"I knew it! Sabi ko na nga ba at dito lang kita makikita!" malakas na sabi ni Kairel.
Nasa Delivery Room kami at kasalukuyan akong naghuhugas ng kamay. Katatapos kong magperform ng caesarian section sa mommy ng isang baby na cord coil.
"Tinataguan mo ko no? Bakit hindi ka nagreply sa mga messages ko?" paninita ni Kairel.
Sa halip na sagutin siya, dinaanan ko lang si Kairel ng tingin at lumabas na ako ng pintuan. Tinanggal ang surgical cap at naglakad sa hallway.
"Uy, Belle! What? Narinig mo ba ako?" pangungulit nya habang nakasunod sa akin habang naglalakad.
"Ikaw itong bakasyon grande, sasabihan mo ko nasa Hawaii kana. And hello? Nagta-trabaho po ako kaya madalang makareply." sarcastic naman na sagot ko.
Ganito lang naman kami halos magusap ni Kairel. Parang magkapatid din na may tampuhan, may konting sagutan, pero love namin ang isa't isa kahit galing kami sa magka ibang nanay.
"There's something you need to explain!" excited niyang sabi.
Pumasok kami sa doctor's lounge para kunin ang ibang gamit ko, tapos na ang evening shift ko.
"Hey, sabi sakin ni manong guard may iba ng naghahatid at sumusundo sayo?" tanong niya.
"Aba! At nag 'marites' pa kayo ni manong guard ha?" pabiro ko namang sagot sa kanya.
"Hindi, nagtaka lang ako for how many days, hindi umalis ang kotse mo sa parking lot, even yung car keys mo nandun lang sa sabitan. So, natanong ko siya." paliwanag nya
"So, NBI kana ngayon?" biro ko ulit.
"Ha-ha! Sabi ko na e! Magugustuhan mo din si Doc David, iba din mga status niya sa social media, and besides hindi naman nalayo ang place of origin nyo, marami kayong mapag uusapan na may sense. 'Di ba yun naman ang bet mo?" masayang sabi ni Kairel.
Natahimik si Belle, nang maalala niya ang mga nangyari, couple of months ago. Hindi pa nga pala niya naikwento sa bestfriend niya ang totoong nangyari.
"I'll reserve a dinner date for four later! We need to celebrate this! Finally! I am so happy for you!" sabi niya at kinuha ang cellphone para magtingin ng restaurant na available.
"Pagod ako, gusto ko lang magpahinga." tinatamad namang sagot niya.
"Ah! Sige, just rest in the condo at ako ng bahala. Ayain na lang natin sila na doon magdinner. Mag early out ako para makalinis ng kaunti. Then, let's have a movie marathon! Maraming palabas sa netiflix ngayon." excited na sabi ni Kairel
"Ahmn, sa susunod na lang. Sinusulit ko yung stay ko kasi after two days, start na ng community volunteer work ko sa foundation lalo na akong walang pahinga." pagtanggi niya.
"Ha? Nagvolunteer ka na naman? Paano yung clinic? Akala ko ba kaya ka lang dati nagvolunteer para maka move on, hindi mo na kailangan yun ngayon." tanong ulit ni Kairel
"Nandoon naman si Doctora Bea and tini-train niya yung anak niya. I need it this time para madagdagan ang learnings ko at makapag share din ng mga learnings." simpleng sagot ko naman.
"O sige na nga wag ng magcelebrate! Pero kwentuhan mo ako. How things happened?" pangungulit ni Kairel
"Sa bahay na uuwi ka naman mamaya." pagtapos ko sa pangungulit niya. At iniwan na siya sa Hallway.
Mabilis akong nakarating sa unit namin ni Kairel.
Panandaliang naglinis ng katawan at nagligpit bahagya ng mga gamit saka tahimik na natulog upang maipahinga ang katawang lupa ko na pagod mula sa 48 hours straight of duty.

BINABASA MO ANG
music note
RomanceBelle Mateo, a young professional doctor who specialized in helping mothers brought angels on this earth. She was intertwined and fell in love with her musician idol that gave her a meaningful life. Let's all find out if their love for each other i...