Hindi ko talaga napansin na ibang kamay ang nahatak ko. Paano ba naman, nakayuko ako, dahil madadaanan ko yung grupo nung lalaking sinampal ko.
Nakakainis kasing manyak yun!"Wait! are you?" napanganga ako lalo noong marealize ko kung sino tong lalaki na nasa harap ko.
Lumapad lalo ang ngisi niya sa akin.
"Paano na to?" bulong ko na naman sa sarili ko.
"I'm sorry talaga! Pasensya na." mangiyak ngiyak na ko sa hiya. Sinamahan ko pa ng pag bow para talagang ma feel niya na hindi ko sinasadya.
"It's okay!" natatawa niyang sabi.
"Ang cool nga e, nahatak mo ko. It's common, marami talagang nagkakamali dahil sa buhok ko." kalmadong sabi niya.Samantalang ako, pakiramdam ko ang init init ng pisngi ko, buti na lang medyo madilim kung hindi, halatang nag blush ang mukha ko noong makilala ko kung sino siya.
"Ahh, ganito na lang. Since maingay dito, tara na lang dun sa cafè, you need to go because you hit someone diba? Edi mag tago tayo doon" walang bearing niyang statement.
Loading... (in shock)
This time, siya naman humatak sa kamay ko at itinawid niya ako sa kalsada.
hanggang kalsada lang ang HHWW (holding hands while walking)? Hmn.
Tinulak niya ang glass door ng cafè, pinigilan niya ang automatic na pagsara habang hawak pa din niya ang wrist ko at iginaya akong pumasok, tsaka siya bumitaw.
"Anong gusto mo? coffee, tea, cookies, cake slice?" banayad niyang pag aalok habang nakatayo kami sa counter.
"Americano" tipid na sabi ko.
Narinig kong umorder siya. Pero nakatingin lang ako sa kawalan.
"Punta lang akong comfort room." putol ko sa pag order niya.
Tumango siya bilang sagot.
Pagpasok ko sa C.R. hindi ko napigilang mapahawak sa lababo.
Para akong nanghihina, hindi kaya ng tuhod ko. Nakakawindang ang mga pangyayari."Belle ano bang kahihiyan to? Anong dapat nating gawin?" tanong ko sa sarili ko habang nakatitig sa salamin.
Naghugas akong kamay. Pinakalma ang sarili.
"Since, fan naman ako ng band nila, why not i-take ko ito as advantage! Parang meet and greet. May autograph na ako, nakilala ko pa yung idol ko." pag convince ko sa sarili.
Go girl!
Exhale ng malalim at lumabas na ako.
Ngumiti ako sa kanya noong maupo ako.
Pero hindi niya napansin dahil nasa likod ko pala yung magserve ng order at sa palagay ko doon siya nakatingin.panira...
"Bagay itong sansrival dyan sa Americano." sabi niya habang inilalapit niya yung saucer na may slice ng sansrival.
"Ay thank you! Nadagdagan pa pala credit ko sayo." pabirong sabi ko.
Ayoko ng maramdaman ang awkwardness kaya magpapanggap akong hindi nahihiya hanggang sa kaya ko.
fight girl!
"Ah-no! But luckily, hinatak mo ko. Makulit na mga tao dun, lasing na." sabi niya bago humigop ng kape.
"Teka lang, bakit wala kang slice? Share tayo?" at inusog ko papunta sa kanya yung saucer.
"Hindi ako masyadong pwede sa matamis. Hindi maganda sa lalamunan." may parang kaunting lungkot sa tono ng boses niya.
BINABASA MO ANG
music note
RomanceBelle Mateo, a young professional doctor who specialized in helping mothers brought angels on this earth. She was intertwined and fell in love with her musician idol that gave her a meaningful life. Let's all find out if their love for each other i...