GIA's P.O.V
Tahimik ang buong room dahil sa nangyaring bintangan kanina lang. Napagbintangan namin na si Kim ang multo. Ang ang iba rin ay napagbintangan. Ang layo sa samahan namin dating magka kaklase. Hindi ko na sila kilala.
Lahat na kami dito ay nagaaway at simpleng biro at asar lang ay siniseryoso na rito. Nagkagulo na dahil sa multong sinasabi nila. Kung totoo man siya, sana umalis na siya dito at huwag na magpakita habang buhay. Ito ba ang Class C na nakilala ko dati?
Ang iba sa amin dito ay lumabas. Ang iba naman ay nagstay at walang kibuan ang nangyayari dito. Dati naman, lahat kami ay naguusap usap ah. Hindi ko gusto ang ganitong pangyayari.
Hanggang ngayon ay nakatunganga pa rin kami ngayon dahil walang gustong magturo sa amin. Hindi namin alam kung bakit ayaw pumasok dito ang mga professors ng Haka University. Si Mr. Monje lang talaga ang nagtuturo sa amin dito.
Nakayuko ako at patulog na rin nang marinig ko ang pendulum swing na tumutunog.
"Sino ang humawak niyan?" turo ko sa gumagalaw na pendulum swing na nakadisplay sa professor's table.
Walang sumagot sa tanong ko at taka lang nila akong tiningnan. Tumayo ako para patigilin 'yon at bumalik sa kinauupuan ko.
Tumunog ulit pero hindi na tulad ng kanina na mabagal. Medyo bumilis na ito. Wala namang tao sa professor's table pero gumagalaw ito magisa.
"Nakita mo rin ba 'yon?" tanong ko kay Luna na nakatitig na rin sa pendulum swing. Tumayo siya at pinatagil rin niya 'yon.
Hindi pa nakakaupo si Luna nang tumunog ulit 'yon nang napakabilis. Bigla namang tumayo si Yen at hinagis niya ang pendulum swing sa sahig. Hindi pa rin ito tumitigil, imbes na humina ay sobrang bilis na ito. Pabilis ng pabilis.
Tinakpan ko ang tainga ko dahil sa hindi kaaya ayang tunog. Sobrang sakit sa tainga ang tunog ng pendulum swing, "Patigilan niyo 'yan,"
LEY's P.O.V
Tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko. Sayang lang ang oras ko dito kung wala rin lang magtuturo sa amin dito. Nagunat pa ako, bigla akong dinalaw ng antok ngayon ah.
"Hindi na kayo lalabas?" tanong ko sa kanila. Tiningnan lang nila ako at bumaling ulit ng tingin sa pendulum swing na kanina pa tumutunog.
Lumabas na ako at tumigil sa gilid ng pintuan. Sumilip ako sa loob ng class room namin, bakas pa rin sa mga mukha nila ang pagkatakot at pagkaseryoso. Natatawa na lang ako dahil nagiging effective na ang mga plano ko.
Ngumisi ako habang inaalala ang mga ginawa ko bago nagsipasok ang lahat sa class room namin. Kinuha ko lang naman ang maliit na remote sa loob mismo ng pendulum swing.
Habang pinipindot ko ang remote kanina ay para na ring gumagalaw magisa ang pendulum swing. Patago kong vinivideohan kanina habang magisa itong gumagalaw at habang takot na takot silang lahat.
Kinuha ko ang remote sa bulsa ko at pinindot 'yon para tumigil na at nakangiting naglakad palayo. Siguradong mas dadami pa ang mga viewers ko nito. Mas lalong maniniwala ang mga kaklass na may multo nga talaga sa class room namin.
GIA's P.O.V
Matapos ang ilang minutong tumutunog ang pendulum swing ay bigla na itong tumigil.
"Tumigil na?" tanong ni Celine habang tinatakpan niya rin ang magkabilang tainga niya. Hindi lang pala ako ang naiingayan sa tunog ng pendulum swing.
Tiningnan naming lahat ng mabuti ang swing. Hindi na nga ito gumagalaw.
"Sa tingin ko, pinaglalaruan tayo ng multo," opinyon ni Yen.
"Paano kung saktan na niya tayo? Aalis na ako dito at lilipat sa ibang section kung mangyayari 'yon," bakas sa mukha ni Zumi ang takot.
"Hindi. Hindi niya tayo sasaktan," giit ni Luna. Paano siya makakasiguro na hindi nga niya kami sasaktan? Sa nangyayari dito, malapit na akong maniwala na mayroon nga talaga ditong multo.
Lumapit pa si Shin sa pendulum swing at kinuha ito, "Hindi mo alam kung sigurado ka," sambit niya kay Luna habang seryosong nakatingin sa pendulum swing.
•••••
Uwian na at nasa hallway na kaming lahat at papunta na sa mga dorm namin. Nagusap usap kami na sabay-sabay maglakad lalo na kung gabi na ngayon.
Habang naglalakad ay biglang nabasag ang mga bintana. Nagulantang ang lahat nang mahulog ang painting at nabasag ang frame nito. Wala namang tao. Kami lang ang natitirang estudyante dito sa hallway. At tsaka malayo sa amin ang bintana at ang frame na nabasag.
Lumapit si Zumi sa frame, sumunod ako sa kanya. Nakita namin ang drawing art na nasa loob ng frame. Isang grupo na may mga hawak na matutulis na bagay at may mga dugo pa sa ibaba nila. Ang creepy.
"Baka tayo na isunod niyang saktan tulad sa mga gamit dito," wika ni Zumi. Nagdududa na kami sa multo, baka kami na nga ang isunod niyang saktan.
"May nasaktan ba sa inyo?" nag aalalang tanong ni Shin sa iba pa naming kaklase na nasa kabila. Napunta kasi lahat ng bubog sa gitna namin.
"Hindi ba, Luna, ikaw ang nagsabit nitong frame sa dingding?" tanong ko nang maalala ko na isinabit niyang frame dito sa dingding. Kasama kami ni Luna no'ng isinabit niya 'tong frame sa dingding.
"Oo pero hindi ako ang nagdrawing niyan. Nakita ko lang sa hagdanan niyan, naisipan ko namang ilagay siya sa dingding," paliwanag niya.
Ganyan palagi si Luna, pinapahalagahan niya ang mga gamit na nakikita niya. Kaya hindi na kami magtataka sa kanya kung inilagay niya 'yong frame sa dingding.
Nagulat kaming lahat nang biglang kumidlat nang malakas. Uulan na naman ata.
"Tara na, guys. Gabi na at umuulan na rin. I-report na lang natin 'yan bukas sa mga teachers," pag aya ni Shin.
Iniwan na namin ang mga bubog sa sahig at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa mga dorm namin. Sama-sama ang mga magkaka room mates. Mas lalong nakakatakot ang daan dahil sa kidlat at ulan.
May ilang nagdadaldalan at nagtatawanan para walang makaramdam sa aming takot. Nagugulat rin kami sa mga bawat kaluskos at galaw ng mga gamit pero may mga pusa lang palang gumagala.
YOU ARE READING
The Mystery In Class C | ✓
غموض / إثارةsoon to be published in ManilaPop under by Precious Pages Corp. highest rank achieved #1 - urn Isa sa Class C ay 5 years ago nang patay. Nakakausap at nakakasama pa nila ito hanggang ngayon. Tanging ang Class C at ang Homeroom Teacher lang ang naka...