Pagkikita (Chapter 4)

12 0 0
                                    

"OMG! Belle seryoso to? Ayiiee!" sabi ni Kariel.

Habang inaabot niya ang cellphone ko, kitang kita ko ang excitement sa mukha niya.
Pinabasa ko yung convo namin, hindi na bago ito, wala naman akong maitago sa bestfriend ko dahil alam nya lahat.

mas kilig ka bes?

"Nakakainggit naman. I'm happy for you bestie! Deserve mo to, sa tagal ng panahon na never kang nakipag date because you give all your passion and strength sa studies and now sa work mo, naku you really need this. I bet baka inaagiw na yang flower base mo!" natatawang stamenent niya.

(Italized word : flower base means the thing that represents you as a girl,lady, or woman)

"Excuse me bestie, priority yang flower base ko sa personal care. Lahat ng pwedeng comfort treatment binigay ko dyan, just to preserved her looks para hindi naman nakakahiya sa future hubby ko." banat ko naman kay bes.

"Ehem! May future hubby ka ng nalalaman ngayon ah! Hoy, sabi mo masaya ka mag isa? Naka chat mo lang yan, nag iba na ihip ng hangin? Bilis yata ng shifting." panunuya naman niya.

"Wag ka nga dyan, masaya ako kahit wala akong katabi matulog. Kaya lang— ganito yata kapag tita na, parang gusto ko ng makipag unahan sa pila ng bus papuntang 'settle down' stage. Kaya ikaw, tama na ang laro. Last year mo na to sa calendar." pangaral ko naman sa kanya.

"Sinulit ko lang ang freshness ko, kasi diba tayo na lang ang magkasama kapag lumipas na lahat ito. Kaya lang, mukhang hindi na ganun ang ending. Pero happy ako sayo, kung siya na nga, go ka na agad-agad! Wag ka ng choosy!" litanya pa niya.

"Wag tayong assuming, friendship lang ang offer na ito. Ikaw pa din ang forever ko." bawi ko naman sa kanya.

Nagngitian kami.

Sa mga career woman na katulad ko, ganito nga yata talaga, mahirap ng humanap ng lalaki sa buhay dahil sanay kang independent. Nakakaya mong magpalit ng bumbilya mag isa, mag buhat at magsalansan ng mga grocery sa sasakyan, kaya mong mag long drive for long hours, at iba pang mga bagay.

Pero hindi ako nagsisi na pinili kong maging mag isa sa matagal na panahon. Marami akong natutunan, I've pushed myself to the limits to discover who I really was. So I can appreciate or love myself to give more love and appreciation to others.

"Anyway, anong isusuot mo? Mag ayos ka, aba, if once in a lifetime lang ito, you should be the most gorgeus fan of him!" pag iiba ni Kariel sa usapan.

"Okay na ito, do I ain't look like presentable?" casual nyang tanong.

"You do, pero you should change! Let's go! Akong bahala sayo." sabi niya with a hundred percent level of confidence.

"Bes, hindi pwedeng overdress baka mamaya kung ano ngang isipin niya. Pwede na siguro yung mukha akong haggard, para di ba? True Beauty, 'he had me at my worst' sabi nga ni john lloyd." pabiro kong sabi.

"Ay loka! Kung talagang gusto mo ng kayakap sa gabi, mag ayos ka, sayang ang ganda mo, kaya ka ipinapalit, masyado kang simple." dirediretsong sabi nya.

honesty is the best policy.

Ang tunay na kaibigan talaga, sinasabi ang totoo, whether it hurts like hell.

(forward to the dress reveal scene para sa date night)

After ko mag try ng ilang dress ni Kariel.

"Nakakapagod na ah, okay na to. Cafè yun, hindi fine dining resto or five star hotel." inis na sabi ko after kong mag fit ng 5 dresses.

"Yeah! That's perfect to your hair and make up Sige na pumunta kana baka malate ka pa." pagtulakan nya sakin.

Simple white see through ang likod na lace dress and above the knee ang naging ending.
I grabbed my boho bag and wear flats para hindi masyadong formal ang datingan. I start the car engine then drive to the cafè.

music noteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon