Blanco ang isipan ko ng makabalik ako sa klase ko. After what I've heard ay hindi na iyon maalis sa isip ko. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin dahil mukhang may pinaplano sila sa'kin. Sasabihin ko ba ito kay Jayce? pero baka magkagulo lang kapag nalaman pa niya. Hindi rin naman ako sigurado.Tulala ako ng makalabas ako. Buong klase ay tahimik lang ako. Tapos na ang klase ko at hinihintay ko nalang si Jayce dahil susunduin niya ako. Tahimik lang ako habang malalim ang iniisip. Natauhan lang ako ng may ice cream na bumungad sa harap ko.
Nakita ko si Art na nakangiti sakin habang may hawak na ice cream sa kabilang kamay at ang isa ay iniabot niya sa'kin. Kinuha ko naman sa kamay niya iyon.
"Salamat dito." sabi ko. Naupo naman siya sa tabi ko.
"Mukhang malalim ang iniisip mo, kanina pa kita napapansin na tulala dyan." aniya.
Napatingin ako sa kanya habang kumakain ng ice cream. Kanina pa pala niya ako nakikita.
"Parang ganun na nga." medyo natatawa kong saad.
"Kung ano man 'yan ay hindi ko na itatanong." nakangiting sabi niya.
Natahimik kaming dalawa. Hindi naman ako ganito pero dahil naguguluhan ako ay hindi ko siya ganun makakwentuhan.
"But if you need someone na makikinig sayo, nandito lang ako, Klea." saad niya bago umalis.
Medyo na weirduhan ako sa pag-alis niya pero binalewala ko nalang. Sakto naman ang pagdating ni Jayce na nakatingin mula sa malayo. Tumayo na ako at binitbit ang dala ko. Nang makalapit naman si Jayce ay kinuha niya iyon sa'kin at siya ang nagdala.
"Si Domino 'yon diba?" patungkol niya kay Art.
Napansin niya pala ang pag-alis ni Art. Tumango naman ako. Napatango-tango naman siya.
"How are you, my love?" tanong nito ng makasakay na kami sa sasakyan niya.
Pabiro akong napairap sa sinabi niya. This guy really? Kailangan ko na atang masanay na ganyan siya.
"Okay naman." maikli kong sagot.
Natigilan siya sa paglalagay ng seatbelt at humarap sa'kin. Tila nakaramdam siya ng kakaiba sa kilos ko. Nag-aalala niya akong tinignan.
"Are you okay, Love? Kanina kapa walang kibo. May nangyari ba?" tanong niya.
Dapat bang sabihin ko? o hindi nalang dahil baka ako pa ang maging dahilan nang pag aaway ng pamilya nila. Pilit akong napangiti para isipin niyang wala lang.
"Okay lang ako, pagod lang siguro." sagot ko. Nginitian ko pa siya para sabihing nagsasabi ako ng totoo.
Kahit tila hindi kumbinsido ay ngumiti nalang din siya. Kahit sa konting buwan ko palang siya nakilala ay kilala ko na siya. Hindi naman siya gano'n kahirap basahin. Nang maihatid niya ako sa bahay ay nagpaalam na rin siya. May family dinner daw sila kaya kailangan na niyang umalis.
Tinulungan ko ulit si Tita sa shop. Nagdidilig ako ngayon ng mga halaman habang ang isip ko ay lumilipad. Hindi ko pa rin makalimutan kung ano man ang natuklasan ko sa mag-ama. Mabait si Sir Aguilar at mataas ito magbigay ng marka. Napaka impossible para magawa niya ang bagay na gustong ipagawa sa kaniya ng anak niya.
Pero posible pa rin naman dahil anak niya iyon. Kahit sinong ama ay gagawin ang lahat para sa anak. Hindi ko man naranasan magkaroon ng ama. Naguguluhan pa rin ako. Gusto ko man sabihin kay Jayce ay mas minabuti ko nalang na itago muna. Sana lang ay walang mangyaring masama.
“Balak mo bang patayin ang mga halaman, Klea?" narinig kong tanong ni Tita.
Napatingin ako sa dinidiligan ko. Umaapaw na ang tubig doon. Pinatay ko agad ang hose.
YOU ARE READING
When Love Lasts
Romance#1 DUOLOGY NOVEL Klea Jade Yildez is an Architecture student at Saint Luis University. She is a strong, independent woman. Her mother died when she was a child. Her mother's sister, Hillary Palmer, who was the heir to her late husband's company and...