Pintig (Chapter 6)

10 0 0
                                    

Ika-pitong araw na ngayon mula sa ikalawang linggo pero wala pa ding paramdam si Miguel.

in short 14 days.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa mga pasyente ko. Pero bakit nga ba ako nagbibilang ng araw? Dapat ko bang asahan ang taong yun? Mali ito. Ewan ko din ba kung bakit dito sa Cafe De Manila ako dinala ng sarili ko.
Inaasahan ko sigurong makita siya.

"One coffee latte frappe please. Can you less the sugar level to 50%?" sabi ko sa staff ng cafe.

"Yes mam." sagot naman niya.

Pangatlong coffee ko na ito ngayong araw. Sa isip ko dapat magpapahinga na ako after 24 hours shift. Pero dinala ako dito ng sarili ko.

miss mo na sya?

Palabas na ako ng cafè ng marinig ko ang kantang 'Lifetime' by Ben and Ben.

"I was scared to lose you then
But secrets turn into regrets
Buried feelings grow
Oh, you were a good dream"

"Was there a lifetime waiting for us
In a world where I was yours?
Was it the wrong time, what if we tried
Giving in a little more?"

"Never mind, you were never mine.."

Habang nagmamaneho ako paulit ulit kong pinatugtog ang kantang iyon, baka sakaling magising ako sa katotohanan.

"Masyado ka kasing assuming girl! Sikat na tao yun! Maraming fans yun na mas maganda sayo! Marami silang fans na more than sa iyo!
At yun nga, fan ka lang, you are just a Fan." pagalit ko sa sarili ko.

girl. move on!

Naisip ko na lang, mabuti at naging masaya ako kahit sa ilang araw.

Nagdecide akong bumalik na lang sa hospital, kung uuwi ako hindi rin naman ako makakapahinga kakaisip kay Miguel Benjamin.

Tumambay ako sa Emergency Room.
"Hindi ako nagkamali, hindi ako maiinip ngayong gabi." bulong ko sa sarili.

sulitin ang kape.


Natapos ang duty ko sa toxic na patient. A mother of 4, pero tumataas ang blood pressure, dahil meron syang gestational diabetes, risky na din ang age nya pero since gusto nya ng anak na babae, push pa din. Matapos mag seizure, ang ending, caesarian section pero bikini cut ang gawa ko para may hustisya pa din ang katawan nya, kasi kilalang pamilya sila, mahirap na.

Nakakaramdam na ako antok (finally!), ikaw ba naman halos 48 hours na gising.
Mas matindi pa sa kape ang tama mo Miguel Benjamin.

"Mrs. Lacson is stable already, I hope her recovery will continue, if you need anything just notify me in the station." paalam ko sa pamilya

Isang oras na lang matatapos na ang shift kong 48 hours.
Nagdecide akong pumunta sa doctors lounge para maligo at magligpit ng iuuwi kong mga gamit.

After endorsement nagpaalam na ako, dumaan din ako sa clinic para magbilin kay Marga.
Palabas na ako ng main exit ng hospital nang batiin ako ng security guard.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

music noteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon