Miguel's POV
"Mr. Guico I'm glad that you and your bandmates agree to our annivesary week long celebration. It was a great success, regards to sir Ocampo for accepting my offer, anyway I'm still looking forward-"
Naputol ang sinasabi ni Mr. Marquez nang lumapit ang isang staff niya at bumulong.
"Ah, Mr. Guico I'm sorry, excuse me for a while. I just need to attend to someone else." paalam nito sa kanya.
Curious ako kung bakit siya nagpaalam kaya hindi ko inalis ang mga mata ko sa direction na pupuntahan ni Mr. Marquez.
Lumapit si Mr. Marquez sa isang grupo, masaya siyang bumati sa mga ito.
"Bisitang VIP?" bulong ko sa sarili.
Tatalikod na sana ako para tawagin ang mga bandmates ko pero may napansin ako nang umalis si Mr. Marquez sa kinatatayuan niya.
Hinawakan ko ang salamin ko, inayos at tinitigan ang mukha ng babae.
Hindi ako nagkamali. Si Belle Mateo.
Kasama niya ang bestfriend nito.. at teka? Dalawang lalaki?"Ano to? Double date?" inis na sabi ko sa sarili.
Nawala ako sa mood sa naisip kong iyon. Gusto kong lumapit at sapakin ang lokong iyon. Pero naisip ko din, 'wala akong karapatan'.
At yun ang masakit sa lahat.Excited pa naman akong tapusin itong last session namin ngayong week.
Sa isip ko "sa wakas may oras na kami ni Belle, ngunit ano to?"
Akala ko naman pareho kaming sabik makita ang isa't isa.
"Miss ko pa man din siya. Balak ko pang puntahan siya agad bukas, - kaso 'wag na lang. Badtrip." may inis na sabi niya sa sarili.Tinawag ko na ang tropa para simulan na namin ang last session. Kung pwede lang hindi na tumugtog e, wala na talaga ako sa mood.
"Bakit ang sungit mo, may iaabot ka lang, iba pa ang tono. Napano ka ba?" sita ni Paolo nang masungitan ko siya dahil sa bagal niyang pag kilos para abutin ang gitara na inaabot ko sa kanya.
"Uy! Tama na yan, last na nga ito." saway naman samin ni Poch nang marinig niya kaming nagtatalo.
Pag akyat namin sa stage, napaka galing ng timing. Sumakto pa sa landiang eksena ang tingin ko.
"Ano to? 'punasan ng tissue' movie scene?" bulong ng isip ko.
Hindi ko maiwasang tingnan si Belle at titigan, pero mukhang wala siyang balak na pansinin ako, walang pakialam at mukha ding masayang masaya sa katabi niya.
Bago matapos ang last song namin. Napansin kong lasing na ang bestfriend ni Belle na si Kairel. Maingay na ito at sumisigaw na sumasabay sa kanta. Panay din ang hampas sa mga kasama niya.
"Iba na 'to." naisip ko.
Kahit wala na ako sa mood dahil sa nakikita kong kilos ni Belle, ayoko pa din maging unfair sa ibang audience. We still give our best para sa last performance ng gabing iyon, kaya professionally, tinapos ko ang gig.
"Nasaan na siya?" tanong ko sa sarili ko, matapos kong mag last speech bago bumaba ng stage.
Hindi ko makita si Belle. Pero nandoon pa ang mga kasama niya. Nag alala ako bigla, baka may kung ano ng nangyari.
"Lasing na siguro yun!" bulong ng isip ko.
Tumalikod na ako at nag madaling inayos ang mga gamit ko. "Hahanapin ko siya" bulong ko pa.
Binuhat ko ang gitara at pumihit paharap para bumaba ng stage."Belle! Belle!" sigaw ng bestfriend niya sa kabilang side, habang nasa tapat ko ang kinakawayan niya.
Nakita ko kung paano siya bungguin ng isang babae, nawalan siya ng balanse at napasandal sa bwisit na lalaking kanina pa dikit ng dikit sa kanya.

BINABASA MO ANG
music note
RomanceBelle Mateo, a young professional doctor who specialized in helping mothers brought angels on this earth. She was intertwined and fell in love with her musician idol that gave her a meaningful life. Let's all find out if their love for each other i...