Pakiramdam (Chapter 7)

21 0 0
                                    

"Okay! So that's our last song for today, thank you for listening everyone, please follow us in our youtube account, facebook, twitter, and instagram at Ben and Ben House. Salamat Liwanag!" paalam ni Miguel sa last session nila.

Bumaba na ang band at nagligpit ng gamit sa dressing room.

"Uy Migs, saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Paolo.

Si Paolo Benjamin, ang twin brother ni Miguel Benjamin. Identical twin sila kaya sa unang tingin hindi mo agad masasabi ang pinagkaiba nila.

"Ha? Kay Poch ka muna sumabay may pupuntahan lang ako." paalam ni Miguel at nagmamadaling lumabas ng dressing room.

Si Poch lead guitarist ng band, matalik na kaibigan ni Miguel.

"Nangyari dun? Sabi niya manunuod kami ng Money Heist." may pagtatakang sabi ni Paolo.

Money Heist is a spanish series about money laundering.

"Baka may date?" pabirong sabi ni Poch.

"Pansin ko nga, laging may kachat, 'di na binitawan ang cellphone." seryosong sagot ni Paolo.

"Baka may i-meet lang na producer, ikaw talaga, biro lang yun." bawi naman ni Poch.

"Hindi. Iba talaga feeling ko. Sabi ni Sir Nards, focus muna kami. Tapos..."seryosong sabi ni Paolo habang nakatayo at nakatingin kay Poch na akmang binubuhat na ang mga gamit.

"Tara na?" pangdededma ni Poch sa sinabi ni Paolo.

Sabi nga, hindi pwedeng lahat ng biyaya ay masalo mo. Kung successful ang career madalas walang lovelife, kung may lovelife naman medyo challenging ang career. Mahirap pag sabayin, dahil parehong dapat mong paglaanan ng oras.

"Hellooo" nakangiting bati ni Miguel sa babaeng nakaputing gown, naka face mask, at may aparato na nakasabit sa leeg, nang salubungin niya ito bago pumasok sa pintuan ng kwarto.

"Uy, Migs! Nandito ka pala? Kanina ka pa ba? Sorry ah, medyo marami akong pasyente today." mahabang sabi ng babae sa kanya.

Pumasok sila sa silid.

"Sabi ko na, bagay sa table mo to." sabay lapag ng halaman sa lamesa.

"Ay! Ang ganda namang succulent na ito. Thank you!" masayang sabi ni Belle.

"Kumain ka na ba? Let's grab something sa cafétearia late na so, wala nang masyadong tao doon." yaya ni Belle kay Miguel.

Mabilis na nakapag palagayan ng loob ang dalawa. Palibhasa, halos gabi-gabi o kaya naman ay kapag may mga free time sila, palagian silang magka chat. At hindi na rin bago sa mga katrabaho ni Belle na dumadalaw si Miguel sa kanya kung minsan.

Para kay Miguel, ang makilala si Belle ay isang karangalan, mabait at masayang kausap ito. Matalino, maraming nalalaman sa mga usapin sa buhay at magkatugma ang mga bagay na pinaniniwalaan nila. Marami din silang nadiskubre sa isa't isa na hindi nila akalaing magkapareho pala sila. At kahit noong mga panahong hindi nakausap ni Miguel ang babae, para unahin ang pamilya at trabaho ay hindi naman ito naalis sa isip niya.

(flashback: nangyari in that 14 days absence)

"Migs, tingnan mo nga kung okay na ito?" tanong ni Paolo habang pinapakita ang papel na may sulat ng lyrics ng kanta.

12 midnight na noon nasa kwarto silang magkapatid at tinatapos ang isang kanta. Isasama nila ito sa ilalabas nilang bagong album.

"Uy!" pangungulit ni Paolo.

"Wait lang." sagot naman ni Miguel habang nakadapa at nakatutok sa hawak na cellphone.

"Tapusin ko lang lahat ng ito at dadalawin kita." bulong niya sa isip niya habang nakatingin sa litrato nila ni Belle sa cellphone niya.

music noteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon