Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nabingi ata ako sa sinabi niya.
"Payagan mo akong ligawan ka. I know I'm too fast, pero baka hindi mo na ako kausapin pagkatapos nito. Natatakot akong iwasan mo ako." paliwanag niya.
Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin.
"Take your time, hindi naman kita minamadali. And I don't wanna force you na payagan akong ligawan ka." Dagdag niya pa.
Nanatiling tikom ang bibig ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya. Matagal na mula nung huling may nagtapat sa akin kaya hindi ko alam kung paano magre-react.
Ayoko rin naman na saktan ang damdamin ni Jayce. Ramdam ko naman na mabait siyang tao. At kitang kita ko naman sa mga mata niya na sincere siya sa mga sinabi niya.
"Let's go, I'll drive you home." Aniya at naglakad na papuntang kotse niya.
Pumikit ako ng mariin saka malalim na bumuntong hininga bago siya sinundan. Buong byahe ay wala kaming kibuan. Nang maihatid niya ako sa bahay nagpaalam na agad ako. Tumigil naman ako ng tinawag niya ako at hinarap siya hinihintay kung anong sasabihin niya.
"Klea, I'm sorry if I acted that way earlier. I hope you don't get mad. Goodnight." pilit ang ngiting sabi niya.
Tumango lang ako at pumasok na sa loob ng bahay. Hindi naman talaga ako nagagalit. Parang nabigla lang siguro ako sa nangyari. Pagkapasok ay nakita kong tulog na si Tita. Dumiretso ako sa kwarto para mag-shower.
Pagkatapos kong mag-shower ay pumunta ako sa rooftop para tumambay. Naupo ako sa may bench at tumingin sa kalangitan habang may hawak na baso na may laman na gatas baka sakaling makatulog ako.
Iniisip parin yung nangyari kanina. Hindi ba parang ang bilis naman? Parang kakakilala lang namin nung isang araw tapos manliligaw na siya?
Sa totoo lang natatakot ako. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o pinagtitripan lang ako. I have so many trust issues. Sana lang hindi na maulit kung ano man ang nangyari dati.Papasok na ako sa school pero dumaan muna ako sa national book store sa malapit para bumili ng materials na gagamitin. Pagkapasok ko sa loob ng store ay binili ko na lahat ng kailangan ko bago nagbayad sa may counter pero may nakabungguan ako kaya nalaglag yung iba kong dala.
Nakita ko yung lalaki na tinulungan akong pulutin. Hindi ko makita kung sino siya pero nung inabot na niya sa'kin ay nakilala ko kung sino siya.
"Uy, Art ikaw pala.." sabi ko.
Siya yung ka team mate ni Kian. Nagulat din siya ng makita ako pero agad din siyang nakabawi at ngumiti. Ang cute niya pala ngumiti nawawala yung mata.
"S-sorry hindi kita napansin, tulungan na kita." sabi nito.
Napatango naman ako, ayaw ko ng taasan yung pride ko. Nang matapos akong magbayad ay binitbit ko na yung dala ko. Hindi ko napansin na nasa tabi ko pa pala si Art.
"Papasok ka na?" tanong ko sa kanya.
Pinagbuksan niya ako ng pinto. Gentleman naman pala siya. Sabagay kapag nanonood ako ng training nila minsan ay inaabutan niya ako ng tubig kahit hindi naman ako kasama sa kanila.
"Oo, may binili lang ako." turo niya sa hawak niya.
"Di ba Engineering ka?" tanong ko sa kan'ya.
Nahihiyang napatango naman siya. Ngumiti naman ako sa kaniya.
"Pwede pala tayo mag-collab in the future." natatawang biro ko.
YOU ARE READING
When Love Lasts
Storie d'amore#1 DUOLOGY NOVEL Klea Jade Yildez is an Architecture student at Saint Luis University. She is a strong, independent woman. Her mother died when she was a child. Her mother's sister, Hillary Palmer, who was the heir to her late husband's company and...