THREE : GHOST?

100 24 3
                                    

Pagkapasok namin sa classroom ay ikinuwento na agad namin ni Zumi ang nangyari sa cr kanina. Hindi na rin kami nakakain no'n dahil sa nangyari.

"Anong pinag uusapan ninyo d 'yan?" sulpot ni Shin.

Wala namang masama kung sasabihin namin sa kanya ang totoo 'di ba? Kasama naman namin siya dito sa Class C.

"May multo sa cr. Kanina nagparamdam sila sa amin, nagbubukas sara ang lahat nang pinto at maraming lumalabas na mga tubig sa sahig," kuwento ko sa kanya.

"Paano mo naman nasabing sila? Nakita niyo ba sila?" tanong ulit niya.

"Hindi, pero sigurado kaming marami sila dahil sunod-sunod ang paggalaw nang mga gamit,"

"Huwag ninyong sasabihin na multo nga kung hindi talaga kayo sigurado," alangan namang tao 'yon eh may tao ba na may kayang pagsabayin ang mga pinto nang hindi sila nakikita? 'Di ba wala.

Napatingin naman kami bigla sa may pintuan nang marinig namin ang ingay nila Celine at Gia. Pumasok sila habang naghahabol ng hinihingal.

Lumapit si Shin sa dalawa, "Ano naman ang nangyari sa inyo?"

"M-May..." tinuturo pa ni Celine ang labas habang nagpapahinga.

"May mga multo doon sa likod nang campus, narinig namin na may mga umiiyak na apat na estudyante doon mismo sa kalagitnaan na nang gubat,"

Sa likod nang campus ay may malalaking puno at tinatawag nilang gubat ng mga multo dahil sa tuwing may nagpupunta doon na mga estudyante ay may apat na estudyante na nagpaparamdam sa kanila.

"Ano ba kayo?! Hindi nga sabi totoo ang mga multo! Huwag kasi kayong maniwala sa pinagsasabi ng iba!" inis na sambit ni Shin sa amin.

"Nasaan sila Elvi at Luna?" tanong ni Kenzo kila Celine at Gia.

"Hindi namin kasama si Elvi na pumunta doon sa gubat pero si Luna, naiwan namin siya doon. Basta takbo lang kami ng takbo tapos paglabas namin doon sa gubat ay nawala na siya sa paningin namin,"

"Magmove on na kayo at kalimutan ang nangyari sa inyong lahat. Wala sanang makakaalam sa labas ng section na 'to sa nangyayari dito, huwag dapat kayong gumawa nang gulo," suway ni Shin.

Bakit parang ang weird na ni Shin? Dati naman hindi siya ganito. Parang may something sa kanya na ayaw niyang malaman ng lahat.

"Hahanapin lang namin si Luna sa gubat, itikom niyo 'yang mga bibig ninyo," paalam ni Shin. Niyaya niya sila Ley at Kenzo na sila ang pumunta sa gubat para hanapin si Luna.

ZEA's P.O.V

Naalimpungatan ako dahil may nararamdaman na naman akong parang mabigat sa katawan ko. Nakatulog pala ako dito sa study table kakareview ko.

Hindi pa ako nakakapagreview ng maayos. Hindi talaga okay ang pakiramdam ko ngayon. Kahit naman simula no'ng nagdorm ako dito sa 1202 room ay hindi na ako okay pati ang pagaaral ko ay nadadamay.

Bumukas naman ang pinto at iniluwal no'n si Luna. Walang gana itong pumasok habang dala niya ang tumbler niya. Siya pala ang room mate ko dito.

"Nagre-review ka na naman?" tanong niya nang makita niya ang mga libro at ballpen na nasa harapan ko.

"Kailangang magreview kahit malayo pa ang exam. Babagsak ako kung hindi ako magre-review," nakangiti kong sagot sa kanya.

Kinuha ko ang mug ko na may kape pero pagtingin ko ay ubos na pala. Haysstt, ang dami ko nang ininom na kape pero nakakatulog pa rin ako.

Pagkalapag ko ng mug sa table ay tiningnan rin ni Luna ang laman no'n at nilagyan niya nang laman galing sa tumbler niya.

"Tea 'yan para hindi ka makatulog agad. Maganda rin 'yan sa katawan, Zea, huwag puro kape," sambit niya.

"Salamat," pasasalamat ko sa kanya. Kinuha ko ulit ang mug ko na may laman na at hinigop 'yon. Masarap.

Nagpaalam naman ito na aakyat na sa kama niya at magpapahinga na. Double deck ang meron sa bawat dorm, siya ang nasa taas at ako naman ay nasa ibaba.

Tumahimik na naman ang paligid. Tumingin ako sa itaas kung nasaan nakahiga si Luna, nakapikit na ito.

May narinig naman akong mahinang tunog, tunog nang kadena, "Luna?" tanong ko sa kanya para malaman kung gising pa siya o hindi.

"Hmm?" sumagot naman ito agad.

"Naririnig mo ba 'yon?"

"Ang alin?" bumangon naman siya at tumingin sa akin.

"Iyong tunog ng kadena, hindi mo ba naririnig?" hanggang ngayon ay tumutunog pa rin siya.

Inilibot ko nang tingin ang buong paligid ng dorm. Hindi na ako tumayo para tingnan pa isa-isa dahil maliit lang naman itong dorm.

"Wala akong naririnig, Zea, baka pagod ka lang. Magpahinga ka na lang muna," -luna. Bumalik na siya sa pagkakahiga niya kanina.

Wala naman akong nakikitang tao bukod kay Luna. Wala rin akong nakikitang gamit na gumagalaw. Ano 'yong narinig ko kanina lang?

Hindi ko na siya naririnig. Bumalik ulit sa dating tahimik kanina. Hindi ko na pinansin pa 'yon at nagmove on na agad dahil baka nga pagod lang ako ngayon at guni-guni ko lang 'yon.

Bumalik na ako sa aking ginagawa kanina. Hindi ko sinunod ng sinabi ni Luna na magpahinga. Wala sa vocabulary ko ang salitang pahinga.

Tumutok ulit ako sa libro at nagsulat nang mga mahahalagang impormasyon na pwedeng ilabas na questions sa exam.

"Zea, magpahinga ka nga muna. Huwag mong pagurin ang katawan mo. Kung gusto mong makapasa sa exam kailangan mo ring matulog para makapag pahinga na rin 'yang isip mo,"

Palagi ganyan sa akin si Luna. Pinapayuhan niya ako at sinusuway sa mga ginagawa kong mali na pero ako ito hindi sumusunod sa kanya. Ang gusto ko pa rin ang ginagawa ko.

Matigas talaga ang ulo ko kapag nasa pagaaral na ang ginagawa ko pero thankful pa rin ako kahit na matigas ang ulo ko ay nandiyan pa rin siya at hindi sumusuko na suwayin ako palagi.

"Zea," ulit pa niya.

Bumuntong hininga ako bago ko niligpit ang mga gamit dito at tinabi muna sa gilid. Bukas ko na lang ibabalik 'tong mga libro ko sa locker pagkapasok ko sa classroom.

Tumayo na ako at humiga na rin sa kama ko.

May naririnig na naman akong kadena pero hindi ko na pinansin pa 'yon at nananatiling nakahiga nang diretso. Ipinikit ko na lang ang mata ko at hinintay na makatulog.

The Mystery In Class C | ✓Where stories live. Discover now