal."

Patakbo na syang papalayo saakin. Kailngan ko syang habulin para makapag explain ako at magpapatulong ako sa kanya.

"Hoy! Bans*t sandali lang"

Hinabol ko sya kaya lang ang bilis nyang tumakbo.

To be continue...
🍀🍀🍀

Be My Girl(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon