Journal 21-Kahit Kailan by Southborder

4 1 0
                                    

Ito na ako sa harap ng salamin at nakasout na ako ng wedding gown ko.

Kaya ko ba ito na maglakad ng patungo sa harap ng altar para pakasalan ang taong mahal ko pero hindi ganun ko talagang mahal ng buong buhay ko? Tapos biglang bumukas yung pinto ng hotel room ko at nakita ko si Brian Yen

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kaya ko ba ito na maglakad ng patungo sa harap ng altar para pakasalan ang taong mahal ko pero hindi ganun ko talagang mahal ng buong buhay ko? Tapos biglang bumukas yung pinto ng hotel room ko at nakita ko si Brian Yen. "Ano ginagawa mo dito? Diba! Dapat nasa Manila ka ngayon at busy sa company ninyo?Bakit? Brian" tanong ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin at nagulat ako na makita na umiiyak siya sa harap ko. Lumapit ako sa kanya at pinunasan yung mga luha niya sa pisnig niya. "Bakit ka umoo sa kanya? Brianna, Brianna, mahal na mahal kita, ikaw ang gusto ko pakasalan at ako dapat ang maghihintay sa iyo sa harap ng altar hindi siya." sagot niya sa akin habang umiiyak. Wala na rin akong nagawa kasi umiiyak na rin ako kasi siya talaga ang gusto ko makita sa harap ng altar hindi si Chanyeol. " I'm really sorry Brian, mas pinili ko si Chanyeol kaysa sa iyo kasi hindi ko na rin alam kung ano ba ako sa iyo noon? Kung alam ko lang na ako talaga ang mahal mo hindi na sana ako umoo kay Chanyeol. I'm sorry mahal na mahal kita pero si Chanyeol talaga ang pakakasalan ko. Sana kung nauna ka ng konti sa kanya baka ikaw ang makikita ko sa harap ng altar ngayon. Thank you for loving me Brian...Mahal na mahal kita ikaw ang huling mamahalin ko hanggang buhay pa ako sa mundo na ito. Maybe in a lifetime baka tayo naman." sagot ko habang umiiyak ako sa harap niya. "Ang ganda ganda mo ngayon hindi ko kaya iiwas ang mata ko ikaw lang ang gusto ko tingan hanggang buhay. Bakit ang sakit naman ito, puwede ka naman umaatras sa kasal na ito at sumama sa akin, tumakas tayo dito ako bahala sa iyo mabubuhay tayo ng tayong dalawa malayo sa lahat ng itong. Please sumama ka sa akin, please nakikiusap ako sa iyo?" sabi niya habang nakaluhod sa harap ko. Hindi ko maimagine na may lalaki na makikiusap sa akin na sumama ako sa kanya para lang makasama ako hanggang buhay. " I'm sorry Brian baka hindi talaga tayo sa dulo baka naman pinagtagpo tayo ni God para magkakilala at magmahal ng totoo pero it's not meant to be tayo kasi may ibang tao para sa atin." sabi ko sa kanya habang hinahawakan ang mga cheeks niya kasi after ko mag "I DO" ngayon hindi ko na siya mahahawakan at hindi ko na siya makakasama habang buhay. "Brianna ikaw na ang huling babaeng mamahalin ko at ikaw ang hihintay ko sa susunod kong buhay." sabi niya at hinalikan ako sa lips ko at nagresponsed ako sa halik niya. It's an innocent and lasting kiss that I will treasure it for the rest of my life until the day I die. "Brian kailangan na ako sa labas hinihintay na ako ni Chanyeol sa altar. Goodbye it's was so nice to meeting you again and I will treasure my love for you forever in my heart. Wala na rin akong ibang mamahalin kung hindi ikaw." sabi ko sa kanya. "Brianna, ikaw ang huling mamahalin ko habang buhay at hihinihintay kita hanggang nabubuhay ako. wala na akong mamahalin kung hindi ikaw. Sa ngayon ibibigay muna kita sa kanya pero babalik ako para bawin kita sa kanya, Tandaan mo yan ha, ako pa rin ang huli mo kahit magkaroon ka ng anak sa kanya ituturuin ko siya na anak ko." sabi niya. "Mahal, maghihintay ako sa babalik mo. Ikaw lang at wala naman iba." sagot ko. Sa ngayon kailangan ko pakasalan si Chanyeol kasi mahal ko rin siya. Oo tama pareho ko silang mahal pero mas higit na mahal ko si Brian kaysa kay Chanyeol. Alam ko na unfair pero wala akong magagawa kasi ito ang nararamdaman ko sa ngayon.

Yung lumabas na ako sa hotel room ko ay hinihintay na ako ng Daddy ko sa may pinto ng simbahan na pagpapakasalan ko. " Anak, ready ka na humarap sa taong makakasama mo habang buhay? Kung hindi mo siyang mahal talaga sabihin mo sa akin at hindi kita ihahatid sa kanya?" tanong sa akin ni Daddy. Yung tumitingin ako sa likod ko at nakita ko si Brian sa likod at makita ko siya na umiiyak. I mouthed "I will wait for you and I love you so much to him." nakita ko nagsmile siya at sinabi niya na "I will wait for you, see you soon and I love you so much until the day I die." habang nagbow sa akin at umiiyak ng palihim. " Daddy, let's go the guy I love is waiting for me inside the church" I told my father. "I know he is here at our backs, may time pa anak magbago ang isip mo. Pag isipan mo mabuti anak kapag hindi pa tayo pumasok sa loob ng simbahan kasi kapag pumasok na tayo sa loob wala ng atrasan ito?" tanong sa akin ni Daddy. Nagbow na ako sa kanya at sinabi na papasok na ako sa loob ng simbahan para pakasalan ang lalaki sa harap ng altar na matagal na rin naghintay sa akin para mahalin siya. 

Take A Journey with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon