Chapter 11

54 7 31
                                    

"Naghire ba ng taga luto si Tita? Bakit nandito ka na naman?" reklamo ko kay Jayce. 

Nandito na naman kasi siya. Weekend na nga pero makikita ko pa rin siya. Ang aga aga pa. Hindi ko alam bakit pinapayagan siya ni Tita na magluto eh. Hindi naman ako nagrereklamo sa luto niya kasi masarap naman. Ang kaso kung aaraw arawin niya eh baka dito na siya tumira. 

"Ay ayaw mo ba? Ganyan ba ang gusto mo? Sige break na tayo" usal nito. Umirap ako. 

"Hindi naman tayo." sagot ko.

Umakto naman siyang nasaktan dahil sa sinabi ko. May pahawak sa dibdib ito at tinignan ako ng malungkot. Totoo naman wala pang kami so bakit siya makikipag break.

Wow Klea, pa? Wala pa? So may balak ka? Whatever.

"Nakakasakit ka na ah, ganyan ka ba magkagusto sa'kin?" Kumunot ang noo nya. 

Pinanlakihan ko siya ng mata. Wala akong maalalang sinabi kong gusto sya. Pagkatapos ng pa-uusap namin kahapon ay hindi ko siya sinagot.
 

"Kailan ko sinabing gusto kita? Wala akong sinasabing ga'non ha!" Depensa ko.

Sige lang Klea, ideny mo lang nararamdaman mo. Ngingisi-ngisi naman siyang lumapit sa'kin. Bumaba siya ng konti para pantayan ang mukha ko kaya napaatras ako. 

"Nung sinabi mong 'go love', hindi mo pa ba ako gusto no'n?" Ngumisi siya. " O baka mali lang ako ng pagkakarinig?" Kunwaring napaisip pa ito. 

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Ang akala ko hindi niya narinig 'yon dahil hindi niya ako inasar doon. 

"H-hindi ako 'yon, wala akong sinabing ga'non." pagdedeny ko. 

Napatango naman siya habang pinipigilan ang tinatagong ngiti. 

"Ah kasi 'yon yung sinabi ni Reign sa'kin eh, narinig ka daw niyang sinigaw mo 'yon." pagkukunwari pa nito.

Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko kaya tumayo ako at tumakbo palabas ng bahay.  Wala na akong mukhang maihaharap sa kahihiyan. Narinig ko ang mapang-asar niyang tawag sa'kin. Hindi ko siya pinansin at pinuntahan nalang si Tita. Hingal na hingal akong lumapit kay Tita na nagulat pa. 

"Jusmeyo Klea! Aatakihin ako sa puso sa'yo," gulat na sabi nito, "Bakit ba hingal na hingal ka? Tumakbo ka ba?" 

Kumuha muna ako ng konting hangin bago nagsalita, "May ipis po kasi sa kusina kaya napatakbo ako." Habol hiningang sagot ko.

Ipis na nagngangalang Jayce. Pisti! 

"Ipis? Hindi ba't nando'n si Jayce?" takang tanong ni Tita. 

Hindi ako makasagot nang biglang dumating si Jayce. 

"Hindi ka pa tapos kumain, Love!" pang-aasar ulit nito. 

Inis akong napatakbo palabas ng shop. Tinawag pa ako ni Tita pero sinabi kong may bibilhin lang ako. Gusto ko lang talaga iwasan si Jayce.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, tumigil na lang ako sa may tindahan. Hingal na hingal akong naupo doon. Nagulat ako ng may magsalita mula sa likod ko. 

"Klea?" tawag ng kung sino. 

Paglingon ko ay nakita ko si Art na nakatulala. May hawak siyang garbage bag at mukhang itatapon niya ito. Napatayo naman ako at nilapita siya. 

"Art, ikaw pala!" nakangiting sabi ko. 

"Anong ginagawa mo dito at lumabas ka ng ganyan lang suot?" turo niya sa damit ko. 

When Love Lasts Where stories live. Discover now