LUNA's P.O.V
Nandito ako ngayon sa labas ng class room namin habang nakasilip sa mga kaklase ko. Okay na pala sila nang wala ako.
"Hindi ka pa ba papasok?" pagsulpot ni Kim sa tabi ko. Papasok na rin siya sa class room at dala-dala niya ang bag niya.
"Hindi na. Hayaan ko na lang muna sila na masanay nang wala ako sa Class C," sagot ko sa kanya. Tamang desisyon naman ito 'di ba?
"Bahala ka kung ayaw mo," mahinahong wika nito at pumasok na siya sa class room.
Naglakad na rin ako palayo sa class room. Siguro sasamahan ko na lang muna ang papa ko.
Lumabas ako ng building at doon ko nakita si papa na nagwawalis sa ground floor. Lumapit ako sa kanya at nagprisintang ako na lang ang magwawalis.
Alam kong hindi siya papayag dahil baka may makakitang estudyante na magisang gumagalaw ang walis pero wala na akong pake doon basta matulungan ko lang ang papa ko sa huling pagkakataon ko dito sa school na 'to.
SHIN's P.O.V
"Sir, kailangan ko na pong makuha sa inyo ang recommendation letter na ipinangako niyo po sa akin," wika ko sa kanya. Pumunta ako dito sa teacher's office para kausapin si Mr. Monje tungkol dito.
"Bakit ako mage-effort na sulatin 'yon kung hindi mo naman inaayos ang trabaho mo? May kaklase kang naaksidente dahil sa kawalan mo sa pagiging leader,"
"Sorry, pero hindi na ako magbibigay sa 'yo ng letter," dagdag pa niya. Paano ko na 'to sasabihin kay papa? Magagalit na naman siya sa akin nito.
"Shin, umamin ka nga sa akin. Binubully niyo ba si Celine?"
Nagulat ako sa tanong niya, "Hindi po, sir,"
"Alam niyo naman na na matatakutin 'di ba si Celine kaya malay ko ba kung tinakot niyo sa doon ng gabing 'yon kaya naaksidente,"
"Hindi po gano'n 'yon, sir,"
Gusto kong sabihin sa kanya na si Luna ang nanakit kay Celine pero parang may pumipigil sa akin na gawin 'yon.
"Ayaw mong sabihin?... okay, makakaalis ka na," tumutok na ulit siya sa kanyang ginawa.
Nagpaalam na rin ako sa kanya na lalabas na. Pagkatalikod ko ay ikinuyom ko ang kamay ko, "Kasalanan mo ang lahat ng 'to, Luna,"
•••••
"Magkakaroon tayo ng votings mamaya pagkatapos ng break time. Ang votings ay may kinalaman kay Luna, magvo-vote tayo kung sino ang gustong mapaalis o magstay pa dito si Luna," paliwanag ko sa kanilang lahat.
Deserve niya ang mapaalis dito dahil siya ang nagbibigay ng problema dito. Siya ang may dahilan kung bakit nawalan na ng tiwala sa akin si Mr. Monje.
"Paano kung mas marami ang bumuto sa ayaw mapaalis si Luna?" tanong ni Gia.
"Kapag mas marami ang bumuto para magstay dito si Luna, mags-stay siya dito sa Class C at wala nang magbabalak na paalisin siya dito. Deal, Shin?" desisyon naman ni Zea.
Napaisip pa ako. Panatag naman ang loob ko dahil mas marami ang boboto na paalisin si Luna at sigurado akong hindi rin papayag si Celine na magstay pa dito ang masamang kaluluwa dito sa amin
"Sige, deal. Kapag naman mas maraming bumuto para paalisin ang masamang multo na 'yon. Aalis siya dito sa Class C at hindi na magpapakita pa," sagot ko.
"Hindi masama si Luna," sumbat ni Kenzo.
Hindi ko na siya pinansin pa dahil baka kung saan na naman pumunta ang usapan naming lahat. Lumabas na ako ng room para magpahangin saglit.
JEA's P.O.V
Pagkaalis ni Shin ay hinarap ko sila Kim at Yen na nakaupo sa likuran ko. Si Kim ay abala sa pagdo-drawing niya sa bond paper.
"Hindi ba kayo nakaramdam ng awa kay Luna? Mabait naman siya sa atin 'di ba? Pero bakit kailangan pa siyang paalisin dito? Puwede namang ibalik na lang natin sa dati kung anong meron sa atin. Bakit pa tayo nagka away-away?" sunod-sunod kong tanong sa kanila.
"Anong nakakaawa sa kanya? Isipin mo nga ang lahat ng ginawa niya. Sinira niya ang demo ko. Iyong sa pendulum swing. At lahat ng mga bagay na nakakatakot ay siya lahat ang may gawa no'n kaya dapat na siyang paalisin dito 'no," inis na inis na sagot ni Yen.
"Oo nga naman," tugon ko. Ang daming ginawa ni Luna na ikinasira ng Class C.
"Ano sa tingin mo, Kim?" tanong ko kay Kim.
Tumingin siyang blangko na naman ang mukha sa aming dalawa at sinabing, "Wala akong pinapanigan,"
CELINE's P.O.V
Nakakatayo na ako kaya naman palagi na akong pumupunta dito sa bintana para magpahangin o tumingin ng magandang view sa labas. Nakakalimutan ko tuloy ang nangyari sa akin.
Narinig ko namang may kaluskos mula sa may pintuan kaya naman lumingon ako doon at nakita ko doon sila Gia at Elvi na nakangiti sa akin. Lalong lumaki ang ngiti ko nang makita ko ang dalawa kong kaibigan na dumalaw sa akin.
Pinapasok ko sila at umupo kami sa upuan. Tinanong ko pa sa kanila kung bakit sila nandito dahil oras ngayon ng break time at dapat kumakain na sila ngayon.
"Nandito kami para itanong sa 'yo kung si Luna ba ang nanakit sa 'yo?" tanong sa akin ni Gia.
Inalala ko naman ang nangyari. "Hindi si Luna ang nanakit sa akin dahil nadulas lang naman ako sa tinapakan kong tela kaya ako natumba at nawalan ng malay,"
Sabay naman silang huminga ng maluwag, "Mabuti naman. May magaganap na votings mamaya pagkatapos ng break time. Kaya nandito kami para i-clarify lang sa 'yo ang totoong nangyari. Salamat, Celine. Dahil dito hindi mapapaalis si Luna sa Class C,"
"So, alam ninyo na pala na siya ang multo?" tanong ko sa kanila.
"Oo, umamin lang siya kagabi. At alam mo ba na ang janitor na kinakausap niya palagi at nakakakita sa kanya? Papa niya pala 'yon," wika ni Elvi na para bang chismoso kung magsabi.
"Talaga? Kaya naman pala,"
"Alam mo ba na kagabi. Lahat kami, galit na galit kay Luna pero ngayon narealize nang ilan sa amin na hindi masamang tao si Luna. Gusto lang niya na magkaroon ng pangmatagalang pamilya dshil hindi pa niya 'yon nararanasan,"
"Celine, namatay si Luna kasama ang walo niyang kaklase dati 5 years ago. At si Ms. Claudine Aragon ang kaklase nila dati ang pumatay sa kanilang lahat dahil gusto niyang makuha ang lahat ng gusto niyang makuha... kaya kailangan rin natin silang tulungan para mapakulong 'yang masamang teacher na 'yan,"
Nagugulat ako sa mga sinasabi nila sa akin ngayon. Hindi ako makapaniwala na si Ms. Aragon ang pumatay sa mga kaklase niya 5 years ago dahil lang sa gusto niyang mukuha ang gusto niya.
YOU ARE READING
The Mystery In Class C | ✓
Misterio / Suspensosoon to be published in ManilaPop under by Precious Pages Corp. highest rank achieved #1 - urn Isa sa Class C ay 5 years ago nang patay. Nakakausap at nakakasama pa nila ito hanggang ngayon. Tanging ang Class C at ang Homeroom Teacher lang ang naka...