Nandito kami ngayon sa cafeteria habang nakapila at may hawak na sari-sariling mga tray para sa pagkain namin.
Habang nakapila ay naghaharutan naman sila Gia, Celine at Elvi sa likuran ko. Ang gugulo nila at ang iingay pero sanay na ako sa kanila.
Dahil sa tatlong makukulit ay nabangga nila ako at nabangga ko naman ang mga nasa harap ko na sila Zea. Mas lalong sumakit ang nasunog kong likod.
"Sorry, Luna. Okay ka lang?" nagaalalang tanong sa akin ni Gia habang nakahawak ako sa balikat ko.
"Okay lang ako," sagot ko sa kanila kahit hindi totoo.
Kumuha na ako agad ng pagkain nang nasa harapan ko na ang mga pagkaing nakahanda dito sa counter.
GIA's P.O.V
Nakaupo ako ngayon sa table ko habang nakikipag usap kila Luna, Celine at Elvi. Ang iba pa naming kaklase ay nagiingay rin at ang iba ay nasa labas.
Nakita ko naman si Luna na kinuha ang mga libro niya mula sa bag niya. Tiningnan ko ang locker niya at hanggang ngayon ay naka lock pa rin ito. Hindi ba siya nabibigatan? Araw-araw niyang bitbit ang bag niya.
"Luna, nakita mo na ba ang susi ng locker mo?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa, eh pero okay na 'tong buhat-buhat ko hanggang sa dorm para na rin makapag review na rin ako doon," sagot niya.
Tumayo naman si Elvi, "Meron akong hairpin dito, puwede 'to pangbukas sa locker ni Luna,"
"Hoy, teka. Sa akin ba 'yang hairpin?" tanong naman ni Celine kay Elvi.
"Oo. Nahulog kaya kinuha ko," natatawang sagot ni Elvi.
"Bakit hindi mo binigay sa akin?"
"Wala ka kayang pake," nagpout naman si Celine kay Elvi.
Naglakad na si Elvi palapit sa locker ni Luna, "Huwag na, Elvi," pagpapatigil ni Luna sa kanya.
"Bakit?" huminto siya pero nagpatuloy pa siya sa paglakad hanggang sa makarating na nga siya doon sa locker niya.
Tumayo si Luna at naglakad rin palapit kay Elvi. Akmang ilulusot na ni Elvi ang hairpin sa padlock niya nang pigilan ni Luna ang kamay nito.
"Hindi mo puwedeng galawin 'yan," seryoso siyang nakatingin ngayon kay Elvi.
"Okay," mukhang natakot ata si Elvi kay Luna. Bumalik na si Elvi dito sa upuan niya at sumunod na rin si Luna dito.
LEY's P.O.V
Nandito ako sa dorm at kasama ko lang ngayon si Shin. Magkatabi kami ngayon sa study table namin. Nagsusulat siya at ako naman ay nakafocus sa cellphone ko.
May naisip na naman ako biglang kalokohan. Tatakutin ko si Shin para maranasan niyang matakot.
Tumayo siya at lumabas ng dorm. Iniwan niya ang cellphone niya, siguro babalik siya kaagad dito.
Tumayo ako at kinuha ko agad ang cellphone niya. "Tingnan natin niyang tapang mo kapag natakot ka dito mamaya," nakangisi kong bulong.
Nagiba ako ng sim card para hindi halatang ako ang tatawag sa kanya mamaya. Isinave ko ang cellphone number ng sim card ko sa cellphone niya at sinet ang nakakatakot na pangalan ng number na 'yon.
"Tumigil ka na sa pagiging sipsip mo. Ikaw ang isusunod ko,"
Habang tinatype ko 'yon ay humahagikhik ako ng tawa. Mukhang magiging successful ang plano ko ngayon ah.
Pagkatapos ko ay agad na akong pumasok sa closet namin para doon magtago. Hihintayin ko na lang siyang pumasok at tatawagan ko na siya.
Akala mo, Shin, makakaligtas ka? Tingnan natin niyang tapang mo kung matapang ka ba talaga o nagtatapang tapangan ka lang.
Bigla namang may tumawag dito sa bago kong sim card. Nagulat ako na ang tumatawag sa akin ay 'yong number ni Shin at nakasulat doon ang tinypd ko kanina.
Sumilip ako sa labas pero wala pa si Shin doon. Kaagad ko siyang dinecline pero hindi siya napipindot at hindi siya tumitigil.
Lumabas kaagad ako ng closet at ibinato sa sahig ang cellphone ko para tumigil na siya sa pagtawag pero hindi tumitigil ang pagtunog niya.
Tinakpan ko ang magkabilaang tainga ko dahil sa pagkarindi ko na sa tunog ng cellphone ko. Nagiiba na rin ang tunog na 'yon. Mas nagiging creepy na siya lalo.
Napansin ko sa side view ko na may taong nakasilip dito mula sa labas ng dorm namin. Kaagad akong lumingon sa kanya pero hindi ko nakita ang mukha niya at naglakad na rin ito palayo dito sa dorm namin.
"Luna?" parang si Luna 'yon. Halos magkaparehas lang sila ng buhok at ng height. At tsaka si Luna lang ang may gano'ng buhok sa Class C.
Lumabas ako para matingnan ang babaeng nakatayo at nakasilip dito kanina pero pagtingin ko ay wala na. Hindi ko na siya naabutan pero bakit parang ang bilis naman niyang maglakad? Sobrang haba pa ng hallway dito bago kumanan at kumaliwa.
"Ley," halos mapatalon naman ako sa gulat ng biglang sumulpot sa likod ko si Shin.
"Anong nangyari sa 'yo? Bakit parang nakakita ka ng multo diyan? Grabe ka rin magulat ah," takang tanong nito sa akin.
"Wala ka bang nakitang babaeng naglakad dito sa hallway papunta doon?" pabalik kong tanong sa kanya at hindi sinagot ang tanong niya. Itinuro ko pa sa kanya ang direksyon kung saan naglakad palayo ang babae.
"Wala naman. Akala ko ba hindi ka naniniwala sa mga multo?"
"Hindi nga. May nakita lang kasi ako,"
"Siguro minumulto ka niya dahil sa mga videos mo at ayaw niya rin ang ginagawa mo. Ibig sabihin lang no'n ay tumigil ka na," huling wika niya bago siya pumasok sa dorm.
Iyon ba talaga ang dahilan? Ayaw niya ng mga ginagawa ko? Hindi... Ley, hindi ka naniniwala at natatakot sa multo. Kaya mo 'yan.
LUNA's P.O.V
Seryoso lang ako habang pinapanood si Ley na natatakot. Ibinalik ko sa kanya ang dapat niyang gagawin kay Shin. Ginagawa ko 'to para tumigil na siya sa pangpa prank niya sa mga kaklase namin tulad ng favor ni Dia sa akin at para na rin maging maganda na ang tingin ng mga kaklase ko kila Dia, Bryce at sa iba pa naming kaklase na pinatay.
Okay na siguro 'tong pananakot ko sa kanya. Mukhang ititigil na niya 'tong ginagawa niya.
Napagpasiyahan ko nang umalis na dito sa dorm nila at bumalik na sa dorm namin ni Zea. Baka makita pa ako ni Ley dito.
YOU ARE READING
The Mystery In Class C | ✓
Misterio / Suspensosoon to be published in ManilaPop under by Precious Pages Corp. highest rank achieved #1 - urn Isa sa Class C ay 5 years ago nang patay. Nakakausap at nakakasama pa nila ito hanggang ngayon. Tanging ang Class C at ang Homeroom Teacher lang ang naka...