TWENTY THREE : COMMAND

48 13 0
                                    

GIA's P.O.V

Ngayon na ang oras para makapag boto. Nagsulat na si Shin sa board namin. Approved or not.

Kagabi, grabe ang galit ko kay Luna dahil nadala kang ako sa emosyon pero ngayon nareaize ko na kaibigan namin siya at hidni dapat namin siya talikuran. Naniniwala kami ni Elvi na wala siyang ginagawang masama.

"So, sino sa inyo ang approve na mapaalis siya dito?" tanong ni shin.

Anim ang nagtaas ng kamay.

"Sino ang hindi?" nagtaas na kami ng kamay.

Lima lang ang nagtaas.

"Kulang... sino pa ang hindi?" tanong niya ulit. Nagtaas naman ng kamay si Kim. So, anim na.

"Anim. Anim. Paano 'yan? Parehas lang na anim ang votes?" tanong ni Zumi.

Bigla naman pumasok si Celine. Yes, magaling na siya at sinabi niya sa amin na papasok siya ngayon para tulungan si Luna.

"Celine. Nakabalik ka na," natutuwang wika ng mga kaklase ko.

Lumapit si Celine sa board at kinuha niya ang chalk kay Shin. Dinagdagan niya ng plus one ang not approved. Yehey! Hindi na makakaalis si Luna.

"Celine? Anong ibig sabihin nito? Mas pinapanigan mo ang masamang multo na 'yon?" gulat na tanong ni Shin.

"Hindi nga masama si Luna," sumbat na naman ni Kenzo.

"Celine! Sinaktan ka niya!" sigaw ni Yen.

"Hindi niya ako sinaktan. Aksidente ang lahat ng 'yon," sagot ni Celine.

"Nakuha na namin ang resulta," singit ni Zea. Tumingin siya kay Kim at nagsenyas ito na papasukin na si Luna. Kanina pa si Luna sa labas at sinabi namin na maghintay siya hanggang sa malaman ang resulta.

Tumayo na si Kim at binuksan ang pinto, "Pumasok ka na," wika niya kay Luna.

Pumasok naman si Luna habang nakayuko at tumabi na sa akin. Napansin ko namang padabog na lumabas ng class room si Shin.

MR. MONJE's P.O.V

"Mr. Monje, uuwi na po ako," paalam ni Ms. Lee

"Sige na, magiingat ka. Hayss, buti ka pa uuwi na.  Ako heto, may mga kailangan pang tapusin,"

Nagunat na ako ng leeg ko at likod dahil sa pangangalay at magdamag na naman ako nito na nakaupo dahil may naiwan akong mga trabaho habang nasa hospital pa ako.

"Kaya mo 'yan, Sir. Fighting," pagpapalakas sa akin ng loob ni Ms. Lee

Akmang maglalakad na siya palabas ng office namin ni Mr. Ang nang maalala ko naman ang record ng Class C.

"Wait, Ms. Lee. Napansin mo ba 'yong record ni Luna?" tanong ko sa kanya.

Nagtataka naman niya akong tiningnan, "Luna? Sino si Luna?"

Naalala ko naman bigla ang unang araw ng attendance nila. Wala si Luna doon sa listahan kaya nilagay ko na lang siya sa listahan.

"Ah, wala. Puwede ka nang umuwi," sagot ko.

Lumabas na siyang may pagtataka. Hindi niya talaga kilala si Luna? Pero halos naman lahat ng estudyante ko sa Class C ay kilala niya.

"Luna... Luna..." sambit ni Mr. Ang habang umiikot sa swivel chair niya at habang iniisip niya si Luna.

"Ay, naalala ko si Luna..." tumayo siya at humarap sa akin.

"Siya ang estudyante mo dati 5 years ago na namatay kasama ang walo niyang kaklase. Hindi mo ba sila natatandaan? Sinara agad kaso nila dahil walang kinikilalang prime suspect,"

"May gano'n akong estudyante?" hindi ko pa rin matandaan.

"Tumingin ka sa class record ng mga estudyante 5 years ago. Nasa cabinet kung gusto mo talaga malaman," lumabas na rin siya sa office.

Kaagad akong pumunta sa cabinet at hinanap ang class record ng mga estudyante 5 years ago.

Nang makita ko na ang Class C record ay nakita ko na agad ang record ni Luna. Nagulat ako sa nabasa ko. Siyang siya 'to. Totoo nga na namatay siya dahil sa sunog.

Tumingin ako sa dingding kung saan may mga sections na kung ilan ang bilang ng estudyante. Class C, 24.

24 sila at hindi 25.

"Ano 'to? Anong nangyayari?"

Bakit pa siya nabubuhay bilang isa sa mga estudyante ko ngayon kahit alam na niyang patay na siya?

SHIN's P.O.V

Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa class room ay nakita ko si Mr. Monje na palapit sa akin. Baka papagalitan na naman niya ako dahil galit na galit ang mukha nito. Galit siya no'ng pinagalitan niya ako pero parang mas galit siya ngayon.

"Shin, umamin ka. Noong naaksidente si Celine... may kinalaman ba dito si Luna?"

"P-Po?" hindi ko na matanong ang sagot niya pagkatapos umamin si Celine na hindi siya sinaktan ni Luna.

Napahilamos na lang siya ng mukha niya at naglakad ng mabilis papunta sa class room namin. Sinundan ko naman siya agad.

Padabog niyang binuksan ang pintuan namin at nakita ko ang mga kaklase ko na nagulat at nabigla.

"LUNA!" sigaw niyang tawag kay Luna. Lumapit siya kay Luna.
"Bakit ka pa nandito?"

"P-Po?" buong klase ay tahimik at puno ng kaba ngayon. Tanging sigaw lang ni Mr. Monje ang maririnig mo.

"Huwag ka nang magmaang maangan pa! Naalala ko na! Ikaw si Luna ang namatay 5 years ago!" panduduro pa niya kay Luna.

"Bakit ka pa nandito? Huh? ANO BANG KAILANGAN MO DITO AT AYAW MONG UMALIS!"

Nananatiling nakayuko si Luna at hindi nagsasalita.

"Umalis ka dito," tinulak niya si Luna.

Bigla namang tumayo sila Elvi at Kenzo para tulungan si Luna pero tiningnan ko na sila ng masama bago pa nila gawin 'yon. Ayokong madamay sila sa galit ni Mr. Monje kay Luna.

"Ayokong pumapasok ka dito sa klase ko," muling tinulak pa niya si Luna.

Tumingin si Mr. Monje sa aming lahat, "Alam niyo na rin lahat?" walang sumagot at ang ilan sa amin ay yumuko.

Ginulo niya ang buhok niya dahil sa inis at pumunta sa harapan, "Shin, ilabas mo 'yang upuan ni Luna. Walang kakausap at lalapit sa kanya kung sino man ang matapang na hindi susundin ang utos ko, sabihin mo sa akin, Shin. Damay ang pagaaral ninyo dito kapag hindi kayo sumunod,"

"O-Opo," sagot ko agad.

"Simula ngayon, Class C, wala na kayong kilalang Luna..." huling sinabi niya bago siya lumabas ng class room.

Tiningnan ko si Luna na ngayon ay tahimik at magisang umiiyak sa tabi. Walang akong nararamdamang awa sa kanya. Buti nga sa kanya 'yan.

"Let's go, Luna," akmang ilalabas ni Zea si Luna nang magsalita ako.

"Zea, hindi ka ba marunong sumunod?"

Tiningnan niya lang ako na masama at hihilain na sana niya si Luna palabas nang magsalita ulit ako.

"Zea, isipin mo 'yang pagaaral mo. Kung itutuloy mo ang pagtulong sa kanya, hindi ka na magiging honor student dito," pananakot ko sa kanya.

Alam kong makukumbinsi ko siya dahil mahal niya ang pagaaral niya at ayaw niyang mawala ang pagiging honor student niya.

Binitawan naman niya si Luna, "Sorry," rinig kong sambit niya kay Luna.

The Mystery In Class C | ✓Where stories live. Discover now