GIA's P.O.V
Nandito pa rin kami sa loob ng classroom, hindi kami umuwi tulad nang nasa usapan namin kanina sa papel.
Napag usapan na namin na gawin na ang Yes or No na laro. Hindi ko alam ang tawag sa gagawin nila Zumi at Yen basta ang alam ko lang ay may papel sa table na may nakasulat na Yes or No at hawak nila parehas ang isang ballpen na nakatapat sa gitna ng papel.
Hindi nakabukas ang ilaw, pintuan pati na rin ang mga bintana. Gumawa kami ng bilog at nasa gitna naman sila Valerie at Quinlan. Tahimik ang buong paligid at tanging malakas na ulan lang ang naririnig naming lahat.
"Sigurado ba kayong lahat sa gagawin ninyo?" bulong sa akin ni Luna habang nanonood kila Zumi at Yen.
"Oo naman, wala nang atrasan 'to 'no," sagot ko sa kanya.
Sinimulan na nga ang paglalaro nila, "Nandito ka ba? Sagutin mo kami kung sino ka man," nagtatawag sila ng multo.
Itatry namin kung may multo nga dito sa classroom. May iba kasing nagsasabi na taga ibang section ay may mga multong nagpaparamdam dito at tinatakot rin si Celine kaya naman pinilit niya kami na gawin ito.
"Uulitin namin, nandito ka ba?"
Si Ley naman ay abala sa pagvivideo kila Zumi at Yen habang ginagawa ang Yes or No. Nakangiti pa ito habang nagvivideo.
Tahimik pa rin ang buong paligid. Naghihintay kung ano ang mangyayari.
"Boo," panggugulat ni Elvi kay Celine dahilan para sumigaw sa takot si Celine. Pati kami ay nagulat pero si Celine ang mas malala. Nasira tuloy ang paglalaro.
"Huwag mo nga akong ginugulat! Seryoso dito, lumabas ka kung sa tingin mo nakakatuwa," reklamo ni Celine. Humahagikhik naman ng tawa si Elvi.
"Haysstt, pwede ba, Elvi, kahit ngayon lang magseryoso ka naman," inis na suway ni Yen. Bumalik na ulit sa pagiging tahimik.
"Kayo naman hindi mabiro, sorry na, tatahimik na ako," paghingi nito ng tawad sa amin.
"Mukha ba kaming nagbibiro?" kitang kita sa mukha ni Celine ang pagka inis niya kay Elvi kahit na madilim ang paligid.
"Tama na 'yan. Ituloy na natin," suway ulit ni Yen. Bumalik na ulit sa pagiging tahimik ang buong paligid.
"Sumagot ka, nandito ka ba?"
"Sure na talaga kayo diyan?" bulong ulit sa akin ni Luna. Kinuha ko ang kanang kamay niya at inilagay sa braso ko. Natatakot ata siya.
"Huwag kang matakot," tugon ko.
"Nandito ka ba?" inulit nila ang tanong. Kumikidlat nang malakas, malapit na atang bumuhos ang ulan.
Agad nagsisigawan ang lahat ng biglang napunta sa Yes ang ballpen at biglang sumara nang malakas ang mga pintuan. Hindi na namin na inayos pa ang mga upuan na nagkagulo dahil sa amin.
Nagsitakbuhan ang kaming lahat palabas ng classroom. Kasabay nito ang pag biglang lakas nang kidlat. Totoo ngang may multo dito. Ayoko na dito.
Lahat kami ay sabay na nagtatakbuhan sa hallway habang nagsisigawan. Hindi na pala dapat kami tumuloy kung magsisi takbuhan at matatakot lang kami sa huli.
Tumigil ang lahat sa may hagdan nang may nakita kami sa ibaba. Si Mr. Monje na walang malay habang may flashlight pa sa tabi niya.
"Anong nangyayari?" takot na takot na tanong ni Celine. Natataranta rin siya at ang ilan sa amin dahil sa takot. Dagdag pa si Mr. Monje na nadatnan naming walang malay.
YOU ARE READING
The Mystery In Class C | ✓
Misterio / Suspensosoon to be published in ManilaPop under by Precious Pages Corp. highest rank achieved #1 - urn Isa sa Class C ay 5 years ago nang patay. Nakakausap at nakakasama pa nila ito hanggang ngayon. Tanging ang Class C at ang Homeroom Teacher lang ang naka...