Prologue

500 32 35
                                    


Disclaimer: This is a work of fiction. Names, identities, businesses, places, events, settings, and occurrences were either invented by the author or utilized fictitiously. Any resemblance to real people, alive or dead, or real events is entirely unintentional.

(Revised version)

***


Nakatunganga ako ngayon sa office ko at bored na bored ako. Ano kaya pwede gawin? Mag beach kaya ako? Tutal wala naman akong work bukas. Napangiti nalang ako sa naisip. 

Binuksan ko ang laptop ko at nag search ng magandang Beach resort sa Bataan. Ayaw ko sanang lumayo dahil hindi ko kakayanin mag drive ng malayo pero wala rin naman akong driver at this moment. I'm sure Kian is busy with his business.

Nakahanap ako ng magandang hotel kaya agad akong nagpa book. Wala rin naman akong magawa sa office ko. Edi mag lakwatsa tayo!

Umuwi muna ako sa apartment unit ko para makapag impake. Pero naalala ko na boring pala mag isa kaya tinawagan ko si Loreen kahit alam kong busy ito at wala ng oras.

"Hello Doktora, free ka ba ngayon?" tanong ko agad nang sagutin niya ito.

"Miss mo na ba ako?" sagot nito.

Napangiwi naman ako. Kapal din talaga ng mukha nito.

"Oo miss na miss, miss na kitang saktan." sarcastic kong sabi.

Narinig ko ang tawa nito sa kabilang linya. Napahinto siya sa pagtawa nang may tumawag sa kaniya.

"Harsh ha sis! I can't go with you maybe next time. I have to go." sabi nito at binabaan ako.

Napabuntong hininga naman ako. I guess she's really busy. So ano ako, lonely?

Nang matapos na akong mag-impake ay sinakay ko na lahat sa sasakyan ko at nagsimula ng magmaneho. Siguro mga tatlo to apat na oras ang byahe pero agad naman ako makakarating siguro doon dahil para akong nakikipag race kapag nagmamaneho.

Naisipan kong dumaan muna sa Starbucks para bumili ng kape dahil medyo inaantok ako kahit 12nn palang. Kulang kasi ang tulog ko kagabi dahil may tinapos akong project.

Habang nasa byahe ay nag ring ang phone ko. Sinagot ko naman agad ito dahil baka importante. 

"Hello, this is Architect Yildez." sagot ko.

"Architect Yildez, you have an important meeting to attend in Bataan. Where exactly are you right now?." sabi ng assistant ko na si Yna.


"I'm on my way to Bataan, what meeting? I don't remember any schedule right now." nagtatakang tanong ko.

"It's.. urgent Ma'am." alanganin sabi nito. 

"Okay, send me the location." sabi ko.

Binaba kona ang tawag. Pagtapos i-text sa'kin ay agad akong nag tungo do'on mabuti na lang ay hindi ako naligaw.

Nagsuot muna ako ng shades bago bumaba ng sasakyan dahil mainit at masakit sa mata ang sikat ng araw na tumatama sa'kin. Pumasok ako sa isang restaurant. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko kilala kung sino yung ka meeting ko. 


Pagkapasok sa loob ay may lumapit na waiter sa'kin. Tinanong kung may reservation ba ako. Tinawagan ko naman yung assistant ko para itanong.

"Hello Yna, anong pangalan nung ka-meeting ko?" tanong ko dito.

"It's Engr. Arison po from Golden Line Company, Architect." sagot nito.

Napatigil naman ako sa narinig. Sa apelyido palang parang alam ko na kung sino ang tinutukoy niya pero baka namali lang ako ng pagkakarinig.

"Can you repeat it?" sabi ko.

"Sorry, Architect, it's  Engr. Jayce Axel Arison." pag uulit nito sa sinabi.

So tama nga ako ng taong inisip? Siya nga...

Pero bago pa man ako makabawi sa pagkagulat ay may nagsalita sa likod ko na nagpabilis ng tibok ng puso ko. 

"Hi Architect Yildez, it's been awhile." narinig ko ang boses ni Jayce. 

Pagharap ko ay nakita ko ang pamilyar na mukha ni Jayce. Ang pilyo nitong ngiti na hindi ko makakalimutan kailanman. How I missed this man.

"Yeah.. it's been 4 years I guess?"



When Love Lasts Where stories live. Discover now