Pagkahuli (Chapter 12)

10 0 0
                                    

Nagising si Belle sa ibang kwarto. Bumangon siya kahit parang iniipit ang ulo niya sa sakit, matagal tagal na ng huli siyang malasing, kung hindi lang dahil sa Miguel Benjamin na iyon, hindi siya papatol sa hamon ng kaibigan niyang maglasing.
Nilibot ng tingin ni Belle ang paligid ng silid para malaman kung nasaan siyang eksaktong lugar.
Nanlaki ang mga mata niya at natutop ang bibig ng makita niya ang litrato sa study table.

"OMG! Nandito ako sa bahay ni Miguel Benjamin?" malakas na sabi niya sa sarili.

"What will I do? Ano bang nangyari kagabi?" naguguluhang tanong sa sarili.

Napahawak siya sa ulo niya. Kinapkap ang buong katawan. Pinakiramdaman kung nawala ba ang agiw sa flower base niya.
Ngunit kahit anong isip niya ay hindi niya maalala kung paano siya napunta sa bahay na iyon. At isa lang ang tiyak niya, walang nabawas na kahit na ano sa kanya.

sayang! walang nangyari samin kagabi!

Kinuha niya ang wet wipes sa kanyang bag na nakasabit sa headboard ng bed at pinunasan ang mukha na naging madumi dahil sa nalusaw niyang make-up. Nag -ayos siya bahagya ng sarili. Hinanap din niya ang mga gamit at binuhat ang sandals palabas ng kwarto.

"Kailangan makaalis na ako sa bahay na ito. Tahimik akong lalabas. End. Walang issue." pag papalakas ni Belle sa loob niya.

Magaan at dahan- dahan ang pagpihit niya sa door knob ng pintuan, sumilip siya at ng makita niyang walang tao sa hallway, humakbang siya palabas.

Mabilis siyang naglakad hanggang natanawan niya ang main door.

"Wait! I'm hearing something." bulong sa sarili at tumigil siya sandali sa paghakbang, pilit pinapakinggan ang ingay na naririnig.

"Shocks! Anong alibi ko kung parents niya yang nag uusap?" tanong pa niya sa sarili.

Ngunit wala naman siyang maisip na sagot sapagkat nahihilo pa siya mula sa pagkalasing.

"Si Kairel kasi. Bahala na. Anyway, hindi naman na nila ako makikita ulit." pagkumbinsi niya sa sarili.
Gusto niyang kalimutan pansamantala ang paniniwala niya sa 'first impression, last'.

Bago siya humakbang sa espasyo sa living room, huminga muna siya ng malalim.

Akmang nakataas ang paa niya para humakbang at maglakad palabas, biglang may nagsalitang babae.
"Oh dear! You're awake already! Good morning!" magiliw na sabi ng babae.

Napalingon siya sa kaliwa.
Nasa dining area sila at lahat ay nakatingin sa kanya. Tatlong babae at isang lalaki. Sa pakiwari ni Belle mama at papa ni Miguel yung mga medyo may edad na.

"Shit! Nahuli ako!" naisip niya.

Ngumiti si Belle ng alanganin at umayos ng tayo. Inilagay ang kamay na may hawak ng sandals sa kanyang likuran. Lumapit siya sa mga ito.

"Hello po" nahihiya niyang pagbati.

"Halika ka na kumain na tayo, tamang tama at kahahain ng pagkain. Mauna na tayo, parating na din siguro si Miguel." sagot sa kanya ng babae.
Malamang mama yun ni Miguel kamukha niya kasi.

Lumakad si Belle palapit sa babae sa harap ng lamesa.
"Ahmn, Belle Mateo po." sabi niya at inilahad ang kanang kamay.

"Oo iha, nasabi na ni Miguel. Ako ang mama nila at ito naman ang papa nila." inabot ang kamay ni Belle sabay akbay sa balikat ng lalaking nasa kanan nito.

Maganda at mukhang mabait ang mama ni Miguel.

Dito nagmana si Miguel.

Mapapansin mo din na malambing magsalita at mukhang masayahin.

music noteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon