Chapter 9

70 8 4
                                    


Papasok na kami ngayon sa DIS. Ngayon ulit yung laban. Grabe ang effort ng DIS. May pa free food sa bawat stall. Samantalang nung kami sa cafeteria lang sila lahat bumibili pero malaki rin naman ang cafeteria namin. 

"Ang laki ng DIS, ngayon lang ako nakapasok dito. Parang gusto ko tuloy mag transfer, daming fafa sa tabi-tabi eh" kinikilig na sabi ni Loreen.

Napairap nalang ako sa sinabi niya. Kahit saan talaga walang pinapalampas eh. Medyo maaga pa naman bago magsimula yung game kaya nagikot-ikot muna kami. Bawat stall din na nadadaanan namin ay may nagbibigay ng pagkain.

Pero ang nakakahiya ay nakikipag selfie si Loreen sa makikita niyang gwapo lalo na yung basketball player sa salinggawi. Kilig na kilig pa siya. Konti na lang itatanggi kong kasama ko 'to.

"Ano naman gagawin mo sa mga picture na 'yan?" tanong ko. 

"Collection?" maarte nitong saad. "Bukod sa bag ay pogi din ang gusto kong ma collect." 

Grabeng collection yan, kakaiba. 

Umalis saglit si Loreen para magpapicture doon sa lalaking Engineer daw. Hindi ko alam paano niya nalaman na Engineer yon. 

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad ng may humarang sa'kin na lalaki. Matangkad at medyo moreno. Nakangiti ito sa'kin pero walang pake ko lang siyang tinignan.

"Bakit?" tanong ko sa hindi ko kilalang lalaki.

"Miss, pwede makuha number mo? Utos lang sakin." saad nito.

Hindi ko mapigilan magtaas ng kilay. Kung sino man nag-utos sa lalaking 'to, manalangin na siya. Bakit pa ako ang nakita nila? 

"Hindi, hindi naman kita kilala." sagot ko.

Dinaanan ko siya pero bigla na lang ako nitong hinigit sa braso. Medyo mahigpit ang pagkakahawak niya kaya napadaing ako don.

"Wag ka nang magmatigas pa, ibigay mo na sa'kin" pamimilit pa niya.

"Ano bang problema mo? Sinabi kong ayaw ko 'di ba?!" sigaw ko dito.

Wala na akong pake kung sino man ang nanonood sa'kin basta ang ayoko sa lahat yung hinahawakan ako ng walang pahintulot. Pilit akong nagpupumiglas pero mas malakas ito. 

'Omg! sino yung babaeng yan?'

'familiar yung mukha niya'

'that agoncillio is crazy' 

"Putangina! Bobo ka ba? Hindi ka ba makaintindi ng salitang 'ayaw ko?'." galit na sabi ko. 

Mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa'kin. 

"Sabihin mo lang naman para wala na tayong problema." pangungulit nito.

Sasagutin ko na sana ito ng makarinig ako ng boses mula sa likuran ko. 

"Kapag hindi mo siya binitawan tayo ang magkakaproblema, Agoncillio." narinig kong kalmadong sabi ni Jayce mula sa likod ko. 

Nabitawan naman ako nito kaya mabilis kong inilayo ang sarili sa kaniya. Medyo napalayo siya ng konti at kita mo sa mata nito ang takot habang nakatingin kay Jayce.

"What the fvck are you doing to her?" may bahid na inis na saad ni Jayce ng makalapit don sa lalaki. 

Nakita ko sa mukha ni Jayce na galit ito pero kalmado lang siya magsalita. Napapaatras naman yung Agoncillio pero hinarangan siya nung kasama ni Jayce. 

"Hanggang dyan ka lang, talk to master first" saad nung lalaki na kasama ni Jayce. 

"I-im just getting her number, bro" sagot naman nito. Makikita mong kinakabahan siya.

When Love Lasts Where stories live. Discover now