"Gusto mo ba tayo na?"
Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang 'yon ay siyang pagbilis nang tibok ng puso ko. Hindi ko alam bakit bigla akong kinabahan sa sinabi ko. Patanong 'yon dahil hindi rin ako sigurado.
Napatulala siya sa sinabi ko tila hindi iyon inaasahan. Ako rin naman hindi ko alam na bigla na lang lalabas sa bibig ko ang salitang ‘yon. Parehas kaming tahimik at hindi alam ang sasabihin.
"T-teka, s-sigurado ka na ba?" paninigurado nito.
Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Kinakabahan ako na hindi ko maipaliwanag, nahihirapan akong huminga dahil sa kaba na nararamdaman ko.
Napatingin ako sa kaniya nang hawakan niya ang dalawa kong kamay. Ngayon lang niya ginawa ang bagay na 'yon kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
"Hindi ko agad kailangan ng sagot hanggat hindi ka pa sigurado," saad nito,” Hindi kita minamadali, tulad ng sinabi ko kahit ilan taon pa yan ay hihintayin kita.”
Pinalobo ko ang pisngi ko para pigilan ang pagngiti ng bigla niyang kinurot ang pisngi ko.
“So cute, my love,” binigyan niya ako ng mapangasar na ngiti.
Nagiwas tuloy ako ng tingin dahil sa pagkailang. Sa mga oras na ‘to ay iba na ang nararamdaman ko. Iba siya sa lahat ng mga nakilala ko, hindi niya ako pinipilit at minamadali sa mga bagay. Gusto niya na pinag-iisapan ko muna ang mga sasabihin ko.
He’s giving me enough assurance that I deserve. Nandito na ako sa point na gusto ko na ulit maranasan magmahal and this time, susubukan ko ulit sa kaniya. Tulad nga ng sabi niya hindi ko kailangan magmadali kaya hihintayin ko yung araw na makita ko na lang
ang sarili kong ngumingiti habang nagsasandok ng kanin."Iwan na nga natin yung mag-asawa, kaya na nila yan." sabi nito.
Sasagot palang sana ako ng bigla ako hilain nito papasok sa sasakyan niya.
"Hoy! Baka mag-away yung dalawang 'yon." sabi ko sa kaniya.
"Chill ka lang dyan, may pupuntahan lang tayo." saad nito.
Hindi na lang ako nagreklamo. Alam ko naman na magiging okay si Loreen dahil kuya naman ni Jayce ang kasama niya. Hindi pa rin ako makapaniwala na silang dalawa ang kinasal. Hindi naman siguro sila magpapatayan do'n? Bahala na.
"Iisang sasakyan lang ba kayo ng Kuya mo?" tanong ko dito.
Saglit siyang lumingon bago tumango, "Yeah, paalis na sana ako para puntahan ka pero bigla na lang niya akong kinulit na samahan siya. I have no choice, mas matanda siya."
"Paano siya uuwi?" takang tanong ko.
Kung sasabay siya kay Loreen eh baka hindi magandang idea 'yon. Knowing Loreen, tatalakan niya panigurado yung Jairus. Rambol talaga ang mangyayari sa kanilang dalawa.
"Kay Loreen? or baka magpasundo sa butler namin." sagot nito.
Mabagal akong napatango at nanahimik nalang din. Pabalik kami ngayon sa manila. Hindi ko alam kung saan ba kami pupunta nito. Maaga pa naman kaya ayos lang kung saan kami pumunta.
"I'm sorry about what happened yesterday." biglang saad nito.
Nakakunot noo ko siyang nilingon.
"Yesterday? What about it?" tanong ko.
"I thought you knew? Diba I left without saying goodbye to you? Nagtatampo lang ako." sagot nito.
YOU ARE READING
When Love Lasts
Romance#1 DUOLOGY NOVEL Klea Jade Yildez is an Architecture student at Saint Luis University. She is a strong, independent woman. Her mother died when she was a child. Her mother's sister, Hillary Palmer, who was the heir to her late husband's company and...