TWELVE : TALISMAN

55 20 0
                                    

LEY's P.O.V

Papunta na ako sa classroom namin ngayon habang nakangiti na naman at tinitingnan ang mga videos ko sa youtube. Dumadami na ang mga viewers at subscribers ko. Sumisikat na ako dahil na rin sa mga kaklase kong matatakutin at over thinker.

Iba talaga ang dating ng horror sa social media. Lahat ng tao ay mapapaniwala mo talaga na may multo nga talaga dito.

Pagkapasok ko sa class room ay nabigla ako nang biglang sInara ng padabog ni Shin ang laptop niya at matapang na hinarap ako. Ipinasok ko naman ang cellphone ko sa bulsa ko.

"Winarningan na kita nung nakaraan 'di ba?" suway niya.

"Huh?" sinabihan ba niya ako dati?

Bigla ko namang naalala ang nangyari nung nagghost hunting ako, "Ah. Iyon ba? Naalala ko na,"

"Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na huwag kang gagawa ng gulo? Pero anong ginawa mo? Gumawa ka pa rin ng videos mo,"

Nakita niya siguro ang new post ko sa youtube na gumagalaw kuno magisa ang pendulum swing.

"Hindi ko naman ipinakita mga mukha ninyo ah, at tsaka..." may napansin lang talaga ako kay Shin nitong mga nakaraang araw.

"... nakakapagtataka lang, bakit ka palaging nagrereklamo sa tuwing may ginagawa ako?" "May tinatago ka bang... hindi dapat namin malaman?" pagdududa ko sa kanya.

Simula no'ng nalaman naming may multo dito, iba na ang mga kinikilos nito. Palagi din siyang wala dito sa class room. Para sikreto niya ang may multo dito sa Class room at hindi dapat malaman ng ibang tao.

Natigilan naman siya at sumagot, "Wala akong tinatago sa inyo... as a president, pinagiingat ko lang kayo habang nasa hospital pa rin si Mr. Monje. Kaya makinig ka naman,"

"At tsaka ano naman ngayon kung class president ka dito? Wala ka pa ring karapatang pigilan ako sa mga gusto kong gawin," matapang kong wika sa kanya.

Kinuwelyuhan naman niya ako at kita na sa mga mukha niya ang pagka inis sa akin, "Sige, saktan mo ako. Tingnan lang natin kung magtatagal ka pa bilang class president namin dito," pananakot ko sa kanya.

Kilala ko na siya. Takot siyang mawala ang position niya para siya palagi ang masusunod at maging sipsip kay Mr. Monje.

"Guys, tumigil na kayo. Hindi kayo magkalaban, ang totoong kalaban natin ay 'yong multo. Kung ganito lang tayo, hindi natin malalaman kung sino sa atin talaga ang multo," pagpigil sa amin ni Zumi.

Binitawan naman ako ni Shin, "Itigil mo lang ang ginagawa mo. Magiging ayos tayo," diing sambit nito sa akin bago siya bumalik sa upuan niya at ipinagpatuloy ang ginagawa niya sa kanyang laptop.

ZEA's P.O.V

"Kenzo," tawag ko sa kanya nang madaan ko siya dito sa hallway.

Kumaway pa siya sa akin, "What's up?"

"Hihingi sana ako ng favor sa 'yo,"

"Ano 'yon?"

"May-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang dumating sila Luna. Paakyat sila sa hagdan papunta sa class room namin.

Hinila ko naman kaagad si Kenzo palabas ng hallway bago pa man nila kami makita. Masyadong private kasi ang hihingin kong favor sa kanya. At baka kapag nakita nila kami baka magtanong sila. Mahihilig pa naman silang magtanong.

Paglabas namin sa hallway ay sinabi ko na kaagad kay Kenzo ang favor ko. Kinuha naman niya 'yon sa kanyang bulsa at ibinigay sa akin.

"Palagi nasa bulsa ko 'yang talisman para hindi malapitan ng masasamang espiritu... hindi ka pa rin ba kumportable sa dorm ninyo?" tanong niya sa akin.

Tumango ako sa kanya, "Simula talaga noong tumira ako sa dorm namin ni Luna, iba na pakiramdam ko doon hanggang ngayon hindi pa rin ako makatulog," isang talisman na galing sa lola niyang shaman na makakapagtaboy sa mga multo.

Tinapik niya ang balikat ko, "Gamitin mo na 'yan baka sakaling mawala agad ang bigat na nararamdaman mo sa dorm ninyo,"

"Salamata talaga, Kenzo,"

"Teka," pagpigil niya sa akin nang akma akong maglalakad pabalik sa class room. "Huwag mo sanang sabihin sa kanila na isang shaman ang Lola ko,"

"Huwag kang magalala, Kenzo, safe ang sikreto mo sa akin,"

Ngumiti siya sa akin, "Salamat, Zea,"

•••••

Idinikit ko na ang talisman sa gitna ng double deck namin ni Luna. Siguro naman, Magiging kumportable na ako dito sa kwarto ko at makakatulog na nang maayos.

Bumalik na ako sa study table namin para magreview ulit. Bigla namang pumasok si Luna na may hawak na tumbler. Nakapang tulog na rin ito.

"Matutulog ka na, Luna?" tanong ko sa kanya. Tumango lang ito bilang tugon.

"Iniisip pa rin ba nila ang multo?" tanong ko pa sa kanya. "Hindi na nila napapansin na malapit na ang mid-term exam natin pero hindi pa rin sila tumututok sa pagaaral," dagdag ko pa.

"Oo. Ikaw ba, Zea? Hindi ka ba natatakot sa multo?"

Umiling ako, "Hindi. Mas matatakot ako kung hindi ako makakapasa sa exam,"

Napansin naman niyang wala nang laman ang cup ko. Binuksan niya ang tumbler niya at inilagay niya ang laman ng tumbler niya sa cup ko.

"Tea," ibinigay niya 'yon sa akin. "Pampawala ng antok,"

"Salamat," sabi ko sabay inom sa tea na ibinigay niya. Masarap naman siya.

Umakyat na siya sa kwarto niya pagkatapos niya akong bigyan ng tea at ako ipinagpatuloy ang pagre-review.

LUNA's P.O.V

Pagkahiga ko ay pumikit na kaagad ako. Pagod na pagod na ako ngayong araw. Puro gala kasi kami kanina. Mas nagiging okay na ang pakiramdam ko ngayon dahil makakapagpahinga na rin ako.

Napadilat naman ako nang maramdaman ang init sa likod ko. Para akong priniprito sa sobrang init.

Hinawakan ko ang likod ko, sobrang sakit. Bumaba ako para maiwasan ang kung anong nasa kwarto namin. Hindi ko alam kung anong inilagay ni Zea sa kwarto namin.

"Akala ko ba matutulog ka na?" tanong sa akin ni Zea nang makababa na ako.

Naging tulala pa ako sa kanya dahil wala akong maisip na idadahilan sa kanya, "Uh, magc-cr lang ako, mauna ka nang matulog," sagot ko sa kanya.

"Okay, Ingat sa daan, Luna. Masiyado nang madilim sa daan," habol pa niya bago ako tuluyang makalabas na sa dorm.

The Mystery In Class C | ✓Where stories live. Discover now