Chapter 10

48 8 23
                                    

Nanatili muna kami doon bago bumalik sa gymnasium. Patapos na ang 4th quarter nang makarating kami. Nangunguna ang SLU kalaban nila yung kabilang school. Pagkatapos nila ay ang DIS naman ang susunod. Anim na school lang naman silang naglalaban laban. Baka nga kami pa ang lumaban sa finals eh.

Iniwan ko muna sa sasakyan ni Jayce yung bulaklak dahil baka maging malaking issue ito. Ayaw ko naman na pinaguusapan kami, lalo na’t sa nangyari kanina. Tinanong ko naman siya kung ano yung nangyari do’n sa lalaki. Sinagot naman niya ako na pinarusahan niya daw. Kilalang womanizer pala ang loko at dito lang rin siya nag-aaral. Matalino naman pala ang gago pero simpleng ‘ayaw ko’ hindi maintindihan. 

Nauna na si Jayce dahil hinahanap na siya. Ni-reserve naman niya kami ng seat ni Loreen, niyaya niya pa nga ako na doon nalang sa mga ka team niya ako sumama para raw makita niya ako, agad naman akong tumanggi. 

Tinawagan ko si Loreen upang itanong kung nasaan siya. Nakailang ring muna ito bago niya sinagot. 

“Hoy babae, nasan ka ba? Bakit bigla ka na naman nawala.” paunang sabi ko.

“May kinausap lang ako dito sa malapit, hindi na ako makakabalik kaya ‘wag mo na ako hintayin. Bye!” sagot nito at mabillis na binaba ang tawag. Hala bastos.

Napabuntong hininga na lang ako bago pumasok sa loob. Nagtaka ako nang tawagin ako nung kasama ni Jayce kanina. Kumakaway ito sakin habang sinesenyasan ako na lumapit sa pwesto niya. Kahit nagtataka ay nilapitan ko pa rin siya. 

“Hi, Madam ni Master hehe.” nakangiting sabi nito. 

“Hello,” tipid na ngiting bati ko.

“Upo po kayo, inutusan ako ni Master na bantayan ka dahil baka daw may lumapit na naman sa'yo.” paliwanag nito kahit hindi ko pa naman naitatanong. 

Lakas maka boss ng lalaking yon. Tinanguan ko nalang siya at tinuon nalang ang pansin sa harap pero biglang nagtama ang tingin namin ni Jayce. Nang makita niya akong nagulat ay bigla siyang kumindat sakin bago tumalikod dahil tinawag na siya nung coach. 

Naramdaman kong nag init yung pisngi ko. Nakita ko naman ang paggalaw ng lalaki sa tabi ko na animong kinikilig. Hala siya. 

"Anong pangalan mo?" tanong ko dito. 

Napatigil naman ito sa paggalaw at bahagyang naubo.

"Reign Morales po, Civil Engineering," magalang at pormal na pakilala niya. 

Kaya naman pala parang close na close sila, same course pala. Mukha rin naman siyang loko-loko.

"Bakit mo natanong, Madam? Interesado ka ba sakin? Nako alam ko naman na gwapo ako pero gusto ko pa po maging Engineer. " Saad nito.

Napangiwi ako. Likas ba talagang makakapal ang mukha ng mga taga Engineering dito? Wala nga si Jayce may pumalit naman.

"Kapal ng mukha natin dyan eh no?" sarcastic kong sabi.

Napakamot na lang ito sa ulo at hindi na nagsalita. Ibinaling ko na lang sa harap ang atensyon. Yung kabilang team na pala ang nangunguna. Medyo nakaramdam ako ng kaba kahit first game pa lang naman. 

"Mukhang malakas ang kalaban madam, cheer ka naman dyan," sabay siko niya sa akin.

Feeling close din talaga nito eh. Kapag kami naging close, sira buhay nito.  Napaisip ako sa sinabi niya pero naalala kong hindi pala ako taga DIS. Baka may makakita sa'kin sabihin ang taksil ko. Baka ipatalsik ako, charot.

Nang makita ko naman na nakakahabol sila ay nabawasan ang kaba ko. Natapos na ang first quarter ng laro at binigyan sila ng 10 minutes break. 

Lumapit si Jayce sa may railings kung saan kaharap ko lang. Medyo mataas iyon kaya sumampa siya ng konti. Nagsigawan naman lahat ng nasa likod ko. Ay wow may mga sumasapaw, ako ang pinuntahan hindi kayo. Hmp. 

When Love Lasts Where stories live. Discover now