Ipinagbukas ako ng pinto ng kotse ni Miguel at umikot siya sa kabilang side.
Bago pumasok sa loob, may kinuba pa siya mula sa likuran."For you!" sabi niya at iniabot ang isang piraso ng pink rose na may ribbon sa akin.
wow! may pa bulaklak si Mayor.
"Saan galing to? Magic ah!" biro ko habang nakangiti. "But thank you!" habol na sabi ko.
"Ah, kasi-naiwan sa kotse ko yung dapat na ibibigay ko sayo, kaya-yan na lang muna." paliwanag niya.
ay! may explanation? aasa na sana ako!
Ini-start niya ang kotse.
"I-on ko yung player ha?" malambing na sabi niya.
Tango lang ang isinagot ko.
Tumugtog ang Upuan by Ben and Ben.
Intro pa lang ng kanta nagulat siya."Ah. Nasa playlist mo pala?" sabi niya.
"Syempre, I'm a Fan. Bet, I am the luckiest fan." birong may pag mamayabang.
Para mafeel niyang proud ako.Natawa siya ng very light.
Upuan / Ben&Ben
"Mata'y 'di maipikit
Nang 'di ka naiisip
Ang utak, nilalaro
Ang hugis ng puso ko
Upuang magkatabi Mayro'n bang kahulugan? Kaibigan o pag-ibig Ano ba'ng nararamdaman? Nahuhulog na ako Nahuhulog na sa 'yo Nahuhulog na ako Nahuhulog na sa 'yo Isang tingin mo lang, tapos na ang usapan Isang tingin mo lang, nahulog sa upuan Isang tingin mo lang, tiyak na sa isipang
Isang tingin mo lang, hanggang du'n na lang ako"timing yung lyrics ng song. heart. heart.
"Alam mo yang song na yan? Si Pao ang sumulat niyan. One time, bumili siya ng tubig sa convenience store, tapos nung bumalik siya, sobrang nagmamadali, naghanap agad ng sulatan, yun pala may lyrics na sa isip niya. Tapos that day, ginawan na ng tono, tapos inareglo, ayun, nakabuo kami agad ng isang song." proud na kwento niya, tungkol sa kakambal niya.
Sa observation ko, love na love niya yung kakambal niya.
"Super close kayo ng kapatid mo no? Ang saya siguro nun? Only child lang kasi ako." kwento ko naman.
"Saya? Oo, masaya para kang may kalahati na physically siyang buhay. Yung ganun? Hindi lang reflection." paliwanag niya sa akin.
"May kalaro ka tapos may kaaway din, may kakampi ka sa lahat at dadamayan ka sa lahat." sabi pa niya.
lyrics yan?
"Ang ganda nung rhyme noon ah." biro ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya bahagya, inisip yung nasabi niya, at pagkatapos ay nagtawanan kami.
"Ako, wala akong kapatid or kakambal pero si Kairel, yung bestfriend ko, tinuring ko na siyang kapatid at kakambal. Mula pa kasi noong maliliit kami, magkasama na kami." kwento ko naman sa kanya.
Tumatango tango lang naman siya bilang tanda na nakikinig siya habang nagmamaneho at nakatingin sa daan.
Sa iba't ibang topic na napag usapan namin, lumipas ang oras. Nalaman ko na super close nga ng family nila, na kahit malayo ang agwat ng edad nila sa ate nila ay para silang magkakaibigan lamang. Nalaman ko din na, hindi sila napalaki sa luho, noong mga bata pa sila, minsang nagsabi sila sa magulang nila na gusto nilang magkaroon ng gitara, they earned it hard at iisa lang ang binili for them kaya sanay sila magkasya sa kung ano lang ang meron, at lahat nang meron sila ngayon ay talagang pinaghirapan nilang makuha.
Nakarating kami sa hospital ng hindi namamalayan ang bilis lumipas ng oras kapag nalilibang ka, nang makapag park siya at itinaas ang hand break, nagsalita si Miguel.
"So —paano na?" sabi niya na nakatingin sa akin.
"Ha? Ahm, thank you sa pag da-drive." sagot ko agad.
"Bawi ka nexttime ah!" bigla niyang sabi, na parang nabigla din siya sa sinabi niya.
"I mean, hindi ko pa naibigay yung hinihingi mo, so, I thought see you again nexttime?" patanong na dugtong niya."Ah sige! Paano ba ako makakabawi? Ako magdrive nexttime?" pabiro kong sagot.
"Hmn —pwede, pwede!" sabi niyang tumatango pa.
Bumaba na kami ng sasakyan.
Iaabot na niya yung susi ng kotse ko ng sabihin niyang "Sunduin mo ako bukas?" habang nakangiti na abot tenga.Nag slow motion ako bigla.
"Wait lang? Biro lang ba niya iyon?""Ha?" nakakunot noo na sabi ko.
At nagtawanan na naman kami."Hindi, joke lang. Sige, pasok ka na." bawi niya.
"No. Ahmn, sige —anong oras tapos ng photo shoot niyo? I'll pick you up." nakangiti at kalmadong sagot ko.
wew! buti nasabi mo?
"Ah. Tawagan kita? —Number mo?" parang nahihiyang tanong ni Miguel, habang inaabot ang cellphone niya sa akin.
Inabot ko yung cellphone niya at nagtype ng cellphone number.
Pagka kuha niya ng cellphone, pinindot niya ang dial button, dahilan para mag ring ang phone ko. Itinaas ko ang phone ko para makita niya.sigurista.
"So —see you tom?" pag confirm niya.
Tumango ako.
"Nga pala, paano ka uuwi ngayon?" tanong kong may pag aalala.
"Ha?" sabi niya na napahawak pa sa batok niya habang nag iisip ng isasagot.
Parang sa mga oras lang na yun niya naisip kung paano nga siya uuwi, gayong wala siyang sasakyan."Ako ng bahala, don't worry." confident niyang sabi.
"Sige na, pasok ka na." mabilis na dugtong niya at shinake pa niya ang kanyang kamay, pushing me to go inside already."Sige. Ingat ka." pagpapaalam ko at kumaway ako ng bahagya.
"I will." nakangiti siyang kumaway sa akin.
Tumalikod na ako para maglakad.
Nang malapit na ako sa entrance door, lumingon ako ulit, nakita ko pa siyang nakatayo kung saan ko siya iniwan.
Kumaway ako ulit bago tuluyang pumasok sa pinto.ayaw mo ding iwan no?
Sino mag aakala na mangyayari ang araw na ito. Gusto kong makita si Kariel at magpasampal, baka nananaginip lang ako.
Nagmadali akong maglakad para makaabot sa comfort room.
Pagka pasok ko, sinilip ko bawat cubicle kung may tao. At nang masiguro kong walang tao, tsaka ko pinawalan ang malakas na tili na may pagpadyak pa.
Naghilamos pa ako ng mukha para magising kung sakali mang nananaginip ako.Pero hindi! Totoong nangyari ang lahat.
magpapasalamat na ba ako kay Lord?
BINABASA MO ANG
music note
RomanceBelle Mateo, a young professional doctor who specialized in helping mothers brought angels on this earth. She was intertwined and fell in love with her musician idol that gave her a meaningful life. Let's all find out if their love for each other i...