ONE : PARANORMAL

270 39 12
                                    

LUNA's P.O.V

Wala pa si Mr. Monje kaya maingay ngayon ang Class C. Masayang nagkukwentuhan. May ilang nagbabasa ng libro. May ilang nakikinig ng music. May ilan namang lumabas at pumunta kung saan.

16 lang ang mga students sa Class C kaya malawak at pwedeng magtakbuhan dito sa loob ng classroom. Pwede rin magdala ng kung ano ano at ilagay kung saan basta ilagay nang maayos sa tabi hindi 'yong pakalat kalat lang.

Napansin ko naman si Ley panay picture sa buong classroom pati mga kaklase namin ay pinipicturan niya. Sa Class C si Ley ang pinaka mahilig mag picture at pinopost sa social media. Hindi naman umaabot sa lima ang reactors niya.

"Huwag mo nga kaming picturan," suway ko sa kanya nang tumapat sa amin ang camera niya.

"Dun ka nga," pagpapaalis ni Gia. Tumatawa lang si Ley at ipinagpatuloy niya ang kanyang pagpipicture sa iba pa naming kaklase. Lahat ng kaklase namin ay ayaw rin nilang pinipicturan sila.

Sila Celine at Elvi ay tuwang tuwa naman na pinipicturan sila. Hanggang sa magsawa na si Ley, ito namang dalawa ay nagpupumilit na picturan ulit sila.

Pansin kong pumasok si Shin na galing sa labas. Nilibot niya ng tingin ang buong classroom, "Nasaan si Kim?" tanong niya.

Inilibot ko rin ng tingin ang buong paligid. Si Kim na lang ang wala pa dito sa classroom. Ang iba ay pinapasok na ni Shin. Sa tuwing parating na kasi si Mr. Monje ay chinecheck ni Shin na kung sino ang wala pa sa classroom.

"Nasa Art room ata?" sagot ni Celine.

"Pakitawag. Parating na dito si Mr. Monje,"

"Ako na ang magtatawag sa kanya," pagprisinta ko. Tumayo ako at diretso sa labas.

Medyo malapit ang Art Room sa classroom namin kaya mabilis akong nakapunta dito. Nadatnan ko naman doon si Kim na nagddrawing na naman doon. Magaganda ang mga gawa niya kaya sulit talaga ang puyat niya dito sa loob nang art room.

Kumatok ako para agawin ang atensyon niya. Nang makita na niya ako ay sinabi ko na kaagad ang kung bakit ako nandito.

"Magsisimula na ang klase. Tara na, baka mahuli pa tayo ni Mr. Monje,"

"Uhm, sige. Itatabi ko lang itong mga 'to,"

Pagkatapos niyang itabi ang gawa niya ay naglakad na ito papunta sa dito sa labas at iniwan ang kanyang drawing.

"Ano nga pala 'yong dino-drawing mo?" tanong ko sa kanya habang sabay kaming naglalakad patungong classroom.

"Random lang. Kung anong pumasok sa isip ko," sagot niya sabay ngiti. Tumatango tango na lang ako.

Pagkapasok namin ay wala pa rin si Mr. Monje. Nang nakaupo na kami ay bigla naman siyang dumating. Sakto lang sa pag upo namin ah.

"Good afternoon, Class C," bati ni Mr. Monje pagpasok niya.

"Good afternoon," masigla naming bati. Nagsimula kaagad siyang magturo sa amin dahil konting time na lang niya dito.

Habang nagtuturo si Mr. Monje ay napansin kong nasisilaw sa araw si Zumi. Tiningnan ko ang kurtina na nasa gilid lang at hindi hinaharangan ang bintana.

Nasa gitna nakaupo si Valerie kaya hindi niya mausog ang kurtina. Kaya ako na ang nagkusang iusog ang kurtina para hindi siya masilaw sa araw. Katabi ko naman 'yong kurtina kaya hindi ako nahalata ni Mr. Monje na tumayo.

Pagkatapos ay nag thumbs up ako kay Valerie kung okay na ba. Tumango lang ito at ginalaw ang bibig. Gets ko naman kaagad ang gusto niyang sabihin 'Salamat'.

The Mystery In Class C | ✓Where stories live. Discover now