Isang Tanong (Chapter 19)

6 0 0
                                    

In all fairness, nakisama ang panahon ngayon, hindi kami toxic sa duty. Actually, naka idlip pa nga ako for 15 minutes. Saktong recharge bago gumala mamaya. Hindi maalis ang excitement ko dahil si Miguel halos samahan ako sa buong duty ko. Wala syang sawang nakipag video call sa akin.
We talked about everything under the moon, (moon, kasi night time na, charot!)
random topics to know ourselves better.

I remembered sinabi ko sa kanya,
"What if one day, I died? Pwede kang umiyak, pero huwag kang maging malungkot. Just look at the moon, and always remember, hindi ako lalayo sayo." korny kong sabi.

Tumawa lang siya.
"Marami ka pang angels na makikitang lalaki at magbibigay saya sa mga magulang nila, hindi ka pwedeng mamatay ng maaga." sagot niya.
"Hindi lang ako magiging malungkot, kundi hindi na nila ako makikitang ngingiti, dahil kulang ako kung wala ka." dugtong pa niya.

"Ewan ko sayo." nakangiting sagot ko.

kilig!

Nang matapos ang endorsement ng mga pasyente para sa next team of duty, nagbihis ako kaagad. Dumaan ako sa clinic para kuhanin ang ibang gamit ko. Malayo pa lang natanawan ko na si Miguel na nakangiting kausap si Marga.

"Hi!" bati ko kay Miguel at bumeso sa kanya.
Iniabot nya ang ikatlong coffee cup mula sa take out box.

"Thanks! Ay teka bakit apat yan?" tanong ko agad sa kanya.

Hindi ko ba alam kung bakit masyado akong observant sa mga bagay. Sabi nila skill daw talaga yun ng mga doctor, pero para sa akin, mula bata ganito na ako, kaya siguro napipili ko ang mga taong madali kong makapalagayan ng loob.

"Kay Doctora Bea yan! Naku Ms. Belle, ikaw lang ang 'pipiliin niya araw-araw' Hindi ba? Kaya chill ka lang." may panunuksong sagot ni Marga.

"May ganern? Issue yan Marga, tigilan mo na." kunwaring pagtataray ko na may pagtaas pa ng kilay, dahil sa panunukso ni Marga.

At saka nagtawanan kaming tatlo ng mahina.

Hindi rin nagtagal nagpaalam na kami kay Marga at sumakay sa sasakyan niya.

"Saan pala tayo pupunta? Parang ang dami mong dalang gamit?" curious na tanong ko pagsakay ko sa sasakyan. Napansin kong hindi lang pala trunk ng sasakyan niya ang may laman kundi pati ang back seat.

"Plano ko sanang itanan ka na, kaso baka hindi ka naman sumama." nakangiti at pabirong sabi niya habang panandaliang sumusulyap sa pagmamaneho niaya.

Tanan? Bakit parang na excite ako sa narinig ko?
Dumagdag pa sa excitement ko ang tumutugtog na kanta.

Ilang tulog na lang by Ben and Ben
"Bukas, ang sulat ko'y iaabot, laman nito'y 'wag ilagay sa limot
Kalawakan ko ang 'yong kamay
Bukas, ang sampaguita kong napulot ay ibibigay sa 'yo, oh, irog
At mga diwa natin ay hindi na mawawalay"

"Iiwan mo ang lahat para sa akin?" naninigurong tanong ko.

"Bibitawan ko ang mga takot at duda ko - at sisikapin kang mapasaya habang buhay." seryosong sabi niya.

OMG! ikaw na gurl!

Gusto kong tumalon ng sasakyan at tumili ng malakas. Pakiramdam ko ako na talaga ang pinaka magandang babae sa buong bansa.

Binibining Pilipinas ang peg?

"Lyrics ng song yan ano? For sure!" biro kong sagot.

Basag ang banat ni Lodi.

Pero mukhang seryoso siya, bahagya lang siyang ngumiti sa sinabi ko, pagkatapos ay nag focus na sa pagmamaneho.

Nakarating kami sa isang hiking trail ng isang bundok somewhere in south.

music noteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon