Sa buong byahe namin ni Miguel, wala na siyang ibang tinanong kung ayos lang ako, masakit pa ba ulo ko, at ang huli niyang sabi ay matulog na muna ako, para makapagpahinga.
Wala naman akong maisagot kundi iling o tango. Para manahimik siya pinilit kong ipikit ang mga mata ko. Pero hindi ako makatulog, paulit ulit lang sa isip ko yung mga narinig ko kanina.
"Distraction? Paano ang ibang nuggets?
Is it wrong timing or really not meant to be?
Okay fine! He needs to focus on his career. I can't afford to destroy their dreams, malinaw na friend lang ako ni Miguel or maybe I'm just a fan! Simple as that!" yan ang mga salitang parang echo na umuulit ulit sa isip ko.Nalulungkot akong isipin at nasasaktan na kahit gustuhin kong maging more than a fan or a friend ang turingan namin ni Migs ay hindi pwede. It's a big no, or not now.
wag selfish.
Nagmulat ako ng mata, nangingilid ang mga luha ko. Hindi ko naiwasan ang tingin ni Miguel. Nahalata kong parang nagtaka siya, at hinawakan ang kamay ko.
"Ininom mo ba yung hang over kit? Kaya mo bang pumasok? Huwag ka na kaya munang magduty?" sabi niyang kariringgan mo ng pag aalala.
"Mabuting isipin niyang sa hang over lang ito." bulong ko sa sarili.
"Hindi, wala ito. Sumasakit lang mata ko kasi hindi ko natanggal yung contact lenses ko kagabi." malumanay na sagot ko.
"Mataas na ba grado ng mata mo?" tanong niya.
"Medyo." matipid na sagot ko.
"Ako, yung sa akin, mataas na grado ko." pagkwento niya.
"Ahm— alam mo para kang eye glasses ko." sabi niya bigla habang nakangiti."Ha?" sagot ko namang naguluhan sa kwento niya.
"Kasi — I can't see my future without you!" banat niya at tumawa ng malakas.
Korny man ngunit alam kong pinipilit niya lang akong pasayahin. Nararamdaman niya sigurong nagbago ang mood ko.
Uy, effort!
Sa sarap ng tawa niya, nahawa na din ako sa pag tawa. Gumaan ang mood ko kahit paano noong makatawa ako.
This guy really know how to please me, kahit hindi kami madalas mag usap o magkita, nagkakaintindihan ang mga puso namin.Nakarating kami sa isang compound ng mga condo building.
Nasa parking lot na kami ng unit na tinutuluyan ko. Malapit lang ito sa hospital kung saan din ako nagtatrabaho."Thank you sa pag hatid ngayon, ingat ka pauwi." paalam ko sa kanya.
Ngumiti lang siya bilang sagot. Parang may kung anong hinihintay siya.
"Ahmn —sorry hindi na talaga ako mag offer for coffee or water ha? Kasi actually kulang na yung time ko to prepare for my duty." habol na paliwanag ko.
Pero sa totoo lang gusto ko siyang yayain umakyat. Pakiramdam ko kasi ito na ang huli naming pagkikita. Kaya lang baka hindi ko siya mapakawalan kapag ginawa ko yun.
enough na.
"Ah —I can wait here. Ihahatid na din kita sa hospital. Go, magbihis ka na." sabi niyang nakangiti pa rin.
"Sa totoo lang hindi ako nakipag palit ng duty schedule, kundi nagpa relieve na ako dahil iba talaga ang pakiramdam ko." sagot ng isip ko.
"No, but thank you! Sabay na kami ni Kairel papasok mamaya." sagot ko sa kanya.
"Ah. So? Can I call you later? Para hindi ka antukin, you can talk to me." nakangiti pa din niyang sabi at hinawakan ang kaliwang kamay ko.
"Ahm— Migs, if it happens na you'll not be able to reach me via call, always think that I'm just busy helping angels to be born in this world. Okay?" sabi ko at tumigil ako para huminga ng malalim.

BINABASA MO ANG
music note
RomanceBelle Mateo, a young professional doctor who specialized in helping mothers brought angels on this earth. She was intertwined and fell in love with her musician idol that gave her a meaningful life. Let's all find out if their love for each other i...