Pagkagulat (Chapter 8)

7 0 0
                                    

Another week na naman ang lumipas. Bumilang na naman ako ng pitong araw, mula nang magparamdam siya pagkatapos ng dalawang araw na pag uusap namin sa chat ay nawala na naman ang lalaking iyon. Hindi ko alam kung sadyang busy lang o talagang hindi naman siya interasado sa akin.

convenient ka kasi girl.

"Girl! Off mo bukas diba? Tara sa tagaytay?" yaya ni Kairel.

Pareho kaming nakaupo sa couch ng clinic ko. Hindi toxic ang araw na ito kaya marami kaming free time para mag browse ng phone at manood ng tiktok.

"Ayoko nga. Chaperon mo na naman ako, pagod na akong maging third wheel." sagot ko naman agad sa kanya

"E nasan na ba kasi yang prince charming mo? Kelan lang nagdate kayo tapos ano na?" curious nyang tanong

"Ewan." pabulong at walang gana kong sagot

Ako man sa sarili ko, hindi ko maintindihan kung ano bang set up namin ni Miguel. O baka assuming lang talaga ako. Isa lang naman akong Fan.

"Fan girl, baka yun lang ang tingin niya sakin, kaya kalimutan mo na yun." masungit kong sagot.

"Kaya nga, sumama kana bukas please? Para makalimutan mo na yun!" pangunglit niya sakin at humawak pa sa braso ko habang nagpapa-cute.

"Okay fine. Sunduin mo ako, ayokong magdrive." demand ko sa kanya

"As if naman masipag kang mag long drive." banat naman niya sakin.

(Tagaytay)

Dumiretso kami sa isang Japanese Fine Dining Restaurant. Mula sa labas matatanaw mo yung center island na may mga chef na nag slice ng tuna meat for sashimi at yung isa ay nag grill ng wagyu beef.

"Do I look good?" tanong ni Kairel habang inaayos ang sarili pagkatanggal ng seatbelt.

"Oo your the prettiest!" exaggerated na sagot ko.

"Halika, lumapit ka, kapalan natin yang lipstick mo, para mas pretty ka." sabi nya at inabot ang labi ko. Hindi na ako pumalag, ipipilit din naman nya ang gusto nya.

Bumaba kami ng sasakyan at dumiretso sa itinurong reserved seats para sa amin. Bumungad ang boyfriend ni Kairel. Tumayo siya para salubungin kami ng beso.

"Ahm, so, buti nakasama ka Belle? Akala ko magiging alone tong kaibigan ko." panimula ni Vince nang umupo ako sa tapat ng lalaki.

"By the way Dr. David this is Dr. Mateo, the newest and youngest OB Gyne in the team." formal na pagpapakilala ni Vince.

Si Vince ang Chief of Finance ng hospital. Nagkakilala sila sa isang event ng hospital, 6 years age gap nila pero mukha namang hindi nalalayo ang mga hilig nila. Hindi naman ako mahilig mangialam sa lovelife ni Kairel, kung saan siya masaya dun din ako.

"Hi, just call me Third. Masyado ka namang formal bro." biro ni Third kay Vince. Habang inilalahad ang kamay nya para makipag kilala.

"Ah, Belle, just Belle." sabi ko naman na parang walang pakialam.

"Ayan, buti nagkilala na kayo. So, let's order? I'm hungry already." pag iinarte ni Kairel.

Gwapo si Third, sakto lang ang katawan at kung tumindig parang modelo kaysa doctor, at mas bata siya kay Vince. Isa siyang surgeon at anak ng kilalang doctor sa Amerika. Kahit mataas ang katayuan sa buhay, marunong siyang makisama, overflowing ang confidence ngunit hindi mayabang. Kakikitaan ng talino at galing sa propesyong napili.

Natapos ang dinner namin na walang ibang topic kundi ang hospital, healthcare, in short, work slash nakakasuya.
Lumipat kami sa bar na katabi ng restaurant.

"Bestie, alis na ako. Naalala ko may report pa akong hindi natatapos." mahinang sabi ko kay Kairel habang naglalakad kami.

"Ano ka ba? Nandito na tayo sa exciting part! We will drink. Matagal tagal na din yung huli nating visit sa bar." pangungulit naman ni Kairel.

"Sa huling bar hopping na yun kaya nangyari ang lahat." bulong ng isip ko.

"Next time na tayo uminom. Can I go? Kasama mo naman si Vince so mag enjoy lang kayong dalawa, sulitin niyo lang ang moment na ito." pagpipilit ko.

"No. Hintayin mo na ako. Ito naman, puro work. Minsan kailangan mo ding lumabas sa lungga mo para nadi-discover ang beauty mo." huling sabi niya at ikinawit na ang braso niya sa akin para hindi na ako makatakas pa.

for unwinding nga ba?

Nag order kami ni Kairel ng cocktail at sila ay umorder ng whiskey. Naupo kami sa couch with table, malapit sa stage, sabi kasi ni Vince may live band na nagpe-perform doon and chill ang music, bagay sa temang unwind.

"Hindi ba Ms. Belle sa Aurora ang province of origin mo, pareho pala kayo ni Third ng province of origin?" tanong ni Vince kay Third after niyang uminom ng whiskey.

"Yeah." matipid na sagot ni Third.

Ipinipilit talaga ni Vince si Third para kay Belle. Nagkakilala ang dalawa sa isang assembly ng mga medical professionals. Single si Third kaya naisip ni Vince na i-match make kay Belle bilang single din ito.

single but not available.

Magkakatabi kami sa isang couch nasa kanan ko si Third nasa kaliwa ko naman si Kairel na busy makipag flirt sa boyfriend niya na para silang nasa bahay lamang.

maharot talaga tong friend ko eh!

Gusto kong magalit kay Kairel, nagsisi na akong sumama, pero halata namang naplano na nila ang araw na ito bago pa ako pumayag kaya sa huli ipipilit din nilang isama ako.

"Actually, maganda dun sa Aurora, may iba't ibang beaches and mayaman din sa historal stories. Bakit hindi kayo pumasyal ni Kairel doon?" sabi pa ni Third.

"Yeah, let's travel there some other time. Just to unwind like this." sabi naman ni Kairel.

"Ipapasyal ko kayo doon and sa coconut farm masarap ang fresh buko juice doon then dried fish and egg for breakfast, nakakamiss yun!" nakangiting sabi ulit ni Third na para bang sabik sa bakasyon.

"Yes, let's go there. Ako, gusto ko ulit matry yung yung speed boat exciting kaya yun, meron kayong ganoon doon?" singit naman ni Kairel.

Instead na sumagot ako sa usapan nila sinubo ko na lang yung fresh carrot after kong i-dip sa sauce. Sa isip ko less talk less mistake, at hindi ako interesado sa usapan nila.
Iba kasi ang gusto kong kasama at kausap.

Nagayuma na nga.

Kahit ilang beses pa lang kaming nagkasama ng lalaking 'yun, yaong lalaki na may mahabang buhok, hindi ko na siya matigilang isipin. Hindi ko rin maintindihan na nagustuhan ko ang isang tulad niya, kahit taliwas sa mga lalaking nagustuhan ko noon.

"Dati, ayoko sa long hair, pero ngayon parang gusto ko, ako pa ang magshampoo sa buhok niya.
Hibang na ba ako o nagayuma? Pero sa dami niyang option, bakit ako? Bakit naman ako ang gagayumahin niya?" bulong ng isip ko.

Kung ano-anong tumatakbo sa isip ko, na wala akong pakialam kung ma-bore o mainip itong katabi kong gwapo.

Naputol ang mga nasa isipan ko ng magsalita ang Host.

"And now, we are on the last set. Gusto niyo pa ba makarinig ng mga nakaka-inlove na songs? - so hindi ko na patatagalin pa, let's listen again to- BenandBen." sabi bigla ng Host.

what??

music noteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon