Unang Tagpo (Chapter 1)

34 1 0
                                    

"Aray ko!" sabay kamot sa noo ko na tumama sa salaming pintuan.

"Belle kumalma ka! Na seen pa lang message mo!" babala ko sa sarili ko.

Hello. Ako nga pala si Belle Mateo, 28, isang ordinaryong babae na nakapag aral at nakapag trabaho sa siyudad.

"Dapat talaga bawasan ko na pag inom ng kape" bulong ko na naman sa sarili habang naglalakad sa hallway ng OB ward ng isang hospital.

1 year din akong naging resident sa hospital na ito, at ngayon 2nd year ko na sa specialization ko, ang maglabas ng anghel sa mundong ito.

Maraming nagtatanong kung bakit ito ang kinuha kong specialization, lalo na at sinabi ko noon na "hindi ako mag aasawa, mas gusto kong tumandang mag isa".
Lakas maka loner bes!

Pero sa katahimikan ng lovelife ko ngayon, pakiramdam ko nga magkakatotoo ang mga binitawan kong salita noon sa reunion namin.

Joke lang po yun Lord!

"OMG! yiiiieee!" pigil na tili ko.
Halos maitapon ko ang cellphone na hawak ko. Napaupo ako sa office chair ko at dun nalaglag sa kandungan ko habang sapo-sapo ang bibig ko at nanlalaki ang mga mata.

Sa itsura ko mukha akong nakakita ng multo.
pero higit pa yata sa multo ito! Anghel?

Buti na lang at walang ibang tao sa loob, walang pasyente, at wala ang assistant ko na si Marga.

"Paano ko ibibigay? E, san kita makikita?"
Binasa ko ulit ang nasa screen ng cellphone.

Ano to?? Gusto nya ulit ako makita??
(gusto ko doblehin yung question mark para ma exagerate, yung kilig, haha)

Ang tagal kong nakatitig sa screen bago ko ginalaw ang reply tab.
typing, typing, typing, dot dot dot

Magta-type ako, tapos buburahin, type ulit, tapos bura, type, bura, type.

"Seryoso? Ahm, tonight at 7pm, sa Cafe De Manila ulit."
SEND

wew! slow mo to, parang scene sa movie.

Sobrang pawis na ng kamay ko, may bakat na ng fingerprint sa screen ng phone ko, sabi na e, dapat bawasan na ang kape.
Grabe, nerbyos ko.

is it a yes? or a yes!

Dot.dot.dot

Ano kayang reply? Napapikit ako.
Dahan dahan kong ibinubukas ang mga mata ko.
Nakakatense!

"see you! :)" ang nabasa kong reply nya.

"ayyy!" Hindi ko na pinigilan ang tili ko, may papadyak pa ng paa.

oops! wag assumera girl.

"Ms. Belle?" sabay bukas ng pintuan.
Bumungad si Marga. Nasa mukha niya ang pag-aalala.

"Okay lang ako Marg! As in!" sagot ko kay Marga, habang ang ngiti ko ay abot tenga.

Hindi ko alam na aabot sa ganito.
Hello? Sino ba naman ako para mapansin? Isa lang akong ordinaryong doctor na ang hangad lang ay tumulong sa mga nanay, na umaaray, at nag aalay ng buhay nila para makapag bigay ng bagong silang na sanggol.

Naalala ko tuloy, noong mga panahong nag aaral pa ko, ilang beses kong tinanong ang sarili ko kung masaya ba ko sa ginagawa ko, kung seryoso ba ako sa profession na ito, kasi sa pagkakatanda ko, kaya ako napunta sa mundo ng medisina ay dahil sa kasusunod ko sa ex ko. Sa ex boyfriend ko na hindi matanto kung ano ba ang gusto, kaya siguro ako na lang ang nag pursue? Dahil naaawa na ako sa parents niya, na wala ng napala kakatrabaho, kundi ang makunsume sa anak nila.

Bitter kapa din te? Kaya naisip mo mag madre?

"Ang lola, nasa ibang planeta na naman."

Naputol yung iniisip ko nang biglang magsalita si Kariel. Itong magandang doctora na ito ang bestfried ko, magkaiba kami ng specialization, sa surgeon siya pero focus sa rehabilitation and cosmetology. Lagi siyang tumatambay sa clinic ko kahit hate niya ang usapan ng pregnancy. Frustration niya kasi.

"Tinapos ko lang yung report ko." sagot ko agad.

anong report? Cellphone yang hawak mo teh.

"May date kasi ako mamaya!" pag yayabang na dugtong ko habang nakangiti at nagligpit na nga ng gamit, hudyat na ready na akong umalis.

Date? sana nga!

"What do you mean? Please enlighten me!" demanding niyang sagot habang pinanlalakihan ako ng mata.

"We will see each other- A-G-A-I-N, period." sabi ko at kinindatan ko sya.

(all caps para nandun yung diin)

"Wait wait wait! That singer guy? That handsome vocalist of the MOST VIEWED BAND in all social media flatforms?" lalong lumaki ang mata ni Kariel
(naka all caps, para intense yung feeling na unbelievable)

Galing talaga mang gaya ng mga adjectives tong bes ko.

Sa expression nang mukha ni Kariel halatang imposible ang nangyayaring ito. Kahit ako hindi makapaniwala na ka chat ko ang taong ito sa messenger. Again, sino ba naman ako? Bigla tuloy bumalik ang ala-ala ko kung ano ang nangyari noong isang araw. 'Yun ang dahilan, kung bakit may salitang 'again'.

flashback

"Kariel, halika na dali!" biglang sabi ko, sabay hatak sa kamay nya palabas ng bar.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinampal ko yung lalaking nasa banyo. Pilit niya kasing hinahalikan yung babae. Ewan ko kung magka ano-ano sila, pero dahil bwisit ako sa mga ganoong lalaki, at bwisit din ang araw ko, kaya siguro lumakas ang loob kong manampal.
Sa totoo lang hindi ako mahilig mangialam sa buhay ng iba, bansag pa nga ng mga kaibigan ko, Ms. Dedma o Ms. Cold daw ako.
Pero what happened today?
Gawa ba ito ni tadhana o panaginip lang?

Sa Bar table ko iniwan si Kariel kanina, hinahanap namin yung reserved table and seats para sa mga kasama naming batchmates sa residency, bihira kaming mag kasama-sama dahil sa iba-iba naming work schedule.
Pumunta lang ako sandali sa banyo para umihi, (at manampal), nung lumabas ako sa hallway, natanawan ko nasa Bar table si Kariel may kausap na guy, tumakbo ako, at hinatak siya palabas.

Sa isip ko, kailangan ko ng makaalis, malaking eskandalo ito kapag nagkataon.
Pero bakit parang ang bigat hatakin ni Kariel? Skinny lang tong bestie ko diba?

"Bes, I need to go! I hit someone! San na nga ako nag park?" sabi ko kay Kariel nang makalabas kami ng bar.

Sakit ko talaga ang di makaalala ng lugar ng parking ko. Kahit saan, sa mall, sa supermarket, lalo na sa mga under ground parking space ng mga building or hospital. Kung bakit meron namang mga number or letters, pero kapag naka exit na ako ng establishment, iniisip ko kung saan ako pumasok, kung tama ba yung pinuntahan kong parking space.

Hindi sumagot si Kariel, dahilan para lumingon ako at tingnan sya.

"Ay!" gulat at may pagtataka ang makikita sa mukha ko. Sabay bitaw sa kamay na hila - hila ko.

"Sino ka?" gulat kong sabi.

Natawa sya.
Mahina, pero sumilip ang mga ngipin niya. Dahilan para magising ako sa pagtataka.

nakaka fall!

"Ahmn- ano. I'm sorry! I thought ikaw yung bestfriend ko." sabi ko na hiyang hiya sa sarili.

"Ang tanga mo Belle! Ano ba ito? Lalaki siya! Tapos siya si Kariel? Ano ba?" bulong na pagalit ko sa sarili ko.

nasaan si Kairel?

music noteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon