Chapter 2

152 18 23
                                    


Pagkatapos kong ihatid kahapon si Loreen sa bahay nila ay tinawagan ko si Kian upang siya ang magbantay kay Loreen. Hindi kasi ako pwede doon matulog dahil may plates pa akong tatapusin. Mabuti na lang at walang ginagawa si Kian. Magpinsan naman sila kaya magkalapit lang bahay nila.

5 hours lang din ang tulog ko, 2am na ata ako natapos. Hindi ko na napansin dahil pagkatapos ng ginawa ko ay bagsak ako sa kama. 

Naisip ko na naman yung tanong nung lalaki. Ang weird kasi na itanong niya yon? Banat ba yon or what? Pagkasabi niya kasi non ay iniwan ko siya. Hindi ako interesado sa mga lalaki. Sakit lang sila sa ulo.

Pagkatapos kong magpasa ng plates ay nagtungo ako sa gymnasium. Wala naman akong gagawin dahil wala na akong class. Maaga pa naman para umuwi. 

Manonood na lang ako ng practice nila Kian. Bibwisitin ko din siya. Ayaw niya kasing nanonood ako. Naiirita daw siya sa ganda ko. Emz!

Pagkapasok ko ay nakita ko siyang nakaupo sa bench at umiinom ng tubig. Mabilis naman akong lumapit sa kanya ng hindi ako napapansin. Nang makalapit ay saka ko yinakap sa leeg dahilan para maibuga niya yung iniinom niya sa kasamahan niya.

"The fuck?" gulat na sabi nung ka team niya. Si Art ata 'yon.

Nagpigil naman ako ng tawa. Sakto kasing sa mukha niya nabuga. 

"Sorry Art, si Klea kasi." sabi ni Kian at tinignan ako ng masama.

Gulat naman ang mukha nung Art. Nginitian ko lang siya at nag peace sign. Hindi naman siya nakagalaw. Nagtataka narin ako kasi kapag nakikita niya ako parang nahihiya siya. Iniisip ko tuloy na may gusto siya sa'kin. Assuming eh?

"A-ah ok lang." sabi nito at nag iwas ng tingin. 

Binaling ko na lang ang tingin ko kay Kian na parang ayaw niyang nandito ako. Arte talaga nito, konti nalang iisipin kong may gusto siya sa'kin. Joke!

"Ano na naman ginagawa mo dito?" tanong sa'kin ni Kian.

"Manonood, hindi ba obvious?" pabalang kong sagot. 

Tinaasan naman niya ako kilay. In fairness mas maganda pa kilay niya sa'kin. Sana all.

"Manonood o mageeskandalo?" tanong nito. 

Napahawak naman ako sa dibdib ko at umarteng na offend. 

"Grabe ka naman sakin, parang eskandalosa ako sa paningin mo ah?"

Inirapan niya naman ako at tumayo na. Tinawag na kasi sila ng coach. Ako naman ay behave lang sa gilid.

Nagsimula na ang training nila. Kapag nakakashoot si Kian ay sumisigaw ako. Dahilan para magtinginan ang ibang nanonood sa'kin. Pero wala akong pake dom. Nang maka shoot ulit si Kian ay sumigaw ako dahilan para tignan niya ako. Nag peace sign naman ako.

"Go Kian Allister!" sigaw ko sa pangalan niya.

Kita ko naman sa mukha niya yung inis ng banggitin ko ang pangalan niya. Ayaw niya kasing tinatawag ko siya non. Ang Ganda kaya pero mas maganda ako. 

"Go Fight! Iuwi mo ang korona ng Miss Universe!" sigaw ko. 

Wala na akong pake kung tumitingin sakin yung ibang nanonood. Nang maka shoot ulit siya ay wala na akong tigil sa pagsigaw. Pagkatapos nito paos nako.

Natapos na silang maglaro. Nakita kong papalapit siya sakin. Kumuha naman ako ng tubig pero hindi para sa kanya. Nauhaw ako sa kakasigaw.

"Hindi ba eskandalosa ang tawag mo don? " sabi nito ng makalapit. 

When Love Lasts Where stories live. Discover now