My Journey

11 2 0
                                        


                                 Dumaloy By Sud

Ito yung kanta na based sa akin o yung best describe of me. It's a calming song na puwede ko idescribe sa buhay ko. Kasi alam ninyo naman ang nangyari sa mundo natin ngayon na may pandemic noon hanggang ngayon. Sa tingin nila sa akin okay lang ako at hindi apektado sa nangyayari sa mundo pero hindi affected rin ako. May mga times na gusto ko na mawala sa mundong ito kasi ang hirap ng buhay at nakakadepress kasi una hindi ka makalabas ng bahay. Stay indoors ka lang at wala kang gagawin kung kumain at matulog lang. Tumaba ako!hahaha.

Pero yung dumating ako sa point na istalk ko yung google play store ko at nakita ko yung wattpad application na madaming ebooks doon na uli ako nabuhayan ng loob na puwede na uli ako magbasa ng libro na hindi bumibili sa bookstore. Kasi yung ang hobby ko yung high school ako. To the point na nagiipon ako yung high school ako para makabili ng libro sa National Bookstore tapos complete ko pa yung series ng books na bibilihin ko tapos tinatago ko sa pinakadulo para walang makabili kasi nga nagiipon ako. Ngayon na nauso na ang wattpad madami na akong natatapos basahin. Hindi talaga ako nagbabasa ng tagalog o taglish na libro pero yung nagtry ako magbasa ng taglish aba! maganda pala. Worth it yung unang binasa ko. 

                      This last chapter is dedicated to this beautiful girl who has a beautiful soul

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                      This last chapter is dedicated to this beautiful girl who has a beautiful soul. 

                   Ito yung unang story na binasa ko sa mundong ng wattpad.

Siya kasi yung unang author sa wattpad na nagustuhan ko. Maganda ang writing skills niya ang ganda ng deliver ng lines niya sa story niya. Ito yung unang story na nagparealize sa akin na kahit nawala na yung taong mahal mo may time talaga na kailangan natin ilet go yung pagmamahal mo sa taong yun na you need to go on with your life without him. Kapag handa ka na kayo ulit magmahal at least alam na ninyo kung saan kayo nagkamali at hindi na inyo uulit yung mali na yun. Ito rin yung first na mga characters na nainlove ako. Actually naiyak ako sa story na ito. Kahit nasa paid story siya pinagtiyagan ko na bilihin yung coins para mabasa siya. kahit nagagalit na yung kapatid ko kasi nakikigamit ako ng gcash niya. I love you so much Mitchie Angela, you make me realize that God is always with me in my ups and downs of my life.

Ngayon finally natupad ko na yung high school dream ko na magsulat ng story o book kasi hindi talaga Hotel and Restaurant Management ang course na gusto ko. Ang gusto ko talaga ay Mass Communication or Journalism kasi nga gusto ko matuto magsulat ng formal na story or book pero kahit wala kang experience sa field na yun. Magagawa mo kasi gusto mo. 

Thank you talaga Mitchie kasi na kilala kita. You make my life colorful. You inspire me so much in life with God. 

Maraming Salamat sa journey ko sa buhay sa family ko, who is always beside me thru my ups and downs. Yung mga shortcomings ko. Yung mga kaibigan at nakilala ko this past few years. Thank you.

Thank you so much sa pagsama sa journey ni Brian Alexander Yen at ni Brianna Anne Alvarez. Sa masayang at magulong biyahe nila sa buhay. Alam ko na bitin yung ending pero kayo na lang ang bahala na gumawa ng ending nila. Kasi ayoko na ako ang gumawa ng ending nila kasi gusto ko sana happy ending pero hindi lagi na happy ang ending ng every story na ginagawa natin minsan malungkot ang ending. Kaya sa inyo ko na lang ipapaubaya yung ending nila, kung magkakatuluyan ba sila o they will just remain friends na lang? Kayo na bahala. Kaya lang sinipag ako sa second story gusto ko makabaliw sa inyo kaya basahin na lang  ninyo yung second story ko para malaman ninyo. IT'S A SURPRISES! BUT NOT A PRANK!

Alam ko na nagtataka kayo na sa every chapter ng story ko ay may title ng song kasi doon rin ako nagbase sa mga songs na yun. Kasi yung mga songs na yun part ng buhay ng mga characters ko. Masaya sila at minsan malungkot. Minsan doon rin ako naghanap ng inspiration ko sa buhay. I would like to apologies na rin kasi ang gusto ko light lang itong first story ko pero yung dumating yung time na medyo nasaktan ako this past few months ko nailabas ko sa story ko. Kaya medyo naging malungkot yung ibang chapters ng story ko. Pero hindi naman laging masaya ang lagi ang buhay natin kaya minsan talaga minsan malungkot tayo kaya bumaliw ako ng big time sa second story. 

                                                               Nasayang Lang by The Juans 

Siguro part na rin ng buhay ko maging malungkot rin minsan at maging masaya minsan. Kaya tinuloy ko ang pagsusulat kasi I find fulfillment in every chapters that I write and publish. Kahit mali mali ang grammar ko pinagtiyagan ninyo kahit maiksi lang siya kasi madami rin akong ginagawa ngayon. Medyo busy ako ngayon. Kaya ito muna ang last story ko this month kasi mapapahinga muna ako. Kasi next month mag iisip na ako ng bagong story na isusulat. Kasi nakita ko na yung mga old files ko na sinulat ko. Kaya baka isulat ko na siya dito sa wattpad. By the way, may ginagawa pala akong spotify playlist nitong story ko. Just check out on spotify. Check it on my twitter account.

                              I will part my hands and my keyboard for a while just to rest so that I can write a better story for you who read my story.

                             This is Me signing off for a while

                                                           Anghel By The Juans

This is it! Big thank you and see you soon on my next story💜💜💜

Sending you all my happy purple heart!😍🥰😘

Take A Journey with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon