Chapter 1

254 23 41
                                    


"Ano teh kaya pa ba?" tanong ni Loreen.

Nandito kami ngayon sa cafeteria. Mukha akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Feeling ko ang laki na ng eyebags ko. Pa'no tinapos ko yung plates ko kagabi dahil sinabing deadline na kinabukasan.

"Mukha bang kaya ko pa?" masungit na sagot ko.

Napasubsob na lang ako sa lamesa pero agad ako nakaramdam ng gutom. Napatayo ako at nagpunta sa counter para mag order pagkatapos ay agad akong bumalik sa table namin.

Nakita ko naman na dumating si Kian. Nakasimangot akong naupo. Nagtatampo ako sa kanya dahil hindi niya ako tinulungan kahapon. Parang hindi kaibigan!

"What's with that face? Tampo ka pa rin?" tanong nito nang makita ang mukha ko.

Inirapan ko lang siya. Kumain na lang ako at hindi siya pinansin. Bigla naman  nawala si Loreen. Baka nakita na naman niya yung crush niya. Hindi naman siya gusto pero hinahabol niya pa ito. Ganyan yan yung tao na 'yon

Napansin kong busy si Kian sa pagpo-phone. Aba! Wala ba siyang balak suyuin ako? Konti na lang friendship over na kami.

Napansin niya yatang nakatingin ako sa kanya kaya bigla siyang tumingin sa'kin. Umiwas naman ako ng tingin at nagkunwaring walang pakialam.

"Hey, hindi mo pa rin ba ako papansinin?" tanong nito.

Pinaglalaruan ko naman yung yelo na nasa baso. Walang balak na pansinin siya. Bahala siya d'yan kumausap sa hangin.

"I'm sorry, okay? Please forgive me." sabi nito at nagpa cute.

Hindi naman cute! Slight lang.

"What do you want?" pagsuko nito.

Aha! Ayan ang gusto kong tanong.

Doon ako lumingon sa kanya ng nakangiti. Nakita ko naman ang bored nitong mukha. 

"Samahan mo 'kong mag mall bukas!" masayang sabi ko.

Nakita ko naman ang pag-simangot nito. Ayaw niya kasing nagpupunta sa mall. Hindi niya naman sinasabi kung bakit. Basta ayaw niya lang daw. Abnormal talaga.

"Anywhere but not in the mall." bored niyang sabi.

Sumimangot naman ako, as he always said. Kailan ko ba siya mapipilit na samahan ako? Kapag nag-lumpasay na ako sa sahig ganun ba?

"Hay nako! Sige na nga, pag isipan ko muna." sabi ko. 

Tumango naman siya. Pagkatapos namin mapag usapan kung saan kami pupunta ay bumalik na kami sa klase.

Hindi ko na rin nakita si Loreen. Bigla na lang talaga siyang nag disappear.
Baka mamaya n'yan tatawag sa'kin 'yon umiiyak at sinasabing 'break na kami ni achuchu' kahit wala naman akong nababalitaan na may boyfriend siya. 

Natapos na ang klase namin. Napatingin ako sa oras at nakita kong 4pm na. Nagmadali naman akong umuwi dahil baka naghihintay na si Tita. Kailangan kasi may pumapalit sa kan'ya sa flower shop para makapag pahinga ito. Hindi siya pwedeng mapagod. 

Nakauwi na ako sa bahay. Umakyat muna ako sa kwarto para makapag bihis pagkatapos ay lumabas na. Nadatnan ko si Tita Hillary na may kausap na customer. 

Hindi ko muna siya nilapitan. Nagpunta ako sa mini kitchen at pinag timpla siya ng maiinom. Bukod sa puro flower ang meron dito ay pwede ka rin mag order ng kape. Hindi naman ganun ka sosyal na mala Starbucks ang dating. 

Nakita kong tapos ng makipag usap si Tita. Nagpaalam muna ito bago lumapit sa'kin. Inalalayan ko naman siya sa pag-upo.

"Ayos kalang ba Tita? Nakainom ka na ba ng gamot mo?" nag-aalalang tanong ko.

When Love Lasts Where stories live. Discover now