"Kung matatapos at maaayos mo ang pinapagawa ko sa 'yo ay ibibigay ko sa 'yo ang hinihingi mo. Basta ang gawin mo lang ay bantayan mo ang mga kaklase mo at h'wag kayo dapat gumawa ng gulo,"
"Opo, Sir. Aasahan ko po 'yan, maraming salamat po," ibinaba na niya agad ang tawag. Hanggang ngayon ay nasa hospital pa rin siya.
Hindi ko alam kung totoo ang mga hinuha ko sa section namin. Parang may hindi magandang nangyayari sa Class C. Hindi lang namin napapansin sa una. Kailangan kong alamin kung ano talaga ang nangyayari. Para na rin naman ito sa aming lahat.
LUNA's P.O.V
Nandito kami sa cafeteria ngayon habang kumakain. Kasama ko ngayon dito sa table sila Elvi, Celine, at Gia. Nasa kabilang mesa naman ang mga kaklase namin.
"Ano kayang nangyari kay Mr, Monje?" takang tanong ni Elvi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam kung anong nangyari kay Mr. Monje. Mabuti na nga lang lumabas kami at kung hindi hanggang umaga no'n na walang malay si Mr. Monje.
"Hindi rin namin alam,"
Napatingin naman kami kay Ley na busy sa pagvi-video ng kanyang sarili habang kumakain at pinapakita pa niya ang mga kinakain niya sa harap ng camera.
"Tumataas ba ang viewers ni Ley?" tanong ni Celine.
Sumilip si Elvi sa live ni Ley para matingnan kung ilan na ang viewers ni Ley. Nasa tabi lang naman ang lamesang inuupuan ni Ley sa amin kaya hindi nahirapan pa si Elvi na matingnan ito.
"Wala pa sa lima ang viewers niya," sagot ni Elvi.
"Post siya ng post ng mga video niya at palaging nagla-live pero hindi umaabot sa lima ang mga viewers at mga subscribers niya," sambit naman ni Celine.
"Hindi na lang kaya siya matulad kay Zea na palaging naka focus sa pag aaral. Edi sana honor student rin siya ngayon," dagdag ni Celine.
"Kahit ako... gusto kong matulad kay Zea pero nadidistract ako sa mga simpleng bagay at hindi na nakakafocus sa inaaral ko," pagbibiro ni Elvi. Alam naman namin na biro 'yon. Ayaw niya talagang maging honor student baka ikasira pa daw ng utak niya.
SHIN's P.O.V
Pagkatapos naming kumain ay ibinigay na namin isa-isa sa taga-luto ng mga pagkain ang mga pinagkainan namin at nagpasalamat.
"Salamat po," nakangiti kong sambit sa taga-luto nang iniabot ko sa kanya ang pinagkainan ko. Nginitian niya naman ako pabalik.
Pagkatalikod ko ay bigla siyang bumulong habang nakatingin ito sa tray na puno ng pagkain at halos hindi ito ginalaw.
"Ano ba 'yan. Sayang 'yong pagkain, hindi kinakain," sumbat nito.
Isa sa amin ang hindi kumain. Sigurado ako dahil ang Class C lang ang nauunang bumababa para kumain dito sa cafeteria.
Iniisa isa ko ang mga nangyari sa umpisa't hanggang ngayon. Sa Yes or No. 25 students sa Class C pero 24 students lang ang kino-considered ng ibang sections. Tapos ngayon, hindi kinain ang pagkain sa tray. So, ang ibig sabibin isa sa Class C ang hindi na buhay at tanging Class C at si Mr. Monje lang ang nakakakita sa student na 'yon.
Sinasabi ko na nga ba may mali sa Class C at ngayon ko lang na-realize ang lahat ng nangyayari sa amin. Kaagad na akong umakyat papunta sa classroom at muli ko silang haharapin para kausapin sila about dito.
Pagkapasok ko ay nadatnan ko na naman silang magulo at nagchi-chismisan.
"I officially announced na may isa sa atin dito sa Class C ang multo," sabi ko pagkapasok. Tumahimik at nagtinginan naman silang lahat sa akin.
"Huh? May multo dito? At kasama natin siya ngayon?" takang tanong ni Jea.
"Oo, at posibleng 'yon ang nakita ni Mr. Monje bago siya nawalan ng malay. Siya rin ang nakialam sa laro natin nung nakaraan at siya rin ang pang eleven na estudyante na hindi nakikita habang naglalaro tayo ng volleyball," paliwanag ko sa kanilang lahat.
"So, totoo ngang may multo dito at tayo lang ang nakakakita sa kanya," singit ni Zumi.
"Sa simula pa lang, may nakakasama na pala tayong multo?" - Kenzo.
"Kung sino ka mang multo ka, hindi kita uurungan," matapang na sinabi ni Celine.
"Bella, sa likod mo," turo ni Elvi sa likod ni Celine. Nasa likod niya ang bintana.
"Huh?" kabado siyang nagtanong kay Elvi.
"M-may multo sa likod mo," pananakot niya dahilan upang sumigaw si Celine at napatayo. Tumawa naman lahat sa naging reaksyon ni Celine.
"Ano ba Elvi! Hindi na nakakatuwa 'yang pananakot mo sa akin!" bulyaw ni Celine. Padabog namang lumabas dito sa classroom si Celine.
Agad namang hinagis ni Yen ang headset niya na nakalagay sa tainga niya kanina. Natanggal rin 'yon sa laptop niya kaya naman narinig namin ang creepy na tunog mula sa laptop niya.
"Ano 'yan? Bakit ganyan? Patayin niyo na," reklamo ni Gia habang tinatakpan niya ang tainga niya. Maging ang iba ang tinatakpan ang tainga dahil sa lakas at creepy na tunog na sumingit sa ginagawang demo ni Yen. Pinatay naman kaagad ni Jea ang tunog.
Padabog namang tumayo si Yen at galit siyang tumingin sa lahat, "Umamin kayo. Sino sa inyong lahat ang gumalaw sa demo ko?!" literal na magagalit ito dahil pinaghirapan niya ang demo niya.
"Prank 'yan 'di ba, Yen?" nakangiting tanong pa ni Elvi, ang prankster sa Class C. Pero kiitang kita sa mukha ni Elvi ang pagkatakot.
"Mukha bang nagpa-prank si Yen? Tingnan mo naman ang mukha niya," sagot ni Kenzo. Galit na galit si Yen ngayon.
"Sit down, Yen," utos ko sa kanya. Umupo naman siya agad at pinakalma siya ni Jea.
"Class C, be serious. Sa mga ganitong sitwasyon ay dapat huwag nating takutin ang isa't isa. At dahil wala pang umaamin... lahat kayo ay pagdududahan ko," wika ko.
"Wala na akong pagkakatiwalaan dito sa Class C," giit ni Yen.
"Dahil 'to sa Yes or No eh. Dapat hindi na tayo tumuloy no'n edi sana hindi mangyayari 'to lahat," Zumi pouted.
Alam kong natatakot lang siyang umamin dahil baka layuan namin siya pero hindi na siya makakaligtas pa kapag nalaman ko kung sino siya. Maghahanap ako ng ebidensiya kung sino nga sa kanila ang multo.
YOU ARE READING
The Mystery In Class C | ✓
Mystery / Thrillersoon to be published in ManilaPop under by Precious Pages Corp. highest rank achieved #1 - urn Isa sa Class C ay 5 years ago nang patay. Nakakausap at nakakasama pa nila ito hanggang ngayon. Tanging ang Class C at ang Homeroom Teacher lang ang naka...