Tumigil naman ako sa paglalakad ng madaanan ko ang art room. Parang may nakita akong tao sa side view ko.
Humakbang ako ng kaonti pabalik at nakita ko doon si Kim na nakaupo habang nakaharap sa drinodrowing niya. Hindi ko makita ang drawing art niyang 'yon pero ang weird.
Teka? Dinadasalan ba niya 'yong drawing art niya?
Kaagad kong pinuntahan ang camera sa cellphone ko at vinideohan si Kim habang dinadasalan niya ang drawing art niya. Hindi ko alam pero ang weird niya talagang tao.
Pagkatapos ko siyang vinideohan ay chineck ko 'yon para maayos kapag naipakita ko na sa lahat itong ebidensiya.
Halos nabitawan ko ang cellphone ko at halos mapabagsak ako sa sahig dahil gulat nang makita ko si Kim na nasa harapan ko na at walang emosyon itong tumingin sa akin.
Halos hindi ko siya matingnan dahil sa takot ko sa kanya, "H-Hi," bati ko sa kanya na para bang hindi ko nakita ang ginawa niya kanina sa loob.
Hindi niya ako pinansin. Tuluyan na rin siyang lumabas sa art room at naglakad palayo. Iniwan niya akong nanlalambot ang mga tuhod ko. Hindi ako matatakutin ah pero iba talaga siya.
ZUMISEN's P.O.V
Nilalagyan ko ngayon ng maraming asin sa palibot ng upuan ko para siguradong hindi ako lalapitan ng multo.
"Uh," nainis ako nang biglang tinapakan ng kung sino ang mga asin ko.
Tumingala pa ako para makita kung sino 'yong bulag na 'yon, "Sorry, hindi ko nakita. Ano bang ginagawa mo?" takang tanong ni Celine.
Tumayo ako at ngumiti sa kanya, "Sabi nila... takot ang mga multo sa asin,"
"Ah, so..." bumulong ito, "Meron pa bang natitirang asin diyan?"
"Bakit?"
"Alam mo na... hindi ako natatakot ah sinisigurado ko lang na safe ako hehe. Huwag na pala kaya ko pa naman ang sarili ko,"
Tumatango tango ako, "Okay,"
Umalis na siya at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa upuan niya.
YEN's P.O.V
Tahimik lang kami nanonood ng lesson namin sa projector. Si Elvi ang inatasan ni Shin na magpresent sa harap para daw hindi siya puro bully ng mga kaklase namin.
Kinalabit naman ako bigla ni Jea dahilan para magulat ako. Dahil sa mga nangyayari dito, magugulatin na ako.
"Pupunta lang ako sa bathroom," paalam niya.
"Huwag mo ngang sabihin sa akin 'yan. Mag cr ka hangga't gusto mo. Balak mo pa ata akong patayin sa gulat," inis kong sinabi sa kanya. Saglit lang ito tumawa nang mahina at lumabas na rin ng classroom.
"Woah!" napahiyaw naman kaming nang biglang sumulpot sa screen ang nakakatakot na nakaputing babae habang madilim ang nasa kanyang paligid. Bigla namang pinatay ni Elvi ang projector.
"Tingnan niyo si Celine," natatawang turo ni Elvi kay Celine. Nakatayo ito at parang gulat na gulat sa nakita. Sinamaan naman agad ng tingin ni Celine si Elvi at inusog ang kurtina para mabigyan siya ng liwanag at para hindi matakot.
"Hindi nakakatawa, Elvi," reklamo ni Celine.
"Para kang bata, Celine, matatakutin ka pa rin?" asar naman ni Gia sa kanya. Lumabas naman agad si Celine sa class room.
"Huwag ka nga munang manakot, Elvi. Alam naman nating lahat na may multo dito sa loob pero panay pa rin ang pananakot ninyo," inis na suway ni Zumi.
Nakakainis naman talaga si Elvi, dati pa. Ang hilig niyang mambully at manakot. Tinitiis namin siya pero hindi na namin kaya lalo na sa mga ganitong sitwasyon na kinakaharap namin ngayon.
"Sorry naman, hindi kayo mabiro," seryosong wika ni Elvi.
Pagkatingin niya kay Gia ay ngumisi ito. Okay na sanang nagsorry siya pero bigla na naman siyang nangasar. Kilala na namin si Elvi, kapag ngingisi siya, alam na natutuwa siya sa ginagawa niya o may plano na naman siya.
SHIN's P.O.V
"Guys!" nagmamadaling pumasok si Jea habang hawak niya ang nakakatakot na painting. Para isa itong demonyo na puno ng mga pulang dugo. Ang creepy naman ng drawing.
"Tingnan niyo 'to," kaagad akong lumapit at binasa ang nakasulat doon sa bandang ibaba. Maliit siya kaya kailangan pang basahin malapitan.
"K...Kim!?" lahat kami ay tumingin kay Kim na kalmado sa upuan niya.
Padabog na tumayo si Yen at lumapit kay Kim, "Bakit mo ginawa 'yon?! Ano bang gusto mong mangyari?!" bulyaw niya kay Kim.
"Ikaw ba ang nagsumpa nito, Kim? Ikaw ba ang multo?" gulat na tanong ni Jea sa kanya.
Kalmado pa rin siya habang nakatingin sa amin at pinapakinggan ang mga sinasabi namin.
"Kanina... habang nagmi-measure ako ng temperature. Ang lamig ng kamay niya," wika ni Zumi. So, siya nga ang multo?
"Posible rin si Kenzo ang multo... kaya niyang ipaglaho ang ballpen kanina. Hindi tao ang kayang gumawa no'n," dagdag ni Elvi.
"Isa lang naman 'yon magic trick," sagot ni Kenzo. Tama siya, lahat ng tao ay may kayang gumawa no'n.
"Si Luna... palagi siyang maputla," tiningnan naming lahat si Luna na tinuturo ang sarili niya at nagtatakang tumingin sa amin.
"Imposible, kumain siya ng red beans 'di ba? At tsaka nakita siya ng guard," giit ni Zumi.
Tumayo naman si Ley, "Puwede mo ba sa amin 'to i-explain?" Ipinakita niya sa kanyang cellphone ang video kung saan si Kim ay may ginagawa ng kung ano sa art room.
"Edi si Kim nga ang multo? At isinumpa niya 'tong drawing art," tanong ni Jea.
"Kim, Ikaw ba ang... multo?" seryosong kong tanong kay Kim.
Tumayo siya at inilabas niya ang krus na kwintas na nakasuot sa kanya, "Ito ba ang gustong ninyong sagot?"
"Nagsusuot ba ng krus ang multo?" tanong ni Gia.
"Hindi syempre," natatawang sinagot ni Elvi si Gia.
Lumapit si Kim kay Zumi at pinahawak ang kamay niya, "Wala na ba ang lamig?"
"Uhm, meron pa,"
"Nilagnat ako kagabi at hanggang ngayon hindi pa rin nawawala," explain niya kay Zumi.
Humarap naman siya kay Ley at itinuro ang drawing art niya na hawak ni Jea, "Drinowing ko 'yan para sa ating lahat. Nagdadasal ako para magabayan tayo at ilayo tayo sa kapahamakan..."
Tumigin naman siya sa akin, "... at hindi ako ang multo,"
Kung hindi siya, sino? Kung hindi pa namin malalaman kung sino sa amin ang multo, hindi matatapos ang mga bintangan namin sa isa't isa.
YOU ARE READING
The Mystery In Class C | ✓
غموض / إثارةsoon to be published in ManilaPop under by Precious Pages Corp. highest rank achieved #1 - urn Isa sa Class C ay 5 years ago nang patay. Nakakausap at nakakasama pa nila ito hanggang ngayon. Tanging ang Class C at ang Homeroom Teacher lang ang naka...