ZEA's P.O.V
Bumangon ako dahil hindi na naman ako makatulog at hindi ko alam kung bakit. Nadatnan ko naman si Luna na nakaupo sa study table namin at may kung anong ginagawa sa table.
"Luna, hindi ka pa ba matutulog?" tanong ko sa kanya.
"Tatapusin ko lang 'tong album natin," sagot niya at tsaka ngumiti sa akin.
Ginagawa niya ang album namin, ang album ng Class C. Espesyal talaga sa kanya ang Class C. Siya lang ang pinaka ma-effort sa aming lahat. Sobrang humble at caring pa niya sa amin.
"Okay, matulog ka na pagkatapos mo diyan ah," wika ko sa kanya.
"Oo, mauna ka na,"
Kinuha ko muna ang cellphone ko para makapag libang rin ako kahit papano at para dalawin agad ng antok.
Pagkatingin ko sa cellphone ko ay napansin ko ang sahig na may anino ng upuan. Tumingin ako kay Luna na nakaupo sa upuan na 'yon. Bakit wala siyang anino? Hindi kaya siya ang multo?
Tumingin ako sa talisman na idinikit ko sa kama namin. Kaya ba hindi siya makatulog dahil hindi siya makahiga sa higaan niya dahil sa talisman na ibinigay sa akin ni Kenzo?
•••••
Morning...
Pagkagising ko ay naabutan ko si Luna na nakaupo pa rin hanggang ngayon sa upuan. Naka uniform pa rin siya hanggang ngayon. Hindi pa ba siya umaalis mula kagabi? Hindi ba siya natulog?
"Luna? Natulog ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Oo. Mauuna na akong pumasok, Zea," paalam nito sa akin.
Tumayo siya at kinuha niya ang bag niyang nasa sahig sa tabi ng table hanggang sa makalabas na siya sa dorm namin.
Tiningnan ko ulit ang talisman at tinanggal na 'yon. Ginusot ko 'yon at tinapon sa trash can namin. Hindi ko na kailangan ng talisman. Kahit anong pagbigat ng nararamdaman ko dito sa dorm na ito ay hindi ko pa rin pababayaan si Luna. Panatag na ang loob ko.
•••••
Naglalakad na ako ngayon papunta sa building namin nang madaanan ko si Kenzo. Lumapit siya sa akin at kumaway.
"Mabuti na lang nagkasalubong tayo dito," wika niya.
"Ibibigay ko sana 'tong apat na talisman. Idikit mo ang mga 'yan sa mga sulok ng room natin para mas maging kumportable ka na," pagabot niya sa akin ng apat na talisman.
Naalala ko naman si Luna. Kung tatanggapin ko 'to baka hindi na makapasok sa room si Luna. Hindi na nga siya makatulog baka hindi pa siya makapag aral.
"Hindi na muna, Kenzo, okay naman ako sa room dahil nandoon kayo," sagot ko sa kanya.
"Oh, okay. Sabay na tayo pagpunta sa room," pagaya niya sa akin. Tumango naman ako agad at sabay kaming naglakad papasok sa building namin.
Nakakaramdam ako ng awa sa kay Luna. Hindi porket siya ang multo ay wala na siyang nararamdaman. Talisman ang inilagay ko sa dorm namin kaya malamang na masasaktan siya. Nasasaktan siya nang hindi ko alam.
Naaawa ako sa kanya dahil sinasalo niya ang lahat. Kahit hindi na siya matulog o kumain ay kinakaya pa rin niya. Sobrang bait niya pero hindi ko lang alam kapag nalaman ng Class C na siya ang multo baka mapaalis pa siya at ayokong mangyari 'yon.
KENZO's P.O.V
"Ikaw naman, Celine," wika ni Elvi pagkatapos niya magpabasa ng cards niya . Umupo na rin sa harap ko si Celine.
"What's up? Ano 'yan?" pagsulpot ni Luna. Umupo siya sa isang table na nakaharap sa amin.
"Tarot cards. Kaya niyang basahin ang past o future natin. Tapos na kami ni Elvi, si Celine naman ang susunod," sagot ni Gia.
"Ah, nice," - Luna.
"Kumuha ka ng three cards," utos ko kay Celine. Kaagad naman niya 'yon sinunod. Pumili siya ng three cards at iniisa isa ko 'yon binaliktad.
Nabasa ko na ang isang card na napili niya, "Matatakutin ka sa lahat lalo na sa mga paranormal na bagay,"
"Kahit hindi na sabihin 'yan," pang aasar ni Elvi. Tiningnan naman ni Celine ng masama si Elvi.
"Halata naman," natatawang sambit ni Luna.
Next card is, "You should keep low profile for a while,"
"Huh? Anong ibig mong sabihin?" taka nitong tanong.
"Pahihirapan ka ng panganib," bakas sa mukha niya ang pagka inis dahil baka iniisip niya na tinatakot na naman siya.
"May panganib na naghihintay sa iyo at sa tingin ko ay malapit na 'yon mangyari. Kailangan mong maging maingat sa mga pupuntahan o gagawin mo," paalala ko sa kanya.
"Anong sinasabi mo... makaalis na nga," alam kong hindi niya nagustuhan ang sinabi ko pero 'yon talaga ang nabasa ko sa napili niyang cards.
"Si Ley na next," turo ni Elvi kay Ley na natutulog.
"Anong nangyari sa kanya? Himala, tahimik siya ngayon," wika ni Gia.
Tumingala ito sa amin, "Huwag niyo nga akong pansinin," pagsusungit nito at sumandal ulit ang ulo niya sa table niya. Parang hindi maganda ang pakiramdam ngayon ni Ley.
"Edi ako na muna,"
"Sige," sagot ko kay Luna. Umupo na siya sa harap ko.
"Ano ang gusto mong malaman?" tanong ko sa kanya.
"Uhm... future ko," seryosong sagot nito.
"Pumili ka ng three cards at isipin mo ang gusto mong maging future," pumili siya ng three cards at binaliktad 'yon. Lumakas ang pintig ng puso ko nang binaliktad ang pinaka huling card.
Lumalim ang buntong hininga ko at isinandal ko ang mga braso ko sa table at marahan na pumikit. Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko.
"Anong nabasa mo?" tanong ni Luna.
"Anong nangyari?" tanong naman nila Elvi at Gia. Hinihintay nila ang sagot ko.
"Guys, magsibalik na kayo sa mga upuan ninyo," dinig naming utos ni Shin.
"Sabihin mo sa akin mamaya," bulong sa akin ni Luna pagkatapos ay nagsibalikan na sila sa kanilang upuan. Sinundan ko pa ng tingin si Luna hanggang sa makaupo na siya sa upuan niya
Base sa huling card, Ito ay hindi isang tanda ng isang tao. Ibig sabihin, si Luna ang multo.
LUNA's P.O.V
Hindi ko alam kung ano ang nabasa ni Kenzo sa kapalaran ko basta pakiramdam ko ay alam na niya.
Bigla namang pumasok si Mr. Ang kaya nagsi-upo nang maayos ang lahat at tumahimik.
"Kapag wala kayong teacher malaya kayong nag iingay," sumbat ni Mr. Ang. Ang teacher sa kabilang section.
"Hysstt... ang sama talaga ng pakiramdam ko dito sa tuwing papasok ako dito sa room na 'to," wika niya sabay labas sa classroom namin.
Kaya ayaw rin ng ibang teachers sa amin dahil iba daw ang pakiramdam nila dito sa Class C, maliban kay Mr. Monje na loyal sa amin.
YOU ARE READING
The Mystery In Class C | ✓
Bí ẩn / Giật gânsoon to be published in ManilaPop under by Precious Pages Corp. highest rank achieved #1 - urn Isa sa Class C ay 5 years ago nang patay. Nakakausap at nakakasama pa nila ito hanggang ngayon. Tanging ang Class C at ang Homeroom Teacher lang ang naka...