Nakalahati ko pa lang yung tatlong lamesang pagitan pero nasa harap ko na si Miguel Benjamin.
Sinalubong niya ang mga mata ko, bahagya akong napahinto at napa atras. Seryoso ang mga mata niya at nakakatakot ang kanyang boses na may seryosong tono."Let's go outside." may galit na bulong niya.
Napatulala ako, parang nanigas at hindi alam ang gagawin, kaya hinatak na niya ang kamay ko palabas.
Sa fire exit kami lumabas.
Bulto ng basura ang bumungad samin. Nilakad namin ang makitid na daan sa pagitan ng pader at ng restaurant.
Sa likod ng bakod na iyon, nandoon nakaparada ang kotse niya.
Pinindot niya ang susi ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto.Tahimik akong sumakay sa kotse niya. Medyo nahihilo na kasi ako dahil sa epekto ng alak na nainom ko kanina.
"So, double date?" bigla niyang tanong pagkasara ng pintuan ng sasakyan.
"Ha?" nabigla talaga ako sa tanong niya.
"Hindi mo naman sinabing may boyfriend ka na pala." malumanay ngunit naninitang sabi niya.
"Wala akong boyfriend, pinakilala lang ni Vince yun, kanina lang. Bagong surgeon sa hospital na anak ng may ari ng isang hospital. Naawa siguro siya kasi nalulung-" naputol ang sinasabi ko dahil biglang tumunog ang cellphone ko.
"Si Kairel. Baka hinahanap na ako." sabi ko bigla. Hinanap ko ang cellphone ko sa bag at ipinakita ko sa kanya ang nasa screen ng cellphone ko.
Hinablot niya ang cellphone sa kamay ko at nagtype ng mabilis sa message box for emergency text.
"Bes don't worry. He will bring me home safely."
Sent."Anong ginawa mo?" sabi ko sabay bawi sa cellphone ko pagkakita ko ng nakatype sa screen.
Pero nasend na niya ang text message at pina andar na niya ang sasakyan.
Nagtataka akong tumingin sa kanya ngunit blangko pa din ang nakikita ko sa mga mukha niya habang naka focus ang mga mata sa daan."Kumain ka na? San mo gustong kumain?" bigla niyang tanong matapos niyang tumahimik ng ilang sandali na parang nakalimutan na kaagad ang ginawa niya.
"Ayoko." matipid na sagot ko.
Nakakaramdam na ako ng antok dahil sa epekto ng alak na nainom ko kanina, kung hindi lang siya biglang nagsalita, siguro ay lumalim na ang tulog ko. Marahil napansin niya ang pungaw ng mata ko kaya nagtanong ulit siya.
"Coffee? Magkape na lang muna tayo." yaya na naman niya.
"Bakit ang kulit?" inis na naisip ko.
"Ayoko." matipid na namang sabi ko.
"Patulugin mo na ako." bulong ng isip ko.
Nakatingin lang ako sa daan. Hindi ko alam kung bakit lalo akong inaantok sa playlist niya.
Siguro dahil gusto ko talaga ang mga music or songs nila kaya feeling relax ako.
Tumakbo sa isip ko ang lyrics habang tumutugtog ang Ours by BenandBenAnother love, another loss is gone
Another night, another day is done
I'd be the last one to deny
That it's so hard to be aloneI came across a gentle melody
Love allowed it, so I let it be
Why'd it take so many seasons
Now I found a reason to live forThis is oh-oh-oh-ours (oh, oh)
This lo-oh-oh-ove (oh, oh)
From the sta-ah-ah-ars, we are aboveOh-oh-oh-ours is a different
Kind of lo-oh-oh-ove
Find our names up in the sta-ah-ah-ars
From the sky, we are aboveThere are songs I haven't figured out
The one of ours I think I know by now
We go on and on, and on
With the flow, we go along, yeahSumasabay ang isip ko sa kanta, hanggang hindi ko na maalala kung saan ako banda nakatulog.
⚪⚪⚪⚪⚪
"Hello, good morning Ms. beautiful!" masiglang bati ni Miguel pagpasok ko sa pinto.
"Goodnight, Miguel Benjamin." antok na sabi ko naman sa kanya.
Galing akong night shift, pagod na pagod ang pakiramdam ko. 11am na sa orasan kaya lowbat na talaga ako. Kadadating ko sa bahay, at pinagbuksan nga ako ni Miguel ng pintuan
"Hay, magkaiba talaga tayo ng body clock. Namiss kita." sabi niya at binuhat ang mga dala kong gamit.
"Miss you too" matipid na sagot ko, tsaka ibinagsak ang katawan sa sofa pagkatapos maghikab.
"Kumain ka muna sana bago ka matulog. Then, turn your phone in airplane mode para makapahinga ka talaga. Okay?" sabi niya at kinuha ang cellphone ko para i-airplane mode.
Tumabi siya sa sofa at hinihilot ang kamay ko.Sasagot na sana ako nang magsalita siya ulit.
Ang saya ng mood niya. Ano kayang nangyaring maganda?"Ay, no!" sabi niya bigla na parang may naalala.
"Call me later, when you're awake. Then -I'll pick you up!" dugtong pa niya."Ha? Why?" curious na tanong ko habang nakatingin sa kanya.
Inayos niya ang buhok ko na malapit sa tenga at dahan-dahan niyang pinaglalandas ang daliri niya sa pisngi ko habang nakatingin kami sa isa't isa.
"May date tayo mamaya." bulong niya sa tenga ko.
Ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya, habang mabagal siyang nagsalita, pati ang amoy ng bibig niya na halatang mint flavor ang toothpaste na ginamit niya, ay nalanghap ko at ang relaxing na amoy ng moisturizer niya sa mukha na humahalo at nagbibigay kagwapuhan sa kanya ay naamoy ko din.
shet! ang hot!
Nadadala ako sa init ng sensasyon mula sa aking kanang tenga. Bahagya kong pinihit ang aking ulo pakanan, dahilan para maidikit ang labi niya sa pisngi ko.
Dumampi ang mainit at basang labi niya na nagbigay ng init sa buo kong katawan.
"Can I kiss you?" halos puro hangin ang lumabas sa bibig niya sa tanong niyang iyon.
Nakikiliti ako sa mainit niyang paghinga sa lapit ng mga mukha namin sa isa't isa.Girl! Finally!
"Hindi mo alam Miguel Benjamin kung gaano ko katagal hinintay to. Pakiramdam ko nasa langit na ako. Kung last day ko na ito, pwede na din, masaya naman ako! Kung panaginip to, sana wag na akong magising." bulong ng isip ko habang naghihintay sa pagdampi ng labi niya.
Wait! Panaginip nga lang ba ito?
No!" sigaw bigla ng isip ko.Napamulat ang mga mata ko sa pagkabigla, unan pala ang kayakap ko.
Tinitigan ko ang kisame, inikot ko ng tingin ang sulok ng kwarto hanggang sa kung saan ang abot ng mata kong tingnan habang nakahiga.
Nagulat ako at napaisip."Teka, nasan ako? Hindi ko bahay to!" gulat kong sabi sa sarili.
BINABASA MO ANG
music note
RomanceBelle Mateo, a young professional doctor who specialized in helping mothers brought angels on this earth. She was intertwined and fell in love with her musician idol that gave her a meaningful life. Let's all find out if their love for each other i...