KENZO's P.O.V
Sabay-sabay na kaming lumabas ng room para makauwi na nang sabay-sabay. Ito naman ang gawain namin palagi dati.
Nang isasara na ang mga pintuan ay biglang dumating si Mr. Monje kasama ang isang maliit na matanda. Nang maaninag ko kung sino 'yon ay nalaman kong Lola kong shaman 'yon. Nakita ako ni Lola at palihim na ngumiti sa akin.
Anong ginagawa niya dito? Tinawagan ba siya ni Mr. Monje para mapaalis na ng tuluyan si Luna?
"Wala munang uuwi. Maghintay lang kayo muna dito sa labas," utos ni Mr. Monje sa amin. Sinunod naman namin 'yon.
Pumasok sila Mr. Monje at si Lola sa class room namin at napasilip kaming lahat sa kung anong gagawin nila sa loob.
Nagsimulang magritwal si Lola. Ang ritwal na ginagawa niya ay para mapalabas ang masamang espiritu at para mapaalis niya pero hindi masamang espiritu si Luna.
Pagkatapos ng ilang minutong pagriritwal niya ay lumapit siya sa isang locker na magisang pilit na nagbubukas.
"Kaninong locker 'yon?" tanong ko sa kanila.
"Kay Luna 'yan," sagot ni Gia.
Bigla namang bumukas magisa ang locker at may kinuha doon si Lola.
Isang urn, isang panglagayan ng mga abo ng tao.
Nagulat kaming lahat sa nakita namin, "Kaya naman pala hindi binubuksan ni Luna ang locker niya dahil nandoon sa loob na 'yon ang abo niya," wika ni Gia.
"Kaya naman pala, palagi siyang nandoon sa tabi ng locker niya dahil binabantayan niya 'yon," saad ni Elvi.
Tumawa naman si Lola na para bang nagwagi siya sa ginawa niya. Itinaas niya ang abo ni Luna at sinabing, "Kailangan natin 'tong basagin, ito lang ang tanging paraan para mapaalis ang masamang espiritu na bumabalot dito sa class room na 'to,"
"Gia," rinig kong suway ni Shin kay Gia. Nakita ko si Gia na pumasok, sumunod sila Elvi, Celine at Zea kaya sumunod na rin kaming lahat sa loob.
Kinuha bigla ni Gia ang abo ni Luna sa Lola ko, "Hindi masamang multo si Luna. Hindi niyo siya puwedeng paalisin dito," wika niya.
"Gia, ano bang sinabi ko sa inyo?" sinuway naman siya ni Mr. Monje.
"Sir, ibagsak mo na kaming lahat pero hindi namin hahayaan si Luna," sagot ni Zea na ikinagulat naming lahat. Isasakripisyo niya ang pagiging honor student niya para maprotektahan lang si Luna.
"Luna?" taka akong napatanong nang mapansin ang transparent na si Luna. Nakatayo siya sa bintana at nakaharap sa amin.
"Si Luna nga," sagot ni Kim.
Onti-onting nagpapakita si Luna sa amin. Nang makita na namin siya nang malinaw ay nagbalak tumakbo si Lola dahil takot siya sa mga multo pero pinigilan ko siya.
Naglakad naman si Shin palapit kay Luna, "Sorry, Luna," ngayon lang namin narinig 'yon sa bibig ni Shin.
Tumakbo naman si Luna palapit sa amin at niyakap namin siyang lahat.
"Please, Sir, huwag na natin siyang paalisin," pakiusap namin.
"Isa siyang multo! Hindi siya puwede dito!" suway naman ni Mr. Monje.
"Kaibigan namin siya," hindi namin dapat talikuran ang isa dahil lang sa naiiba siya sa amin.
"Luna, nagusap na tayo dito. Tutulungan kita sa kaso ninyo pero sinabi ko sa 'yo na huwag mo silang lalapitan," wika ni Mr. Monje kay Luna.
"Kahit hanggang sa graduation lang," pagpumilit ni Shin.
Napatigil naman si Mr. Monje dahil lahat na kami ay nagpumilit na huwag paalisin si Luna. Kahit hanggang sa graduation lang namin.
Masakit man at may sama ng loob ay dapat talaga siyang paalisin. Kahit hanggang graduation lang ay makasama naman namin siya.LUNA's P.O.V
Naisipan ko na magpakita na kay Claudine dahil hindi ko na magagawa 'yon sa susunod pa.
Pumasok ako sa isang room kung saan magisa lang si Claudine. Nang makita niya ako ay bigla itong natumba sa kinauupuan niya at nanlaki rin ang mga mata nito.
"L-Luna?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Ako nga, Claudine,"
Pumasok rin sila Dia at Bryce at ang iba pa naming mga kaklase. Pinalibutan namin siya kaya ngayon ay nanginginig na sa takot si Claudine.
"May takot ka pa pala," natatawang wika ni Dia sa kanya.
Lumapit ako kay Claudine, "Claudine, umamin ka na sa ginawa mong kasalanan. 5 years na kaming nandito pero hindi namin makuha-kuha ang hustisya na para sa amin... pero ngayon ay malalagot ka na sa batas,"
"Hinding hindi ako aamin. Walang maniniwala dahil walang taong nakakakita sa inyo. Mga kaluluwa na kayo," nakangising wika niya. Akala niya siguro na walang tumutulong sa amin.
Pumasok naman si Mr. Monje kasama ang mga kaklase ko at ang mga police na may dalang warrant na para kay Claudine.
"Anong ibig sabihin nito, Mr. Monje?!" sigaw na tanong ni Claudine.
"Umamin na ako sa mga police, Claudine. Kailangan mo nang pagbayaran ang kasalanan mo,"
Inilapag niya ang isang bag na may mga pera sa loob, "Iyan ang perang binigay mo sa akin. Hindi ko ginamit 'yan dahil ayokong gamitin 'yan galing sa masama,"
"Ikaw pa naman ang isa sa hinahangaan naming teacher dito sa Haka. Mamamatay tao ka pala,"
Lahat ng mga kaklase ko ay kinamumuhian na si Claudine simula nang malaman nila ang ginawa niya sa mga kaklase niya dati.
Kinuha na ng mga police si Claudine at pinosasan. Dumadami na rin ang mga tao sa labas ng class room na 'to.
"Hindi niyo puwedeng gawin sa 'kin 'to!" sigaw niya.
"Ngayon alam mo na panandalian lang ang kasiyahan. Ginawa mo rin 'to sa amin kaya nararapat lang na maranasan mo rin 'yan. Siya nga pala, ang mga inutusan mo dati na patayin kami ay dinadakip na rin sila ngayon," sabi ko sa kanya.
"Huwag kang magalala, Claudine. Ako ang hahawak sa section mo at sisiguraduhin kong makaka graduate sila bukas ng wala ka," wika ni Mr. Monje pagkatapos ay nilabas na ng mga police si Claudine kasama ang mga pera.
"Dia, ituro niyo sa amin kung saan kayo inilibing ni Claudine," rinig kong utos ni Mr. Monje.
Ngayon naman ay pupuntahan namin kung saan inilibing sila Dia para mailipat sila sa maayos na libingan sa sementeryo. Pagkatapos nito ay magiging okay na ang lahat. Graduation na kang ang kulang para matapos na 'to at para makaalis na kami dito.
Babalik na sa dati ang Class C nang wala na ako.
YOU ARE READING
The Mystery In Class C | ✓
Mystery / Thrillersoon to be published in ManilaPop under by Precious Pages Corp. highest rank achieved #1 - urn Isa sa Class C ay 5 years ago nang patay. Nakakausap at nakakasama pa nila ito hanggang ngayon. Tanging ang Class C at ang Homeroom Teacher lang ang naka...