Napabangon ako dahil sa sakit ng ulo ko. Parang umiikot yung paningin ko. Ano ba nangyari sa'kin?
Inaalala ko kung anong nangyari kagabi. Halos wala akong maalala. Ang alam ko ay nasa bar kami pagkatapos ay hinanap ko si Loreen tapos putol putol na.
Napakamot nalang ako sa ulo ko at naghilamos muna bago bumaba. Dumiretso ako sa kusina dahil narinig kong may nagluluto. Ang akala ko ay si Tita iyon pero isang lalaking nakatalikod ang bumungad sa'kin.
Napakunot ang noo ko at tinigtignan kung sino iyon. Gano'n nalang ang panlalaki ng mata ko nang maaninag kong si Jayce iyon.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
Gulat naman siyang napaharap sa'kin, muntik pa siyang mapaso sa kawali dahil sa gulat.
"G-gising kana pala madam! Pinagluluto lang kita ng makakain." ngumiti pa ito ng malapad.
Ang aga naman ata niyang nandito? teka ano na pa lang oras. Umaga pa ba?
"Nandito ka ng ganito kaaga?" tanong ko ulit
Natawa naman siya, "Anong maaga? magtatanghali na po señorita. Gising ba yan ng matinong babae?" parang nanay nitong sabi.
Nanlaki ang mata ko. Ang akala ko ay maaga pa. Hindi ko tinignan ang orasan. Napaisip din ako kung paano ako nakauwi dito kagabi. Maliban sa lasing ako kagabi, wala na talaga akong iba pang maalala.
Tanga mo Klea Jade, bakit ka kasi uminom eh mababa lang naman ang alcohol tolerance mo.
"Paano ako nakauwi? At anong nangyari?" sunod sunod na tanong ko sa kaniya.
Umupo na ako habang siya ay pinagsisilbihan ako. Pwede na siyang katulong. Bihira lang ata ang kilala kong lalaki na marunong magluto.
"Wala kang maalala?" medyo gulat nitong sabi.
"Itatanong ko ba kung alam ko?" pambabara ko.
"Inuwi kita dahil lasing ka tapos dito na ako pinatulog ni Tita. Hindi mo ba matandaan?" paliwanag nito. Napailing naman ako. "Tabi pa nga tayo natulog tapos niyakap mo ako. Tine-take advantage mo ang kahinaan ko Klea." napayakap pa ito sa sarili.
Muntik ko ng maibuga yung kinakain ko dahil sa sinabi niya. What the fvck? Wala akong maalala na may katabi ako at ang alam ko unan ang kayakap ko. Tinignan ko naman siya na nanlalaki ang mata.
"Hoy! Wala akong maalalang ginawa ko 'yon, ha" reklamo ko.
Napailing naman siya."Talaga? Lasing na lasing ka nga tapos sabi mo pa 'Jayce, crush kita,' ikaw ah."
Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi ko talaga maalala yung mga nangyari kagabi. Dmn, totoo ba yon? As in ginawa ko talaga? Hindi na ako iinom. Never!
"Kailan ko sinabi yon ha?!" sigaw ko sa kaniya.
Bigla naman siyang humagalpak ng tawa dahil sa reaksyon ko. Halos mamatay siya kakatawa. Huling tawa mo na sana yan. Kainis!
"I'm just kidding. Ang totoo lang doon ay yung dito ako natulog pero hindi sa kwarto mo. Sa kabilang kwarto and you're really drunk," paliwanag niya ng makabawi sa kakatawa.
Para akong binunutan ng maraming tinik sa sinabi niya. Grabe kaba ko sa mga sinabi niya kahit hindi ko maalala at alam kong hindi ko sasabihin yung bagay na iyon.
Pero yung uminom ako ay bakit ko ginawa iyon? Jusko kailan pa ako uminom ng ganoon? Basta ang alam ko nakita ko lang silang magkayakap tapos yon na yun. Inambaan ko naman siya ng suntok kaya napalayo ito.
YOU ARE READING
When Love Lasts
Romance#1 DUOLOGY NOVEL Klea Jade Yildez is an Architecture student at Saint Luis University. She is a strong, independent woman. Her mother died when she was a child. Her mother's sister, Hillary Palmer, who was the heir to her late husband's company and...