Chapter 13

54 7 29
                                    

"Seryoso ba?" gulat na tanong ko. Hindi makapaniwala

Tumango naman siya, "I'm serious. My cousin, Jair. They owned the Aero Airlines." sagot nito. 

What the fvck?

Aero Airlines is the most expensive Airline in the country. Tanging ang mga mayayaman lang ang makakasakay doon. Alam ko kasi nakasakay na kami doon nung nag out of town kami ni Tita Hillary. Pero hindi ako makapaniwala na sa mga Arison iyon. Gano'n ba sila kayaman.


Hindi kasi masyado kilala ang mga Arison at ayaw din nilang nagbibigay ng information about sa kanila kaya hindi ko agad nalaman na Arison si Jayce dahil hindi ko naman pinapakielaman ang mga buhay ng iba.

"Next week agad? Hindi ba pwedeng next month. Malapit na ang finals, kailangan kong mag review." sabi ko.

"Alright, if that's what you want," pagsang-ayon niya. 

It's already 11:20. Magkatabi na kami ngayon ng upuan habang pinagmamasdan ang madilim na kalangitan. Maraming bituin ngayon at maliwanag ang bilog na buwan. 

Malakas rin ang ihip ng hangin. Mararamdaman mo pa rin ang lamig ng simoy nito kahit todo balot ka pa. It's like the wind is embracing you.

"Tagaytay is my favorite place," basag niya sa katahimikan.

I looked at him. Nakatulala siya habang nakahalukipkip. Tila may malalim na iniisip.

"Bakit? May nangyari bang memorable sa'yo dito?" Usisa  ko. 

"Yes, and it's currently happening right now," sabay tingin niya sa akin. He looked at me deeply. Tila ba sinisisid ng mga mata niya ang buong kaluluwa ko.

Kahit alam kong madalas niyang gawin iyan ay hindi ko pa rin maiwasang mailang. Malulusaw ata ako anytime.

"Memorable na ba 'to?" natatawa kong sabi. Nag iwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang tapatan ang mga mata nya.

Sa totoo lang, memorable nga siya. Simple lang hindi gano'n ka saya pero dahil magkasama kami, it's really memorable. Everything is memorable… when I am with him. Ngayon ko lang rin nagawa ang ganito sa buong buhay ko ng may kasama. I'm always alone. Ngayon ko lang naramdaman iyong…may kasama ka.

"Oo naman, basta kasama kita lahat magiging memorable. Being with you lights up my world, Klea." 

Wala sa sariling napangiti ako nang marinig ko iyon. Hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko. I never caught a feelin' this hard. 

I seems to fall in love with everything he does. Even the things that I thought would annoy me. I think… I fell to him. So bad.

"Ano ako bombilya?" biro ko. 

Napahagalpak naman siya ng tawa dahil sa sinabi ko. Mukha ba akong bombilya para mapailaw ang mundo niya? Charot. 

"Seryoso ako," tumatawa pa rin siya. "Amp, kahit kailan talaga binabara mo ako." 

Natawa rin tuloy ako. Masyado kasi siyang seryoso sa mga sinasabi niya. Baka bukas eh masagot ko na siya sa kakaganyan niya. 

"Biro lang, masyado ka kasing seryoso." saad ko. 

"Basta ikaw. Walang halong biro, Klea." hirit niya.

I hope this time, I will get the love that i deserve. 

Inirapan ko siya. Sakto naman na tumingin ako sa langit ay biglang may dumaan sa shooting star. Namangha ako roon dahil ngayon lang ako nakakita ng gano'n. Ang hirap kasing saktuhin. Hinampas ko naman siya sa braso. 

When Love Lasts Where stories live. Discover now