Mabilis na nagsi- akyatan ang mga band members. Kasabay noon ang pagdagundong ng puso ni Belle.
"Uy, girl! Nandito sila!" kinikilig na sabi ni Kairel, pinalo pa ang braso ko dahilan para magalaw yung sinusubo kong chocolate cake.
Hindi ako makapag bigay ng reaction. Nakatingin lang ako kay Miguel at nag tama agad ang mata namin pagka-akyat niya sa stage. Parang lumipas ng ilang segundo ang titigan namin pero blangko ang nakikita ko sa mukha niya.
Kasabay noon ang pagkuha ng tissue ni Third at biglang pinapahiran ang pisngi ko.
"May chocolate kasi." paliwanag niya nang tiningnan ko siya dahil sa ginawa niya.
Dahilan para mawala ang focus ko sa pagtitig kay Miguel.
Inabot ko naman ang kamay niyang may hawak ng tissue at inagaw iyon habang nakapatong pa sa pisngi ko.
"Ay thanks!" sabi ko at ngumiti.mamatay ka sa selos!
Narinig ko ang pag strum ng gitara at nagsalita ang vocalist.
"So, this is our last but not the least set for tonight, I hope you enjoy listening to our songs." intro ni Paolo at nagsimula na silang tumugtog.
"You know what, parang gusto ko ng Tequila Shot." sabi ni Kairel.
"Yeah go ahead!" sabi ko naman.
Hinawakan ni Kairel ang braso ko at hinila ako patayo.
"Excuse us for a while." malambing na sabi niya kay Third.
Nakarating kami sa bar table. "Tequila shots please." order niya.
"Ikaw! Nakita mo lang yung singer na yun, hindi ka na naman makapag focus." pagalit niya sakin.
"Focus saan?" nagtatakang sabi ko.
"Si Third ang date mo ngayon, hayaan mo yang Miguel na yan. Wait! I have an idea! Bakit hindi mo gamitin ang chance na ito para pagselosin siya at malaman mo kung gusto ka talaga niya o pafall lang pala siya?" pagalit na sabi ni Kairel.
Nagsisimula na naman siyang mag maldita."Wait! Alam mo na dito sila tutugtog no? At sinadya mo akong yayain para gawin ko yan?" tanong ko sa kanya.
"Girl, you need a boyfriend, kapag kinasal ako at lumagay sa tahimik wala ka ng kasama." paliwanag ng bestfriend niya.
"Come on, let's bring it on!" yaya pa ni Kairel.
"Ayoko nga. Kung gusto ako edi gusto ako, kung ayaw edi hayaan na, period." pakikipagtalo ko kay Kairel.
"Let's take a shot first!" pag aalok ni Kairel at nagtoss pa ng shot glass.
"This is your chance bestie, believe me." sabi ulit ni Kairel pagka baba ng shot glass niya sa bar table at bumalik na kami sa upuan dala-dala ang isang bote ng tequila.
Habang kumakanta ang band sa harap namin, nag cheers kaming apat. Wala akong pakialam kung nakikita ba ako ni Miguel. Tama si Kairel, hindi ako dapat maghintay lang. I really need to do something.
Lunok, kagat sa lemon, at dila ng asin. Pang limang shot ko na yata ito. Medyo hilo na ako, pero dahil pretender ako, kunwari hindi pa ako tinatamaan ng alak.
Maraming sumasabay sa kanta ng band. Well, phenomenon naman talaga ang band na ito. Lahat na ng songs nila naging number 1 sa mga music charts. At ang views, umaabot sa million kahit kakapost pa lang nila sa mga social media accounts nila.
"Are you okay?" bulong ni Third.
Kanina pa bulong ng bulong itong lalaking ito sa akin pero wala akong naiintidihan sa sinasabi niya, o ayaw ko lang talagang intindihin, kunwari na lang, sumasagot ako ng oo. Pero sa totoo lang, gusto kong salubungin ng tingin si Miguel, kaso hindi na sya sumulyap ulit.
BINABASA MO ANG
music note
RomanceBelle Mateo, a young professional doctor who specialized in helping mothers brought angels on this earth. She was intertwined and fell in love with her musician idol that gave her a meaningful life. Let's all find out if their love for each other i...