Panunuyo (Chapter 15)

3 0 0
                                    

(after 1 month)

"Hello my dear angel, did you eat already? Please don't skip meals! I miss you!"

"Do you have time? Look at the moon...indeed! It's beautiful like you my love."

"Hi! Sorry if you can't sleep, I can't help myself thinking about your smile."

"Hey sunshine, the weather is really nice today, hope you're fine."

"The rain keeps pouring, seems like it felt me. Anyway don't get sick or else I'm gonna fly there."

Ito ay ilan lamang sa messages na natanggap ko mula kay Miguel after namin mag usap sa loob ng kotse niya sa parking lot ng condo unit ko. Kahit mahirap para sa akin I decided to stop replying to these messages and made myself busy at work dahil may usapan kami ni Kairel na kakalimutan ko na si Miguel.

Nagkataon toxic sa hospital because of some diarrheal disease due to rainy season at dumagdag pa ang dalawang linggo kong pagstay sa bundok for community duty kaya lalo akong nagkadahilan na makalayo kay Miguel.

Ang buong akala ko pagbalik ko mula sa bundok ay simula na ng bagong mundo ko. Ngunit hindi ko inakala na yun pala ang simula ng araw-araw na panunuyo ni Miguel.

"Doktora, uuwi na po kayo?" tanong ng security guard nang masalubong niya ako malapit sa lobby.

"Ah, yes sir. Bakit po?" nagtatakang sabi ko.

"Kanina pa po kasi kayo hinihintay non." sabi ng security guard sabay turo sa lalaking nakaupo sa lamesa ng security department sa lobby area at nakasandig sa pader na nahulog pa ang ulo dahil sa pagkaidlip.

Napailing na lang ako sa nakita ko.

Sinisimulan niya sa pagsundo at nagtapos sa paghatid ang araw ng panunuyo ni Miguel.
He's very willing na maghintay lalo kapag na extend ang duty hours ko, due to some emergency cases.
Hindi pa nakuntento at noong minsan nang abala pa ng ibang tao.

[Paging tone] "Calling the attention of Dra Belle Mateo from OB GYN Department, please proceed to Emergency Room A.S.A.P"

Kapapasok ko pa lang sa clinic room ni Kairel noon, sabay sana kaming kakain ng aming late lunch dahil parehong natagalan ang surgery na ginawa namin ngunit wala pang limang minuto mula sa pagkakaupo ko sa malambot niyang couch, tinatawag na ako sa E.R.

"Bestie, may patient ako. Sorry, mauna ka ng kumain ha?" nagmamadaling paalam ko at tumakbo ako papuntang E.R.

Dumiretso ako sa nurse station katapat ng information desk upang tanungin kung nasaan ang pasyente.

Itinuro naman yung nakasarang hospital drape.

Paghawi ko sa drape nagulat ako.

"Belle I'm sorry. I am really sorry. Ito kasing si Miguel, akala mo mamatay kapag hindi ka nakita." mabilis na paliwanag ni ate Dy. Naka cross fingers pa siya habang nagsasalita at nakatayo sa gilid ng hospital bed.

Habang si Miguel ay naka upo sa hospital bed katabi ang isang boquet ng bulaklak at isang box ng cheesecake. Nakangiti at tila isang batang nagpapa cute sa crush niya.

"Ikaw kasi, tinitiis mo ko masyado. Nakakabaliw kaya." sabi pa niya.

Hindi ako nakapag bigay ng reaksyon dahil biglang hinila pabukas ang drape ng E.R resident doctor at nang asar pa ito.

"Uy! Si Ms. Belle luma-love life." malakas na sabi niya
"Sana all!" halos sabay na sabi naman ng mga nurse na nakatingin sa amin.

Pakiramdam ko sinampal ako ng sampung beses dahil sa sobrang init ng mga pisngi ko at sobrang pula ng mga ito.

Hindi nakakalimot si Miguel to always make sure that I don't skip any meal in a day lalo kapag I'm on duty.

"Doctora, pinabibigay ng prince charming mong nasa Cebu dahil may concert daw po siya. Ayaw daw niyang nalilimutan mo ang pagkain kapag naka focus ka sa trabaho. Hmn!" pakunwaring sarcatic na sabi ni Marga ang assistant niya sa clinic ngunit sa totoo lang ay nang aasar ito dahil sa 'lihim' na mga gawa ni Miguel para suyuin siya.
Madalas itong humiling ng favor kay Marga na kapalit ng mga 'selfie' nila kapag dumalaw si Miguel sa clinic.

Kung minsan bigla siyang mag surprise visit sa unit just to bond with me basta makahanap ng pagkakataon.

[Doorbell tone]

"Ang bilis yata ng delivery ngayon?" bulong ng isip ko. Dali dali kong tinapos ang paggayak ng sarili mula sa banyo. 

"Wait lang po!" sigaw ni Belle at inabot niya ang wallet mula sa kanyang bag.

Binuksan ni Belle ang pintuan ng unit at laking gulat niya kung sino ang nakatayo sa labas ng pinto.

"Hellooo! Ngayon ang launching ng partnership ng works ni J.K Rowling with Netflix, so naisip kong makinood dito." masiglang bati ni Miguel na may dalang popcorn and burger sandwich with soda.

"Ahmn, ipasok ko na ito sa loob ha?" dugtong pa niya at mabilis na pumasok.

Hindi na tumutol pa si Belle, marahil ay nais din niyang makita ang binata. Kinapalan na ni Miguel ang kanyang mukha at ginawang komportable ang sarili sa unit ni Belle. Inayos niya ang mga dalang pagkain ganoon din sa operation ng television at sabay silang nanood ng palabas. 

Kahit kabi kabilaan ang mga projects ni Miguel, basta makakita siya ng pagkakataon ay sinisiguro nito na makausap si Belle kahit sandali within that day.

[video call]

"Nandito ako sa dressing room, kumuha na lang ako ng food ko. Kumain ka na?" sabi ni Miguel.

"Uy, ano ka ba? Mamaya magtampo mga kasama mo, hindi ka na sumabay kumain sa kanila. Yes po, tapos na akong kumain" sagot ko naman.

"Okay lang yan, palagi ko naman silang kasama, and - I really miss you. Sorry kung hindi pa tayo makalabas ngayon, hindi bale after this month medyo maluwag na." malambing niyang sabi at saka sumubo ng pagkain.

"I understand. Busy din naman ako." maikling sagot ko habang pinapanood siyang kumain.

"By monday I am not able to answer your calls, sorry - mahina kasi ang signal to some area of Mt. Makiling." malungkot na sabi ko.

"Community duty mo ulit? It's okay. Mag iingat ka palagi." ngumiti siya ng malambing pagkasabi niyon.

Hay. Sino ba ang hindi mahuhulog?

Kung minsan bigla na lang siyang magdadala ng kape sa buong OB GYN department, lalo kapag graveyard duty ako.

"Ay naku Miss Belle, kung ganyan ba naman kagwapo, ka-talented at higit sa lahat ka-thoughtful ang manliligaw ko, ay e, hindi ko na pakakawalan. Mahirap ng humanap ng ganyan sa ngayon, pakiwari ko lang." sabi ng senior doctor ko pagkalabas namin ng O.R complex after ng isang D and C procedure.

Narinig niyang nag iwan ng kape si Miguel para sa buong department.

Nginitian ko lang siya bilang sagot sa sinabi niya at dumiretso sa PACU room para tingnan ang mga post operative patients.

Hindi ko alam kung tama ba na pinaghihintay ko  si Miguel, ngunit sa totoo lang natatakot ako sa papasukin namin. Simple lang akong tao, si Miguel ay public figure, maraming fans ang naka abang kung sino ang bibihag sa puso ng idol nila.  Kaya mahirap gumawa ng desisyon. Basta ang alam ko we enjoy each other's company.

music noteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon