Chapter 4

109 18 6
                                    

Nakatayo ako ngayon sa salamin habang pinagmamasdan ang suot ko. Nakasuot ako ng sleeveless dress. Ayaw ko sana mag dress pero si Tita pinilit ako. Nilagyan pa ako ng konting make-up. Okay na rin para matakpan yung eyebags ko.

Hindi kasi ako nakatulog agad kagabi kakaisip kung sino yung nakausap ko. Familiar yung boses niya eh, parang may ka boses siya. 

'Goodnight, I hope to see you in my dreams tonight' 

Nagpaulit ulit sa utak ko ang boses na 'yon. Mababaliw na ata ako kakaisip. 

"Ang ganda mo na." sabi ni Tita nang matapos niya akong ayusan. 

"Ay, bakit Tita hindi pa ba ako maganda?" pagbibiro ko. 

Napangiwi naman siya. Bakit feeling ko kontra siya. Mana lang naman ako sa kanya. 

"Maganda ka naman, pero mas maganda ako." sagot nito. 

Minsan napapagkamalan akong anak ni Tita eh. Magkamukha daw kasi kami, hindi ko naman maitatanggi dahil totoo naman. Parang hindi din kasi 46 si Tita. May balak pa nga na manligaw sa kanya pero ayaw niya dahil ayaw niya palitan si Tito. 

Loyal ang Tita mo Hillary.

Kinuha ko yung shoulder bag ko at nilagay lahat ng kailangan ko doon. Lumabas na ako ng tawagin ako ni Tita. Pagbaba ko ay nagulat ako ng salubungin ako ni Jayce na may dalang bulaklak. Nakasuot siya ng white na polo at nakasalamin pa.

Ang gwapo niya!

Napatingin ako sa bigay niya. Medyo nagulat ako ng makitang tulips 'yon. Nahihiya ko naman tinanggap 'yon. Sabi ko nga 'di ba kapag binigyan ako eh hindi ako tatanggi.

"T-thank you." sabi ko. 

Wala akong masabi!

"Sabi ni Tita 'yan yung favorite mo kaya ni request ko kay Tita." sabi niya. 

Napatingin naman ako kay Tita na kinikilig. Dinamay niya pa si Gavin na nakangiti lang. Nahihiyang ngumiti naman ako at tinanguan sila. Inalalayan niya ako papasok sa sasakyan niya. Sports car na kulay black. Grabe nakakahiya sakyan.

Umikot naman siya papunta sa driver seat. Pagkasakay niya ay napatingin siya sa'kin saglit bago lumapit sa'kin. Napaatras tuloy ako. Akala ko kung ano gagawin niya. Nilagay niya yung seat belt. Kinabahan ako dahil mga ilang inch lang yung pagitan ng mukha namin. 

"Safety first, madam!" nakangiti niyang sabi.

Napatitig ako bigla sa mata niya. Ngayon ko lang napansin na may pagka-hazel brown ang mata niya. Sunod naman akong napatitig sa ilong niya, ang perfect. Hanggang sa lips na ang ako napatingin, pinkish yung lips niya. Para siyang naka liptint. Teka bakit ko ba siya tinitignan?

Natauhan lang ako ng lumayo ito. "Chansing ka ah." nakangising sabi nito. 

Ayan nanaman yung ngisi niyang nakakaasar. Napaayos tuloy ako ng upo at tumingin nalang sa harap kunwaring walang nangyari. 

"Aminin mo, na inlove ka na sakin." pang-aasar pa nito. 

Napataas naman ang kilay ko at tinignan siya. "Magkape ka nga ng makaramdam ka ng kaba sa sinasabi mo" sarcastic kong sabi. 

Natawa lang siya at wala ng sinabi. In-start na niya yung engine bago magsimulang mag drive. Nakatingin lang ako sa bintana. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nakakahiya din naman itanong baka hindi matino ang isagot.

"You look beautiful." pagbabasag nito sa katahimikan.

Bigla nalang nag init yung pisngi ko sa sinabi niya. Bakit naman nambibigla? Nagkunwari naman akong wala lang sa'kin.

When Love Lasts Where stories live. Discover now