"I like that, baby."
Paulit-ulit na nag-echo yon sa pandinig ko. Parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa. Did I really said that? Tapos gano'n pa ang sinabi niya!
Bakas sa mukha niya kanina ang pagkamangha. Pagkatapos ko naman sabihin 'yon ay iniwan ko siya. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng hiya. Meron pa naman ako no'n
Napahilamos ako sa mukha ko. Hindi ako mapakali kakaisip. Ano kayang iniisip niya? Baka akalain niya eh maharot na ako. Bigla ba naman mag aya ng date out of nowhere. Hindi ko nga alam kung naalala niya ba ako.
Siyempre! Sino ba namang makakalimot sa'kin? Ganda-ganda ko eh. Sige Klea nagbuhat ka nang sariling bangko.
Lumabas ako sa balcony nang kwarto ko. Hindi tuloy ako makatulog kakaisip do'n. Makokonsensya ba ako na iniwan ko siya o tama lang na ginawa ko 'yon. Besides that was a dare. Ok lang siguro kung hindi ko sundin. 'Wag lang ako kulitin ni Loreen.
Biglang nag vibrate yung phone ko. Nagtataka ako ng makareceived akong text from unknown number.
From: Unknown Number
Hi Ma'am, Lalamove po ito, nag order po ba kayo?Napakunot naman ang noo ko. Dis oras na ng gabi meron pa bang lalamove? tsaka ano in order ko?
To: Unknown Number
Wala po akong in-order. Wrong send ka po Kuya.Mabilis naman itong nag reply.
From: Unknown Number
Meron.To: Unknown Number
Ano naman in-order ko aber?From: Unknown Number
Ka date? G ka ba lods?Teka hindi ko siya maintindihan. Baka nantitrip lang o kaya prank.
To: Unknown Number
I don't date.Weekend ngayon kaya sa shop lang ako buong araw. Wala naman din kaming lakad nila Loreen. Tsaka kung meron man ay hindi ako sasama dahil alam ko na kung saan punta niya. Ayaw kong makita ulit yung lalaking 'yon.
Nagaasikaso ako ng orders na kukuhanin ngayon. Pick up kasi, siguro para walang shipping fee. Mahal din kasi lalo na kung malayo, pero sa malapit na village lang naman yung nag order.
Inayos ko na yung bouquet of tulips. Mayroon 6 pcs na tig 2,600 at yung 12 pcs naman ay 6,700. Mas mahal kapag customize. Favorite flower ko pero 'di ko afford.
Aba, kahit nagtitinda ako dito hindi naman ako pwede dumukot. Hanggang tingin na lang ako, depende din kung may gustong magbigay edi tanggapin. Choosy na lang ako kung hindi ko tanggapin 'yon.
Mayaman naman si Tita eh pero mas pinili niya pa rin magbusiness ng ganito. Gusto niya rin mamuhay ng normal kahit may company naman na iniwan ang asawa niya bago ito mawala.
Yung mga perang dumadating naman sa kaniya ay 'yon ang ginamit niya para makapag patayo nito. Hindi ko rin naman alam kung sino nag handle ng company na iniwan sa kaniya. Wala naman siyang anak.
Ayaw niya naman talaga 'yon pero no choice siya kung hindi patakbuhin. Minsan din ay uma-attend siya ng meeting kapag trip niya. Ayos din si Tita eh, lakas ng amats. Choz!
Biglang bumukas ang pinto kaya napaayos ako ng tayo. Nakakahiya naman kung mukha akong losyang sa harap ng customer baka bigla nalang umalis.
"Good day si-" napatigil ako nang makita ko kung sino ang pumasok.
YOU ARE READING
When Love Lasts
Romance#1 DUOLOGY NOVEL Klea Jade Yildez is an Architecture student at Saint Luis University. She is a strong, independent woman. Her mother died when she was a child. Her mother's sister, Hillary Palmer, who was the heir to her late husband's company and...