TWENTY : REVELATION

48 13 0
                                    

Nandito ako sa hospital para bisitahin si Celine. Nang makarating ako sa harap ng pintuan na nakapangalan kay Celine ay sumilip muna ako doon sa loob. Nakita ko doon si Celine habang pinapakain siya ng mama niya.

Tumingin muna ako sa paligid dito sa labas ng kwarto niya kung may mga tao ba o wala para kapag binuksan ko itong pinto ay walang makakita.

Binuksan ko na ang pinto at pumasok. Nakita naman ako kaagad ni Celine. Hindi siya nagsalita, nananatiling nakatitig lang siya sa akin.

Lumingon naman ang mama sa direksyon ko at ibinaling ulit ng tingin sa anak niya, "Celine? Anong tinitingnan mo diyan? Huwag ka ngang ganyan," natatakot na wika nito sa anak niya.

Alam ko na kung kanino nagmana si Celine na matatakutin sa multo. Nakakatuwa dahil may mama siyang kaparehas niya.

"Hayysstt, bakit naman nakabukas ang pinto?" naglakad ang mama niya. Dumaan at tumagos siya sa katawan ko. Isinara niya ang pintuan na binuksan ko kanina at bumalik kay Celine.

"Anak, Celine? Ano bang nakikita mo diyan na hindi ko nakikita?" tanong ulit ng mama niya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sinasagot at nananatiling nakatingin si Celine sa akin.

"Celine, kumusta ka na?" tanong ko sa kanya. Pagkatapos kong magsalita ay biglang nagseizure si Celine.

"Celine! Anak! Anong nangyayari?!" natatarantang tanong ng mama niya sa kanya. Kaagad tumakbo palabas ng room ang mama para tumawag ng doctor.

Wala akong magawa para tulungan si Celine. Hindi ko na siya kayang panoorin dito sa hospital room niya habang nakahiga at nanghihina.

Pagkapasok ng isang doctor at ilang nurse ay lumabas na ako ng kwarto niya. Ayoko nang tumagal dito dahil ako lang ang nagiging dahilan ng pagsi-seizure niya.

SHIN's P.O.V

"Kailangan mo nang makuha ang recommendation letter, huwag kang pabagal-bagal diyan. Mas inuuna mo ang party na 'yan kaysa sa pagaaral mo. Ano ka? Bata?" galit na naman sa akin si daddy.

Palagi niya akong tinatawagan nang malaman niyang bibigyan ako ng recommendation letter ni Mr. Monje.

"Dad, Class president ako dito, hindi ko puwedeng hayaan lang ang mga kaklase ko dito at tsaka tapos na ang party," sagot ko sa kanya.

"Bahala ka basta makuha mo na 'yang letter na 'yan," ibinababa na niya kaagad ang tawag.

Bumuntong hininga ako saglit pagkatapos ay nakita ko si Zea na lumabas ng dorm building. Tumawid siya sa kalsada at parang aakyat yata sa rooftop.

Ano namang gagawin doon ni Zea? Gabi na.

LUNA's P.O.V

Nandito ako ngayon sa rooftop. Hindi ko mapigilang umiyak dito dahil ang sakit-sakit na. Ang sakit na kapag alam mo na ang mga kaklase mo na tinuturing mong kaibigan ay pakiramdam mong malapit na nilang malaman ang tungkol sa 'yo at malapit na ka nilang layuan at ayawan. Ayokong dumating sa punto na mangyari 'yon.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Zea nang maramdaman ko siya na tumabi sa akin. Nakaharap na kaming dalawa ngayon sa kawalan.

"Masakit pa rin ba 'yang likod mo dahil sa talisman na nailagay ko sa dorm natin?" napatingin ako bigla sa kanya nang itanong niya 'yon sa akin.

"Zea..."

"Luna, alam ko na... Ikaw ang multo,"

Lumingon siya sa ibabang likod nami kung nandoon ang anino niya at sa akin ay walang nakikitang anino.

"Alam na rin nila Kim at Kenzo, tama ba ako?" tumango na lang ako bilang sagot sa kanya.

Si Kim, nakakakita at nakakaramdam siya ng multo kaya mabilis niya akong nakilala. Si Kenzo naman ay nakilala niya ako gamit ang tarot cards niya.

Yumuko ako, "Sorry... hindi ko agad sinabi sa inyo ang totoo,"

"Naiintindihan kita, Luna, ang sa akin lang ay sabihin mo na agad ang totoo s amga taong nagtitiwala sa 'yo," paalala niya sa akin.

May punto siya sa sinabi niya, kung hindi ko agad 'to sasabihin sa kanilang lahat ay baka mas lumala pa ang galit nila sa akin.

Kaya mas mabuti pa na sabihin ko na sa kanila ang totoo. Bukas na bukas rin ay sasabihin ko na sa kanilang lahat.

SHIN's P.O.V

MORNING...

Habang naglalakad ako sa hallway ay nakasalubong ko naman si Luna. Kumaway ito sa akin habang nakangiti at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Boo!" halos mapatalon ako sa gulat ng gulatin ako nila Brian at Symon. Simula no'ng nalaman ko na si Luna ang multo ay magugulatin na ako ngayon.

"Parang nakakita ka ng multo diyan ah," asar nila sa akin.

"Nakikita niyo ba siya?" turo ko kay Luna habang naglalakad pa rin sa hallway.

"Huh? Sino?" tumingin rin sila sa hallway na tinuturo ko kung nasaan si Luna.

"Ayo'n oh! Hindi niyo ba siya nakikita?" tanong ko sa kanila.

"Wala naman kaming nakikitang tao. Huwag ka ngang manakot diyan," sagot ni Symon.

Nakita ko si Luna na naglalakad na palabas ng building. So, totoo nga. Si Luna nga ang multo.

NIGHT...

Habang wala pa ang last subject namin ngayong gabi na si Mr. Monje ay hindi na ako nagdalawang isip na pumunta sa harap para sabihin sa kanilang lahat ang nalaman ko kagabi mismo sa rooftop.

"Nalaman ko na kung sino ang multo dito sa Class C," wika ko sa kanilang lahat.

"Paano mo naman nalaman?" tanong ni Zumi.

"Narinig ko mismo," sagot ko.

"Kung sino ka man... ito na ang huling chance mo. Umamin ka na ngayon o... ako na mismo ang magsasabi sa kanila..." sambit ko at tumingin kay Luna na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.

"Luna?" dagdag ko dahilan para mapatingin silang lahat kay Luna.

Subukan mo lang itanggi, Luna. Narinig ko mismo sa usapan ninyo ni Zea. Nakita ko rin na wala kang anino.

"Totoo ba ang sinasabi ni Shin, Luna?" gulat na tanong ni Gia.

"Luna, sabihin mo sa kanila na hindi totoo," nakangiting sambit ni Elvi pero kita sa mukha niya ang pagkagulat.

Ang mga malapit niyang kaibigan ay hindi makapaniwala sa kanilang narinig at pinipilit nila kay Luna na hindi ito totoo.

Tumayo naman bigla si Yen at bakas sa mukha nito ang pagkagalit, "Luna, sumagot ka. Totoo ba ang sinabi ni Shin o hindi?"

Tahimik lang si Luna at parang hindi niya alam ang isasagot pero alam kong pinaghandaan niya itong araw na 'to dahil nasabihan naman na siya ni Zea na sabihin na ang totoo sa lalong madaling panahon.

The Mystery In Class C | ✓Where stories live. Discover now