SHIN's P.O.V
Nandito na kami ng room mates ko sa dorm para makapagpahinga na rin. Si Ley busy na naman sa pagtutok ng kanyang cellphone. Si Zumi ay nakabaluktot ang paa at niyayakap niya ito. Ako naman ay nasa study table namin.
"Ano pa kaya ang dapat gawin para malaman kung sino sa atin ang multo?" tanong ni Zumi habang naka pout.
"Tingnan mo sa libro mong about sa mga multo. 'Di ba ghost expert ka?" tanong ni Ley.
"Oo nga 'no," agad namang kinuha ni Zumi ang libro niyang palagi niyang dala-dala sa ilalim ng unan niya. Tumutok na ulit siya sa libro niya.
Humarap naman ako sa notebook ko at biglang naalala ang sinabi ni Mr. Monje sa akin sa cellphone.
"Kapag ginalingan mo ang pagbantay sa mga kaklase mo, magsusulat ako ng recommendation letter at ibibigay ko sa 'yo kapag lumabas ako dito sa hospital,"
"Recommendation letter po, Sir?"
"Hindi ba't gusto mong mag-aral abroad? Kailangan mo 'yon 'di ba?" masaya akong ngumiti dahil sa narinig ko, "Basta galingan mo lang diyan. I trust you,"
"Opo, Sir, salamat po ng marami,"
Kapag mas ginalingan ko pa ang pagbabantay sa mga kaklase ko siguradong hindi na ako mahihirapang mag-aral abroad. Ito talaga ang pangarap ko lalo na si papa.
CELINE's P.O.V
Katatapos ko lang maligo sa cr at pumasok na ako ng dorm namin. Habang nagpupunas ng buhok ko ay napansin ko naman si Gia na naglalakad papunta sa pinto.
"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya dahil para tumigil siya sa paglalakad.
"Pupunta ako sa dorm nila Luna," sagot niya habang nakahawak siya sa cellphone niya na kanina pa siya nakatutok doon pagpasok ko dito.
"Ah, sige. Bumalik ka agad, gabi na," alam naman niyang may multong nagpaparamdam. Sige pa rin siya gumala sa labas.
Lumabas na siya ng dorm at ako naman ay umupo sa kwarto ko. Nakaramdam naman ako ng takot. Nakakatakot talaga dahil magisa lang ako.
Bigla namang nahulog ang bola mula sa upuan. Nasa gitna naman 'yong bola? Tinitigan ko lang ito at hindi na pinansin. Ibabalik ko ba o hindi na? Baka mahulog ulit, huwag na.
Marahan akong humiga sa kwarto ko at nagkumot agad. Huminga muna ako ng malalim bago pumikit. Napatingin naman ako sa kumot ko nang tumaas ito at may sumulpot doon.
Mabilis akong bumangon at pinagsisipa siya. Ikaw multo ka, sinasabi ko sa 'yo huwag mo akong tatakutin.
"A-Aray! Ako 'to si Elvi," tumigil naman ako nang magsalita at nagpakilala ito.
"Ikaw naman pala. Bakit ka ba nananakot?" inis kong sabi sa kanya.
Bigla namang pumasok si Gia habang malakas na tumatawa at hinahampas pa ang sarili dahil sa tuwa. Nakataas rin ang cellphone niyang hawak ja para bang nagvi-video siya habang nakatutok sa akin.
"Tumigil nga kayong dalawa. Hindi na nakakatuwa pananakot niyo sa akin," "Tama na ang pagvi-video, Gia," suway ko sa kanilang dalawa.
Tumigil na nga si Gia sa pagvi-video at inilapag niya ang phone niya sa table at umupo sa upuan.
"Ikaw naman kasi naniniwala sa mga multong pinagsasabi nila. Wala ngang multo dito,"
"Feeling ko nabali ang ribs ko," nakangiti pang sinabi ni Elvi habang hinihimas ang katawan niyang pinagsisipa ko kanina. Ang hilig talaga nilang takutin ako hanggang ba naman dito sa dorm tinatakot nila ako. Alam naman nilang matatakutin ako eh.
"Kung wala ngang multo dito. Bakit may nagpaparamdam na multo sa mga kaklase natin? Bakit may sumingit na creepy voice sa demo ni Yen? Baka mamaya o bukas, magparamdam na naman sila at ayaw na nila tayong tigilan,"
"Celine, gawa-gawa lang nila 'yon para takutin ka kasi alam nilang takot ka sa multo," asar ni Gia at mas lalo pa silang nagtawanan ni Elvi.
Mabuti na lang kaibigan ko sila dahil kung hindi kanina ko na sila pinalabas dito sa dorm at maranasan nilang magparamdam ang mga multo sa kanila.
"At tsaka kung sino man 'yong nangpa-prank at nagpapanggap na multo, sana masarap ang ulam niya," sabay ulit sila tumawa.
"Alam niyo? Matulog na lang tayo kaysa magtakutan dito, maaga pa tayong papasok bukas," pagaya ko sa kanila na matulog.
"Kahit maaga kang pumasok, wala naman tayong teacher,"
Hindi ko na sila pinansin pa na hindi pa rin tumitigil sa pang aasar sa akin. Pinaalis ko na si Elvi sa higaan ko at lumipat naman siya sa itaas kung saan nandoon ang higaan niya.
Humiga na ako at nagkumot ulit. Ipinikit ko na ang mga mata ko at kung ano mang maramdaman at marinig ko ay wala na 'yon sa akin. Gusto ko na talagang matulog ng tahimik.
LEY's P.O.V
Naalala ko naman ang kanina ko pang plinaplano. Ang pumunta sa class room namin ngayong gabi at walang tao para doon magfilm. Sigurado akong rarami ang subscribers at viewers ko nito.
Nang nasa harap na ako ng class room namin ay inilibot ko muna ang tingin ko sa magkabilang hallway kung may tao ba. Wala namang tao kaya itutuloy ko na 'to, nandito na ako eh.
Inopen ko na ang cellphone ko at nagstart na magvideo.
"So, guys. Nandito ako ngayon sa Haka University at pupuntahan natin ang classroom ng Class C. Titingnan natin kung meron nga ba talagang multo sa class room namin, let's goo!"
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at pumasok. Sobrang dilim na ng paligid. Dinisplay ko ang stand ng cellphone ko sa teacher table at kinuha ko ang nakatagong iPad sa bag kong dala.
Pinakita ko sa kanila ang filter na nakakakita daw ng multo. Pero ang totoo hindi talaga ako naniniwala. Ginamit ko lang 'to para dumami ang mga reactors ko 'no.
"Itong filter ang gagamitin natin dahil may ilang nagsasabi na nakakakita daw ito ng multo, so tingin natin,"
Itinapat ko na ito sa paligid. Inilibot ko na rin ang iPad ko. May nakikita akong gumagalaw na hugis tao.
"May nakikita ako, kita niyo rin ba?" tanong ko sa viewers ko. Dumadami na sila.
"Huh? Nasaan na 'yon?" bulong ko nang mawala ito na parang bula.
YOU ARE READING
The Mystery In Class C | ✓
Mystery / Thrillersoon to be published in ManilaPop under by Precious Pages Corp. highest rank achieved #1 - urn Isa sa Class C ay 5 years ago nang patay. Nakakausap at nakakasama pa nila ito hanggang ngayon. Tanging ang Class C at ang Homeroom Teacher lang ang naka...