Chapter 6

103 12 3
                                    

Ang aga aga pero may nambulabog na agad sakin. Bakit pa kasi ako pumayag? 
Umagang umaga ay nandito si Jayce sa'min. Siya pa ang nanggising sa'kin, bigla nalang siyang pumasok sa kwarto ko na may dalang pan at sandok na ginamit niya panggising sa'kin. Muntik ko na siyang sipain palabas kung hindi lang masakit tuhod ko.

Sabay kaming pupunta sa school. Kaya maaga niya akong ginising. Siya din ang nagluto ng breakfast ko. Wala tuloy akong nagawa.  

Nakakapaglakad naman na ako pero paika ika. Hindi rin ako makatayo ng matagal dahil kumikirot. Sana mabilis akong makalakad ng maayos. 

"Mag ingat kayo." paalam ni Tita. 

"Opo Tita, itatali ko po siya ng hindi makawala." biro naman nitong peste na 'to.

Nagsimula na siyang mag drive habang ako tahimik lang at walang kibo. 

"Sure ka hindi mo talaga ako ichi-cheer?" tanong ulit nito. 

Pangatlong beses na niya atang tinanong yan. Ang kulit talaga.

"Sirang plaka ka ba? paulit ulit." iritang sabi ko.

Hindi siya sumagot. Napatingin ako sa kan'ya. Seryoso ang mukha niya pero naka pout siya. Napataas naman ang kilay ko. Bahala siya hindi ko siya ichi-cheer, ang taksil ko naman sa school ko. 

Nakarating na rin kami sa school, napatingin ako sa labas ng madami ng studyante ang pumapasok, even outsiders. Mga taga DIS at ibang school. 

Naghanap siya ng parking. Mabuti nalang at malaki yung school kaya may space for parking. Inalis niya yung seatbelt niya at mabilis na bumaba para pagbuksan ako ng pinto saka nilahad ang kamay niya. 

Hindi na ako nag inarte at kinuha yon. Dahan dahan akong lumabas.

"Buhatin kita?" nakangising tanong nito. Nang aasar pa.

Gusto ata niyang gumawa ng eksena dito. Baka kalbuhin pa ako ng mga fans niya tsaka baka makilala nila ako dahil sa post niya. 

"Kaya ko maglakad." sabi ko. 

Tinanguan naman niya ako. Sumabay lang siya sa paglalakad sa'kin, nakaalalay pa siya. Pero mali ata na sabay kaming maglakad dahil pinagtitinginan kami ngayon at pinagbubulungan. 

Tumigil naman ako at tinignan si Jayce na nagtataka. Hindi ba niya napapansin?

"Mauna kana kaya?" tanong ko dito. 

"Hindi pwede, ibinilin ka ni Tita sa'kin." sabi nito. 

Napalingon ako sa paligid. Halos nasa amin talaga yung atensyon. Napansin din ata ni Jayce kaya napakamot siya sa batok. 

"Mga chismosang 'to." mahinang bulong niya pero narinig ko 'yon. 

Tinignan ko siya ng masama kaya napasimangot ang loko. Wala na akong nagawa kung hindi tumuloy sa paglalakad. 

"Klea Jade!" tawag ng kung sino. 

Napalingon kaming pareho ni Jayce. Nakita namin si Loreen na tumatakbo papalapit. Nagulat pa siya ng makitang kasama ko si Jayce at ngumisi ng mapang asar.

"Ay ano 'to? huli na ba ako sa balita. Bakit kayo sabay?" makahulugang tanong nito ng makalapit. 

"Wala, alalay ko lang yan wag mo bigyan ng malisya." sagot ko dito. 

Narinig ko naman si Jayce "Gwapong alalay." 

Matalim ko siyang tinignan. Humirit pa eh. Nakasunod pa'rin sa'kin si Jayce kahit sinabi kong si Loreen na ang bahala pero makulit talaga siya. Mukha tuloy akong pinapatay ng mga taga DIS sa tingin nila. Nakakamatay ang inggit.

When Love Lasts Where stories live. Discover now