ZUMISEN's P.O.V
Pumasok ako sa bukas pang cafeteria dito at naabutan ko doon sila Ley, Yen, Luna at Jea habang kumakain.
Gabi na at wala nang katao-tao kung hindi kami na lang. Nasa dorm na rin ang ibang mga students at ang mga staffs pero nagagawa pa rin naming bumaba kahit na creepy na ang mga nangyayari sa amin.
"Yen," tawag ko sa kanya nang makapasok na ako at lumapit sa kanila.
"Kumusta na ang demo mo? May creepy sound pa rin ba?" tanong ko sa kanya habang nakatutok ito sa kanyang laptop.
"Hindi pa rin, e. Hindi ko nga mapakinggan simula kanina, natatakot talaga ako," sagot nito. Halata naman sa mukha niya ang pagkaproblemada sa kanyang demo.
"Nagtataka talaga ako, Zumi. Tayong dalawa ang naglaro ng Yes or No pero ako lang ang minumulto," reklamo ni Yen.
Natawa naman ako sa sinabi niya, "Hindi mo kasi nasabi ang closing chant pagkatapos ng laro natin. Nakisabay ka na lang kasi bigla sa kanila tumakbo palabas ng class room,"
Naalala ko no'ng nagsitakbuhan sila at ako nadapa pa dahil sa pagkakataranta. Nagclosing chant muna ako bago tumakbo doon sa class room.
"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" iyan na naman siya, high blood na lang palagi.
"Hehe, sorry," stay positive lang dapat, Julienne Yen!
"Totoo nga ba talaga na may multo nga sa Class C?" singit ni Ley.
"Hindi totoo kung hindi nagkagulo sa class room. Una, naglaro tayo ng yes or no. Pangalawa, noong naaksidente si Mr. Monje. Pangatlo, may nagparamdam sa girl comfort room at sa gubat. Pangapat, noong naglaro tayo ng volleyball. Panglima, doon sa 24 na juice kahit 25 talaga tayo. At ang panghuli, 'yong demo ni Yen,"
Inisa isa ko pa talaga ang mga creepy moments namin hindi lang sa class room pati na rin sa bawat sulok ng school na 'to at ang Class C pa ang napili ng multo na 'yon.
"Baka kapag nagtagal pa ang multo na 'yon sa Class C, paniguradong sa susunod na mga araw ay magpaparamdam ulit siya or worst sila sa atin kaya dapat mahuli na talaga 'yan kung sino talaga sa atin ang totoong multo," wika ni Jea.
"Alam niyo kung paano malaman kung sino sa atin dito ang talagang multo?" tanong ko sa kanila na as if naman na alam talaga nila dahil ako lang ang ghost expert dito.
"Paano?" tanong naman ni Ley. Interesado talaga silang malaman kung paano.
"Nakikita niyo ba 'yang red beans na 'yan sa mangkok?" turo ko sa isnag mangkok na naglalaman ng kanin na may red beans sa ibabaw at mukhang bawas na ito dahil nasa kalahati na lang ito.
Umayos ako ng upo, "Diyan natin malalaman kung sino talaga sa atin ang nagpapanggap. Ang mga multo ay ayaw sa red beans," paliwanag ko sa kanila.
I'm proud of myself dahil may nakuha na naman silang aral about sa mga multo galing sa akin.
"Matutulog na ako," paalam ni Jea sa amin.
"Agad? Maaga pa ah," -Yen.
"Mga 10 pm, natutulog na ako para tumangkad na rin ako," natawa naman ako sa sagot ni Jea.
Tumayo na siya nang maubos na niya lahat ng pagkain niya sa kanyang mangkok, "Good night, guys,"
"Good night," bati rin namin sa kanya.
Bumalik naman na kami sa topic namin kanina about sa red beans, "Kumain na kami niyan, wala namang epekto. Si Luna na lang ang hindi pa kumakain niyan," sambit ni Ley.
Tumingin kami kay Luna na ngayon ay inuubos na niya ang red beans sa mangkok.
"Wow, hindi totoong multo si Luna," natutuwa kong wika.
Naubos na niya ang red beans. Akma naman itong tatayo nang pigilan ko siya, "Saan ka pupunta?"
"Itatapon ko lang 'to sa basurahan," sagot niya.
"Nice, ang bait naman," tumayo na siya at lumapit sa basurahan.
YEN's P.O.V
Hindi ako makatulog. Iniisip ko pa rin hanggang ngayon ang demo ko.
Tumingin ako kay Jea na nasa tabi ng kama ko. Mahimbing na siyang natutulog. Si Kenzo naman sa itaas ko ay busy sa kanyang mga tarot cards.
Bumalikwas ako ng upo dito sa kama ko at huminga ng malalim. Paano naman na kaya ako makakatulog nito?
May naisip naman akong gawin para mawala ang pagkabored ko, "Pwede ba akong magon ng music?" tanong ko kay Kenzo. Baka kasi mabulahaw sila.
"Pwede naman," sagot niya.
Nagsimula na akong magpatugtog. Simula pa lang ng kanta ay pinatay ko na agad.
"Ang kanta ay parang mga multo lang," bulong ko nang maalala ko ang demo ko.
Sinubukan kong magsearch sa Youtube ng kanta kaso ang tigas talaga ng ulo ko. Sabi na ngang ang mga kanta ay parang mga multo lang, nakakatakot. Paano na ako makakatulog nito?
KENZO's P.O.V
Habang nagtitingin ako sa mga tarot cards ko ay napatingin ako sa kama ni Kim na nasa tabi lang ng kama ko. Nasa taas rin ang kama ni Kim at nasa baba naman niya si Jea.
Saan na naman kaya nagpunta 'yong babaeng 'yon? Siguro nasa art room na naman 'yon, kahit gabi na ay pumupunta pa rin siya sa art room. Hindi man lang siya natatakot dahil nakakatakot na sa labas lalo na kung malapit ang art room sa class room namin kung saan maraming multo doon na nagpaparamdam.
Napagpasiyahan kong lumabas at pumunta sa art room para matingnan doon si Kim. Bumaba ako sa kama ko, naabutan ko sa baba si Yen na hindi pa natutulog. Ang sabi niya magpapatugtog siya pero bakit wala akong naririnig?
"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.
"Sa labas lang, titingnan ko si Kim," sagot ko.
"Bakit? Wala ba siya sa taas?" tumayo siya at tumingin sa taas kung saan nandoon ang kama ni Kim. Wala siya doon.
"Madaling araw na bakit nasa labas pa siya?"
"Kaya nga titingnan ko siya doon sa art room," hinayaan naman na niya akong lumabas at nagsabi siya sa akin na magingat ako kapag maglalakad ako sa madilim na hallway.
Lumabas na ako at mabilis na naglakad papunta sa art room. Umakyat pa ako ng isang hagdan para magpunta doon. Mas palalim ng palalim ang gabi habang naglalakad ako papunta sa art room, nadaanan ko pa ang class room namin kaya naman mas lalo pang lumamig ang paligid.
Nang nandito na ako ay sumilip ako sa loob. Nakita ko naman si Kim doon na busy sa pagdo-drawing. Okay naman pala siya, akala ko naman ay sinaktan na rin siya ng multo dito.
YOU ARE READING
The Mystery In Class C | ✓
Mystery / Thrillersoon to be published in ManilaPop under by Precious Pages Corp. highest rank achieved #1 - urn Isa sa Class C ay 5 years ago nang patay. Nakakausap at nakakasama pa nila ito hanggang ngayon. Tanging ang Class C at ang Homeroom Teacher lang ang naka...