Pamamaalam (Chapter 13)

5 0 0
                                    

"Ikaw! Wag mo ngang pinag tatanggol. Hindi mo pa naman siya kilala. Don't be fooled by an angelic face, it's dangerous." naiinis na sabi ni Mads.

"Sorry, hindi kasi ako judgemental, and it's just — magaan ang loob ko sa kanya, like a "future sister-in-law". And mukhang masaya si Miguel, so what's the problem? Selos ka, 'cause there will be some new girl sa family?" nakangiting sagot ni Dy.

"Of course not. But come to think of it, si Salamanca ang kasama niya, then nag passed out sa bar, mabuti nga nandoon si Miguel. Yeah, I've been drinking a lot in different bars and getting drunk too, but I made sure I can get home safe and sound. You know how I hate irresponsible drinking." litanya na naman Mads.

"You're right about self negligence, but you didn't realize, he's Salamanca, 'the known playboy'. If she's associated with him how could Miguel bring her home?" sagot ni Dy.

Hindi agad nakasagot si Mads at nag isip.

"But why does she come with Miguel if friends lang sila? Go with flow lang ang peg?" nagtataka pa din na sabi ni Mads.

"I think Miguel was being kind and offered her a ride, but do you think she'll take the ride, because she's drunk, can't you notice, she seems like she isn't that type of girl. If so, why would Miguel confidently bring her to this house? Miguel really knows you." nang aasar na sabi ni Dy.
"Unless may ibang motibo si Migs, knowing the fact that he doesn't drink last night and completely sane to drive her home but instead dito niya dinala?" dugtong pa niya.

"Hey! You must know how Migs treats a lady. He's a big gentleman, hindi siya ganoon, but unless — she likes her that much?" naguguluhang sabi ni Mads.

"Shhh! You're both noisy. Mamaya marinig nila kayo." saway naman ng mama nila.

May dala itong slice ng cake at tumabi sa dalawa. Nasa veranda sila na karugtong ng kitchen. Magpapaalam na sana si Belle para umuwi ngunit hindi niya naiwasang mapakinggan ang usapan.

"Enough of that, alam na ng twins ang ginagawa nila, matanda na sila for you ate Mads to worry. And I know hindi na mauulit ang dati." dugtong pa ng mama nila pagka upo sa upuan.

"That same angelic face? Do you think Mom, hindi na sila magkakagulo?  Paolo is still recovering from that heartache. And I thought they need to focus on their career, no lovelife for a while, right Dy?" pag siguro ni Mads.

"Basta ang sigurado ako, matured na magisip ang kambal. Yung pagiging tahimik kanina ni Pao, hindi yun associated sa dalawa. Because ang kwento ni Miguel, some random situation sila nagkakilala ni Belle and ngayon lang nakita ni Pao yung doktora. So, there's no conflict. And they were'nt official, so, it's too early to worry. Plus, the lady is likeable." sabi ng ina.

"That is why I'm worried Mom, no one owns her. Paano kung along the way maulit yung dati, that controversial love triangle? And Mom, you know how demanding their schedule is right now, they can't afford distractions, especially Miguel as he acts as the leader of the band, he has a lot on his plate. Thinking about potential problems worries me more, their dreams will be ruined if something happens, paano na ang ibang mga nuggets?" paliwanag ni Mads.

"Distraction? Ako?" bulong ni Belle sa sarili.

against all odds.

"Dahil sa band bumalik na ang sigla ni Paolo — naging busy siya in other things. Actually, sa dami nilang gigs and shows hindi na alam ang uunahin. You are right, hindi mahaharap ni Miguel ngayon yan. But then, maybe he just needed some inspiration to write some songs." positive na sabi naman ni Dy.

Nagvibrate ang cellphone ni Belle kaya nawala ang focus niya sa pakikinig.

"Si Miguel? Bakit kaya?" bulong sa sarili.

Lumakad siya pabalik ng  kwarto, para sana sagutin ang tawag ngunit nang bubuksan na niya ang door knob ng pintuan, lumabas si Paolo sa katapat na pintuan. Tila inaabangan nito ang pagpasok niya sa kwartong iyon.

"Can I talk to you?" sabi nito.
Tumango si Belle bilang sagot.

Binuksan ni Paolo ang pintuan sa kwarto ni Miguel at umupo sa kama. Sinenyasan naman niya si Belle na umupo sa study chair ni Miguel.

"Ahm — I'm just a fan, nothing to worry." sabi agad ni Belle na itinaas pa bahagya ang mga kamay, tanda ng pagsuko.

"—I'm honest with you. I know your band had just started. There are these 7 nugget heads who are hoping that you can make it big. Of course, surely you can! They are also professionals but since they love music that much — they trusted you (the twins) and —yet Miguel can't resist distractions. Yeah! Distractions." inulit ni Belle ang sinabi at umikot pa ang mga mata ng dalaga, sa sarkastikong tinig.

"Well — so, don't worry, I am educated, and I understand things and I don't want to ruin whatever things are there, it's just a mistake. —Anyway, it would be the last time that you will see me. Promise. Ahm, by the way it was pleasant to meet you and your family." dugtong pa na sabi ni Belle kay Paolo at inilahad niya ang kamay sa kaharap na lalaki.

Parang lumala ang sakit ng ulo ni Belle dahil sa mga sinabi niya. Pasimpleng napahawak pa siya sa sintido niya.
Malamang na tumaas ang lebel ng adrenaline ni Belle kaya tuloy tuloy siyang nagpaliwanag kay Paolo. Habang ang lalaki ay napangiti naman at parang natuwa sa ginawa at mga nasabi niya.

"Okay—then crystal clear." nakangiting at tatango tangong sagot naman ni Paolo, na inabot ang kamay ni Belle.

Nagulat si Belle sa sagot ni Paolo. Ang buong akala niya ay sisitahin siya ng kakambal ni Miguel. Nawala ang kaba niya at parang nakahinga ng maluwag.

Nagvibrate ulit ang cellphone niya, si Miguel ulit ang tumatawag. Binawi niya ang kamay niya at dalawang beses na lumingon lingon sa cellphone niya na walang tigil sa pag vibrate at pag ilaw, kaya napatingin na din si Paolo, napansin siguro nitong nag aalangan sumagot ng tawag si Belle, kaya tumayo na ito at naglakad palabas. Hindi na nasagot pa ni Belle si Paolo dahil naguguluhan pa din siya sa mga rebelasyong kanina'y narinig niya.

"By the way, nice meeting you. You really are beautiful and smart, so no wonder." habol na sabi ni Paolo bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Nagulat siya sa sinabing iyon ni Paolo, ngunit hindi na niya pinansin pa.
Pagka sara ng pintuan, sinagot niya ang tawag ni Miguel.

"Hello? Yes? Im sorry hindi ko nasagot agad." paliwanag ni Belle sa kabilang linya.

"Ah—sasabihin ko lang sana na nandito lang ako sa labas, kung uuwi ka na. Pero mas okay sana kung hindi ka pa umuwi." malambing na sabi ni Miguel.

Parang nakuha niya sa mom nya ang tono ng lambing sa pagsasalita.

"Ah, sorry, I need to go. Kailangan ako sa hospital." malumanay na sagot ni Belle kahit na magulo ang isipan niya.

malumanay o malungkot?

Pakiramdam ni Belle huli na nga talaga nilang pagkikita ni Miguel iyon. Ayaw naman niyang makasira ng pangarap at ng pamilya dahil lang sa gusto niyang makasama ang taong mahal niya. Para kay Belle importante ang opinyon ng pamilya sa relasyon ng magkasintahan, dahil kung sa una pa lang walang gulo, mas magiging masaya ang pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan.

"I understand. Sige, tara magpaalam na tayo kila Mom and Dad." sabi ni Miguel at pinatay na ang tawag.

music noteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon