🍀Chapter 2🍀.

186 6 0
                                    

🍀Be my Girl🍀
Chapter 2

🍀Shara_POV🍀

Habang abala ako sa kinakain ko ay biglang may lumapit sa harap ko isang lalaki.

Agad kong itinago ang sandwich ko nag iisa pa naman ito.

Ini angat ko ang pangingin ko sa kanya di ko naman inaasahan na magtatama ang aming mga mata.

As in eyes to eyes talaga.

"Ano ba ang kailangan mo?" Nagtataka kong tanong sa kanya

Bigla niyang iniabot sa akin ang isang Can na Coke.

Bigla akong natouch.

May mga tao palang mababait.

Nahihiya ko pang kunin yung Can na hawak niya.

Pero pagkahawak ko sa can, ayaw niyang bitawan.

Kaya nagtaka ako. Bakit ayaw niyang bitawan?

"Ano ba ang ginagawa mo!" Galit niyang sabi at nagulat naman ako sa kaniya.

Kaya binitawan ko na yung can na hawak niya.

Ano ba ang problema niya.

"Baka gusto mong magpaliwanag o magsorry man lang sa akin." Galit na sabi ng lalaki.

Ano daw magpapaliwanag at mag so-sorry ako at bakit naman?

Hinawakan ko lang naman yung Can na hawak niya. Akala ko kasi binibigay niya.

"Bakit naman ako magso-sorry? Wala naman akong ginagawang masama sayo ah. Hinawakan ko lang naman yang hawak mo akala ko kasi binibigay mo sa kin?" Sabi ko sa knya.

"Hind mo alam Ganon? Hind mo alam kung anong ginawa mo sa akin?." Galit na sabi ng lalaki saakin.

Wala talaga akong alam sa mga pinagsasabi nya

" Hindi eh... Hinawakan ko lang naman iyan tapos nagalit kana?" Sabi ko pa sa kaniya.

"Nakikita mo ba ang sugat sa noo ko. Kagagawan mo yan. " Galit na sabi lalaking ito.

"hala! bat naman ako yung pinagbibintangan mo? Ngayon lang tayo nagkita ah.. kung makapag bintang ka...ni hindi nga kita kilala eh" pagdedepensa ko sa sarili ko.

" Nakikita mo ba itong hawak ko? "Sabi pa ng lalaki at ipinakita saakin ang Can na coke.

" Oo naman dilata yan ng Coke? Anong connection sa pagbibintang mo sa akin?" Tanong ko.

" Ito lang naman ung ibinato mo sa akin. " Nagagalit parin nyang sabi

" Hala... hindi ko yan binato. Sinipa ko lang naman yan. . Teka... ( nanlaki mata ko di kaya natamaan ko sya?)

" natamaan ba kita. ... naku naku sorry.. "

at hindi naman ako makapaniwa na may natamaan pala ako kanina pagkasipa ko dilata ng coke.

Tumayo na ako para tingnan ang sugat sa ulo niya. Lagot ako nito.

Muntik na pala akong makapat*y ng tao.

.
.
.
.
.
.

🍀#Mike_POv🍀

dO__Ob

*Luuuuunoooookkkkk*

Nabigla nalang ako nang bigla nya akong nilplapitan para tingnan ang bukol ko. . . Pilit nyang abotin yun para tingnan. Ang lapit lapit ng mukha nya sa mukha ko na halos madikit na ang labi niya sa pisngi ko.

Bigla ko syang tinunak. Pero d malakas ah baka akala nyo masama akong tao. Hindi ako ganon

"Wala kang karapatan na hawakan at tingnan ang noo ko. " Galit kong sabi sa bans*t na ito.

" Tiningnan ko lang naman ang sugat mo kung napuruhan ba talaga.. Sorry na talaga. Diko talaga sinasadya na matamaan ka. " nagmamaka awa niyamg sabi

"Hindi agad nakukuha sa sorry lang ang ginawa mo. . Sinadya mo man o hindi nasaktan pa rin ako. At gusto ko gawin din yun sayo para malaman mo kung gaano ako nasaktan sa ginawa mo."

Kita ko ang takot na naramdaman ng bans*t na ito.

Lumapit naman ang dalawa saakin para awatin ako.

"awat na pari. Nag sorry naman sya. Eh. Wag mo syang gantihan hindi naman daw nya sinasadya" sabi sa akin ni Alvin.

"Tingnan nyo naman ang ginawa nya sa akin. Namumula na ang Noo ko sa sakit." Reklamo kong sabi.

"Hindi ka kasi Umilag. " Pabirong sabi ni JiRo.

" So...ako pa talaga ang may kasalanan? Ganon? Dahil hindi ako umiwas?" inis akong lumingon kay Aljon.

"Easy lang Pre... babae yan " sabat ulit ni Alvin.

"Eh ano ngayon kung babae siya?" Inis kong sabi

Bigla akong inakbayan ni Alvin para nilayo kay Bansot.

Kita ko pang kinindatan ni Alvin si Bans*t.

Nakita ko ang pag ngiti sa kanya ni bansot.

"May araw ka din sa akin." Inis ko pang sabi kay Bans*t.

Inagaw na sa akin ni Alvin ang hawak kong Can at tinapon sa Recyle bin na nadaanan namin.

"Wag mo na kasing patulan. Mukha naman syang mabait." Sabi pa ni JiRo na naka ngiti din kay Bansot

"Anong nasa likod mo?" Tanong pa ni Jiro kay Bansot.

Mas lalong itinago ni Bansot ang Sandwich

"Masarap na Sandwich!" Sabi ko dahil mukhang ayaw sabihin ni Bansot ang tinatago niya sa Likod niya.

Pagkarinig ni Jiro na pagkain ang nasa likod ni Bansot ay sapilitan niya itong inagaw.

"Sandwich ko yan!" Sabi ni Bansot pero huli na ang lahat nakuha na ni Jiro ang tinatago tago niyang sandwich

Buti nga sa kaniya.

Kita kong sinubo na ni Jiro ang sandwich at patakbo na siyang lumapit sa amin para makahabol.

Kita ko ang pagka inis ni Bansot sa ginawa ni Jiro.

Kahit iginanti ako ni Jiro sa pang aagaw niya ng Sandwich kay Bansot hindi pa rin nawawala ang galit ko.

Pagnagkataon na magkasalubong kami ni Bansot sisiguraduhin kong mangyayari sa kaniya ang ginawa niya sa akin.
.
.
.
.
.
.

🍀#Shara_POV🍀

Bigla akong nainis sa tatlong iyon. Akala mo kung sino.

Alam ko naman na ako yung may mali dahil nasaktan ko yung isa sa kanila. Pero hindi ko naman talaga sinasadya at saka nag sorry naman ako sa kaniya.

At ang nakaka inis yung Sandwich ko inagaw ng isa sa kanila. Tapos isang lamon lang niya sa sandwich ko.

Samantalang ako isang kagat lang! 😭

Pinaghirapan ko pa naman ang Sandwich na iyon.

Gutom pa naman ako.

Nasaan na kasi si Karina bakit bigla bigla nalang siyang nawawala na parang bola.

Ayan tuloy na bully ako ng tatlong iyon.

Pero bigla akong napatigil. Ako pala iyong nanakit hindi sila.. pero kahit na pambubully pa rin ang ginawa nila sa akin. Lalo na yung nang agaw ng Sandwich ko.

Nakaka inis talaga sila.

Napaghinaan ako ng loob at napa upo nalang ulit sa fountain.

Ang sandwich ko....😭

To be continue
🍀🍀🍀

Be My Girl(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon