Journal 2- Good Day By Greg Street ft. Nappy Roots

19 3 0
                                        

"Brianna, alam mo matagal na kitang gusto. Matagal na kitang gusto maging girlfriend ko." Ito na magkakaroon na ako ng first boyfriend ko. Finally, this is it.......Ito na yung dream ko. " Ako rin naman matagal na rin kita gusto at gusto rin kita maging boyfriend ko." sabi ko. "Brianna, mahal na mahal kita, please can you be my girl forever?" sabi ni cutie. Snooozzzzeeee! Bwisit na alarm clock na yan! Nagising na ako, ang ganda na ng dream ko eh. Magiging boyfriend ko na si cutie eh. Sayang naman. 

Ito na naman another day to spend it my boring life! But before that I would like to thanked the lord for another day that he gave me and for waking me up. Makatayo na nga kasi malapit na naman ang online classes ko. Mga 8am na pala. So, may time pa ako makapagpalamig sa labas ng unit ko. Finally, hindi na umuulan pero mukhang its not going to be a very sunny day . Kasi hindi pa siya maaraw.

Bigla naman ako napatingin sa katabing unit ko. Gising na kaya si cutie? Sana gising na siya kasi gusto ko na makita si crush. Oo, I finally decided that I like him na kahit kagabi ko lang siya nakita. Ang ganda ng araw ko ngayon sana hanggang mamayang hapon continous siya. Siyempre before going out wash my face and brush my teeth para fresh and relaxing paglabas sa may garahe ng apartment ko. Siguro nagtataka kayo kung bakit, nasa juinor high school pa lang ako eh may sariling unit na ako. Kasi yung mga parents ko gusto nila maging independent na ako agad kasi they are planning me to bring to another country. Hindi ko pa alam kung saan. Sana naman doon sa country na hindi masyadong malamig kasi sumasakit ang ulo ko sa sobrang lamig.

Ang ganda talaga ng araw ko ngayon.Sana all postive ang dumating. Mukhang hindi pa gising si cutie. Makapasok na nga sa loob ng unit ko at makapagready na breakfast ko. nagluto lang ako ng fried egg, make a toasted bread and milk kasi ayoko ng coffee. Take a picture muna and post it on my instagram account. Oo nga pala dalawang ang account ko sa IG kasi yung isa sa food blog ko tapos yung isa personal account ko na. Kasi I was planning to take a course in summer about cooking different foods. After ko kumain, naghugas na ako ng pinagkainan ko. Konting ligpit ng higaan ko. Konting linisin ng unit ko. Magreready na ako for my online classes. That its start naman ang medyo stress sa buhay ko kasi back to school works and review kasi need ko naman mag aral to survive my juinor high school days. Hay!Life of a juinor high. Mukhang puwede na ako gumawa ng vlog sa youtube.hahahaha!

TOK TOK!!!!!Ang aga naman ng bisita ko pero wala naman akong inieexpect na dadarating ngayon. Bigla tuloy ko tingan kung may message sa akin ang parents ko kasi baka may pasurprise visit sila pero wala naman silang message. Sino kaya ito? Okay konting ayos muna ng buhok kasi akala yung kumakatok ay hindi ako nag susuklay ng buhok. Pero true hindi ako marunong magsuklay ng buhok.hahahaha! yung binuksan ko na yung pinto, nabigla ako. Cutie is standing in front of my unit. O.....M.......G! Bakit kaya? Napagisipan na kaya niya na gusto na niya ako?ahahahahaha..Ate girl assuming ka!joke lang....Ano kaya kailangan nito sa akin? Pero infairness ang gwapo niya talaga! Sana all! Guwapo.....hahahaha

LOL!

NOTE: Please help me promote my first story here in wattpad. Thank you so much! Please vote and comment for improvement.hahaha

Take A Journey with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon